Chapter 1

7.3K 219 11
                                    

Abegail POV

                     Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina at pinagbuksan ako ng pintuan ng secretary ni Gwen. Oo first name basis lang,hindi naman sa wala akong respeto sa kanya dahil sya nga itong alkalde ng bayan namin. Meron lang talaga akong sama ng loob tatlong taon na ang nakakaraan.  Lakas loob na naman akong nagtungo sa kanya dahil kailangang kailangan ko talaga ng pera. Halos wala ng natira sa ipon ko dahil sobrang mamahal ng gamot ni nanay. Halos maiyak talaga ako kaya lang para sa nanay ko gagawin ko ang lahat.






               Nagtalo pa nga kami ng kuya ko dahil pinipilit niya akong huminto na lang sa aking pag aaral. Dahil kailangan ni nanay ng agarang gamutan para gumaling na sya. Anim na buwan kailangan tuloy tuloy ang gamutan niya.  Hindi ako pumayag sa gusto ng  kuya ko at gagawa talaga ako ng paraan para hindi huminto sa pag aaral. Mag a apply ako ng trabaho kay Gwen kung kina kailangan  kong mag drama ng husto sa harapan nito gagawin ko.






                    "Pasok!" Narinig ko na naman ang ma awtoridad na boses nito. Nagsenyas naman sa akin ang secretary ni Gwen na lalabas na sya at dalawa na lang kaming naiwan dito sa loob. Pagkatapos maisara ang pintuan. Nakatayo na ako sa harapan nito habang nakaupo ito sa swivel chair nya,may mga binabasa ito na mga papeles sa ibabaw ng table nito.
Iba na ang buhok nito one length na hanggang balikat at itim na ang kulay.  Dati kasi mahaba ang buhok niya na wavy at kulay ash blonde.






                    Ewan ko ba kung hindi pa niya ramdam ang presensya ko o kunyari lang syang walang tao sa harapan niya. Ilang minuto na ako sa ganitong ayos,nang hindi ko na natiis ay napatikhim na ako. Saka lang ito nag angat ng mukha. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang aming mga mata.  Batang bata parin nitong tignan kahit na alam kung nasa 30 plus na ang edad nito. Isa sya sa pinaka batang politician sa bansa. Ang pagkaka alam ko may asawa na ito at isang anak na babae.



                 "Magpakilala ka na miss-" Malumanay naman nitong turan. Ibang iba noong unang nakaharap ko sya.



               "Ah... Ako nga pala si Abegail Concepción." Sinabi ko kung anong barangay ako nakatira. "Mag a apply sana ako ng trabaho m-mayor." Nauutal kong turan habang nakatitig lang ako sa mga mata nitong kulay hazelnut brown..  Ang natutunan ko kasi sa trabaho kapag nasa interview ka titigan mo lang sa mga mata yung nag iinterview sayo para maniwala syang seryoso ka sa aplyan mong trabaho. Kaya lang hindi ko pala alam kung anong trabaho itong papasukan ko.






                   "Bakit kailangan mo ng trabaho sa akin. Wala ka bang ibang mapapasukan?" Tanong naman nito.







                  "Ah- nagpa part time ako sa isang fast food chain.. Kaya lang- kailangan ko kasi ng malaking halaga." Nakita ko naman ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. Baka akala niya nagbibiro ako. "Na ospital kasi ang nanay ko at napag alamang may tuberculosis sya kailangan nya ng agarang gamutan.. Yung naipon ko kasing pang enroll ko sa Lunes-"






               "Okay I get it.!" Putol nito sa sinasabi ko. "Working student ka and nagastos mo sa nanay mo yung pang bayad mo ng tuition." Marahan naman akong napatango sa tinuran nito. Nasabi ko din sa kanya na huling taon ko na kasi sa kurso kong education at ayoko ng huminto sa pag aaral ko.. Sayang kasi.






                "Bakit hindi ka kumuha ng scholarship noon.." Please lang huwag mo na sanang ipaalala yung nangyari noon. Tyak hindi na nito ako matandaan.





                 "May pang aral naman ako noon." Narinig ko naman itong napatawa ng mahina kaya hindi ko na tinuloy ang isang kasinungalingan ko.






                 "Magkano ba ang kailangan mo?" Direct to the point nitong sabi. Sinabi ko naman yung exact amount na kailangan ko. "Ilang taon ka na?" Hindi naman ako kaagad naka sagot sa tanong nito. Meron kasi akong nakita sa paraan ng pag titig nito sa akin. O baka guni guni ko lang.

                   
             




               "21 po mayor.." Tugon ko naman. Napangisi na naman ito. Ano bang meron sa edad ko!






                   "Kaya mo bang tanggapin kahit anong trabaho na ialok ko sayo.  Miss Concepción?" Seryoso nitong turan. Hindi naman ako nababahala kung anoang trabaho iyon. Alkalde sya at natitiyak kong  hindi naman ito matatagalan sa termino niya kung may gawain syang labag sa batas. "Sagot ko na ang  pagpapa gamot sa nanay mo at ibibigay ko ang kailangan mong halaga sa pag aaral sa isang kondisyon.." Talaga sasagutin niya yung pagpapa gamot ng nanay ko. Bigla naman akong napangiti na naiiyak,gusto ko syang yakapin kaya lang hindi naman pwede.





               "Hindi mo ko pinapakinggan Miss.." Turan nito.. "May kondisyon ako at kailangan mong tanggapin ang trabaho na i aalok ko sayo.."






                Sunod sunod naman akong napatango. "Opo tinatanggap ko." Para sa nanay ko at sa pag aaral ko gagawin ko ang lahat.





                "Ang kondisyon ko ay,gusto kong umalis ka sa trabaho mo ngayon at sa akin ka lang magtatrabaho." Pabor din sa akin yun dahil mababawasan ang stressed ko hindi ma bugbog ang katawan ko. "Kung nagkaka intindihan na tayo. Alam mo ba kung saan ang bahay ko?" Napatango naman ako, alam naman ng lahat kung saan ang bahay nito.. "Okay good.. Punta ka sa bahay mga around 6pm kung wala pa ako ng mga oras na yun,hintayin mo ako kahit anong mangyari. Dun na lang tayo mag usap." Turan nito. Pagkatapos ay umalis na din ako kaagad.







                Masaya ako dahil hindi ko na poproblemahin ang pagpapa gamot ni nanay. Kailangan ko na rin palang gumawa ng resignation letter dahil kailangan ko nang umalis sa trabaho ko gaya ng gusto ni Gwen.. Gwen na lang nasanay na ako eh! Buti pala at nakinig ako sa kaibigan ko. Papa salamatan ko talaga sya. Ililibre ko sya kapag naibigay na ni Gwen sa akin yung pera. Hindi ko naman pala naitanong kong kailan nya ibibigay. Baka mamaya siguro sa bahay nila.

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon