Promise 17

287 29 1
                                        

#OnePromiseWp

"Naomi, nainom mo na ba ang gamot mo?"

Nasa tabi ko si Daddy pagkagising na pagkagising ko. Nakauwi na kami galing sa ospital at umayos-ayos na rin pakiramdam ko. Though, it won't be long, I still have to go back for treatment and updated meds.

Umiling ako.

"Halika na, inumin mo na ito." Ibinigay sa akin ni Daddy yung dalawang tablet at isang baso ng tubig.

Umayos ako ng higa at ininom na ang mga gamot na ibinigay ni Daddy.

Daddy had been taking care of me ever since then. I know I was stupid for doubting him and his kindness, but I still couldn't believe it! Imagine, my own daddy!

I had never peg this to happen. Ever.

Si Daddy ang tumayong guardian ko. From paperworks to needs. Siya ang nagpasa ng letter of absence and leave ko sa school. Aside from that, si Daddy na rin tumutulong sa akin sa bawat pangangailangan ko.

Minsan ay binubuhat na ako ni Daddy dahil bawal daw akong mapagod. Nahihirapan ako para kay Daddy. Ang payat niya yet he acted like he's strong just so he could carry me.

Dahil sa paranoia ni Daddy, kahit labag man sa loob ko, bumalik kami ulit sa hospital para magpa-second and third opinion. Sad to say, it all ended in the same answer. I was so disheartened when I heard what could possibly happen to me in the future as my heart began to weaken, as well as my body.

It might not happen now, but it will eventually happen soon. They say, it was inevitable. Since wala rin silang mahanap na proper medication na available sa bansa, wala na rin silang masyadong maitutulong.

Naiisip ko pa lang, natatakot na ako. Knowing the uncertainty of life ahead, I couldn't live life monotonously anymore. In line with this, I was also starting to restrain my actions and my thoughts.

Besides that, we were not financially stable. Daddy barely even had a job to support all my medical needs. The benefits we got from the government was not even enough as medical assistance. That was why wala kaming mapaghugutan ng pera. I still have my savings but will it suffice?

I was able to study at UST because of the funds mom left, but hindi pa rin sapat iyon. Alam ko, ang laki pa ng gagastusin namin. Those weeks alone in the hospital cost us a lot! Those test, too! Nakakainis kasi unnecessary naman for me, but sabi ng doctor e.

"Ready ka na, anak? Magsisimba tayo," ani Daddy nang makauwi kami after ng third opinion namin.

Pagod akong tumango. Kapapatak lang ng panibagong luha sa aking mga mata dahil sa nalaman ko. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Nanghihina akong pumasok sa bahay para panandaliang magpalit ng damit.

Since the doctors were scared about the possibilities that could happen anytime, Pinagagamit nila ako ng wheel chair sa bawat lakad ko.

Lastly, I had to start secluding myself from people. Since my heart is weak, my body wasn't able to endure activities longer than before, and I was prone from viral infections as well. Once I caught one, expect the worst case scenario.

Ang ironic, ano? I was living my life one day, I drank, I passed out, I puked from hangovers, and I couldn't believe that one day—just a day—everything would change.

Nang makarating kami sa simbahan, agad akong dinaluhan ni Daddy. Inayos niya ang wheel chair ko at ang oxygen ko. Hiyang-hiya ako sa lagay ko. Wala rin naman akong magagawa kundi kaawaan sarili ko.

Nakakahiya ring makakuha ng attention sa iba't ibang bisita. Unlike Daddy who seemed to be proud of me.

"Theodore!" Nagulat ako nang tawagin ni Pastor Stephan ang pangalan ni Daddy!

One Promise (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon