#OnePromiseWp
Nang dumating ako sa bahay, agad akong ginapangan ng kaba. Alam ko, matagal-tagal na rin akong hindi umuuwi, at alam ko ring marami talaga akong kailangan ayusin na problema sa bahay. Kailangan kong harapin ang sakit na sumasakop ng puso ko. Ngunit habang papalapit ako sa bahay, ang tanging nararamdaman ko lang ay kaba at hinanakit.
Parang . . . ayoko nang tumuloy . . .
Siguro, senyales lang talaga iyon na hindi talaga ako meant magsulat kaya ganoon . . .
But on the other hand, parang may bumubulong din sa puso ko na sana, subukan ko namang ayusin ito. Dahil kung hindi ako kikilos ngayon, hanggang kailan ba ako magtatago sa dilim?
Ang dami na ring nagbago simula noong umalis ako. Mas naging malinis at mukhang bagong renovate ang bahay. Gabi na ako nang makarating kaya sigurado akong tulog na si Daddy. Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong inatake ng mga mapapait na alala sa bahay na ito.
Did I ever treat this as my home? Because I never once felt like it. I always felt like I never have a family. That was what my dad made me feel. That in this gigantic world, no one actually cared for me except for myself. The feeling of being alone wasn't foreign to me anymore. In fact, it felt like it was my second nature. I wouldn't be who I am now without it.
It hurts and annoying to always carry the emotional burden. But somewhere along the way, I might have gotten used to the feeling that I became too numb to even care anymore.
Mapait akong ngumiti at marahang isinarado ang bagong renovate na pinto. Sinisiguradong walang ingay na idudulot iyon.
Agad akong umakyat sa aking kuwarto. Nagulat ako nang makitang ganoon pa rin ang itsura nito.
Ibinaba ko na lang sa gilid ang aking mga gamit at agad nahiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod since late na akong umalis sa Manila at halos hatinggabi na rin ako nakarating sa bahay. Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako.
Kinabukasan, naalimpungatan ako nang marinig ang kaluskos sa baba. Agad naman akong napadilat nang dumaan ang isang masarap na amoy.
"Good morning!" maligayang bati sa akin ni Daddy. "Gutom ka na ba?" Itinaas niya ang hawak niyang plato na may egg at bacon. May niluluto pa siya sa likod. Sa itsura at amoy, alam ko itong pagkain na ito. "Umupo ka na roon. Inayos ko na ang lamesa."
Hindi ko siya sinagot. Nag-aalinlangan at naninibago ako sa kakaibang pakikitungo sa akin ni Daddy. Totoo ba ito?
Nakita siguro ni Daddy ang aking expression kaya ngumisi siya at hinawakan ang parehas na braso ko para igiya sa lamesa. Hinatak niya ang upuan para sa akin.
"Upo ka na," anyaya niya.
Umupo naman siya sa kabisera at masayang inilahad sa akin ang mga pagkain.
"Uh . . . narinig kitang pumasok kagabi," panimula niya.
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. I pursed my lips, waiting for him to continue what he was trying to say.
"Gumawa ako ng bacon at itlog, may tinapay rin akong inihanda. Nagsisimula na rin akong mag-aral magluto ng ibang potahe. Siguro, afritada? Mahilig kang kumain niyon, di ba?"
Napahinto ako sa pagsubo.
"Kailan ka pa nagsimulang matutong magluto?"
"Uhm . . . nag-aaral ako!" Masigla naman si Daddy na ipinagmamalaki ang mga iyon. "Marami nga akong natutunan nitong nakalipas na taon. Eto o, subukan mo!" Nakangiti siya nang ilahad ang chicken afritada na ipinagmamalaki niya ngayon. "Madali lang pala ang pagluluto nito! Puro paa pa ang inihanda ko kasi iyon ang paborito mong parte ng manok."
BINABASA MO ANG
One Promise (Celestial Series #1)
SpirituellesWhat inspired you to write One Promise? You see, when I was young, life was tough. I grew up with a broken family. I never felt the love I wanted all my life. I've always love reading. That's when I found my new comfort through writing. Then I held...