#OnePromiseWP
Chapter 11
"Congrats, Naomi!" bati sa akin ni Uncle Randall nang makababa ako sa stage after graduation.
Mahinhin na ngiti ang iginawad ko sa kanya tulad lang din ng sagot ko sa iba pang bumati sa akin. "Salamat po."
Shaien clung her arms onto my shoulders. "Wow, Naomi! Parang hindi ka masaya na gr-um-aduate ka," pang-asar naman nito.
Palihim akong umirap sa kanyang sinabi. "Masaya naman ako, a!" ngisi ko. "Siyempre . . . dapat masaya ako . . . di ba?"
Mariin ang tinging ipinukol ni Shaien sa bawat kibot at kilos ko. Alam kong kanina niya pa ako pinagmamasdan, at alam ko ring alam niya kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman.
"Dapat nga, Naomi. Kaya sumama ka na sa amin kung gusto mo! Celebrate tayo ng graduation kasama si Kuya!"
Pagkasabi niya niyon, agad din naman nag-ring ang aking cell phone. Nag-pop doon ang isang message.
Othniel:
Congrats, Naomi! Sayang, hindi ako nakapunta! I want to treat you, though. Are you free tonight? Lumaki ang ngiti ko dahil dito sa simpleng message niya.
Me:
Oo naman! Just text me the deets, I'll be there. Thank you!
I saw her glance at my phone, too. "ASUS!" Pangungutya ni Shaien sa akin. "Improving! Thanks for stealing Kuya, ha! I feel loved kasi mas inuna niyang i-date ka kaysa ako! Hmp!" Binalingan niya ako ng tingin sabay ngisi. "Sagutin mo na kasi si Kuya! Crush mo siya noon pa man pero nagpapakipot ka pa? Ikaw talaga! E kung sagutin mo na kaya!?"
Itinulak niya pa ako nang pabiro nang mabasa niya ang mensahe sa akin ni Othniel. Tumawa na lang ako sa inasta niya sabay iling.
"Hindi pa kasi time e. Alam mo naman siguro kung bakit, Shaien?"
Tumawa rin siya sabay iling. "Hindi pa time . . ." pag-uulit niya.
Mabilis lang ding natapos ang picture taking at after-celebration ng graduation namin. Nakakailang pictures na nga si Shaien sa akin, pero mas mukhang obssessed itong isang ito sa akin kaysa sa sarili kong pamilya. Um-attend si Daddy pero agad ding umalis, kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Wala naman na akong pakialam sa gagawin niya dahil kapag nakikialam ako, lalo kaming nag-aaway. Kaya nga mas mabuti na lang na ganito.
"Ayaw mo ba talagang mag-dinner kasama kami?" Pang-ilang beses nang pinipilit ni Shaien ito.
Umiling ako. "Hindi puwede. Nabasa mo ang text ng kapatid mo? May date kami! May kailangan din kasi akong sabihin sa kanya."
Malungkot na ngumuso si Shaien. "Bakit hindi ako puwedeng kasama? Kayo, ha! OP na ako! May nangyayari ba na hindi ko alam?"
Tinawanan ko na lang si Shaien. Pinitik ko ang forehead niya dahil kung ano-ano yung iniisip ng lokaret na ito. "Hindi, Shaien. Hindi kami. I told you, remember?"
She docked her head to the side. "Hmm . . . talaga ba?"
Tumango ako.
Ngumuso naman siya. "I still don't get you Naomi, but fine . . . " Bumuntonghininga siya. She raised her hands up in defeat, and sadly pouted. "Hindi na ako manghihimasok." Umayos na siya ng tayo at hinalikan ako bago umalis. "See you tomorrow on Sunday circle at church!"
Ngumiti na lang ako at kinawayan siya bago umalis.
Agad akong dumiretso sa bahay pagkatapos para makapag-ayos. Nagpasalamat na lang ako dahil wala pa roon si Daddy. May mga pagkaing nakahain at may takip, pero wala siya rito sa bahay. I scan the room to check his whereabouts but he wasn't around! Binuksan ko yung takip at nakita roon ang isang pritong isda at yung paborito kong sabaw na baka. Hindi ko pala namalayan na halos buong araw na pala akong hindi kumakain. Excited at kinakabahan kasi ako kanina kaya hindi ako kumain. Ngayong naaamoy ko na yung pagkain, doon ko pa lang na-realize na gutom na pala ako.

BINABASA MO ANG
One Promise (Celestial Series #1)
SpiritualWhat inspired you to write One Promise? You see, when I was young, life was tough. I grew up with a broken family. I never felt the love I wanted all my life. I've always love reading. That's when I found my new comfort through writing. Then I held...