Promise 13

262 25 15
                                        

#OnePromiseWp

Happiest Monthsary, Seoulmates! Lapit na Anniv! Buwahaha!😂

"Naomi!"

Agad akong napalingon sa kaliwa't kanan ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Ally.

Oh my goodness! Yayayain na naman ako nitong mag-bar!

Agad akong pumasok sa classroom sa ibaba ng hagdanan. Since yung classroom naman namin ay nasa tapat ng hagdanan, sigurado akong hindi niya mahahalata na nasa likod na classroom lang ako nagtatago.

It had been months mula noong umalis si Ally sa kanyang sorrority. May mga oras na binabalikan nila siya, pero mas kumalma na sila kompara noon. Ngayon, naka-focus naman si Ally sa pag-aya sa akin sa kung ano-anong kababalaghang naiisip niya.

Naging mas close na kami ngayon. In fact, Ally was the only closest friend I had in the classroom. Hindi na rin ako nahihirapan sa groupworks or pairworks since Ally really changed a lot these past few months. Hindi na siya palainom. Though, minsan umiinom, pero ngayon may limits na. Mas studious na nga siya ngayon kompara sa akin!

Oh, look how quickly things changed . . .

"Huy!" Agad akong napatalon sa gulat nang bigla akong tapikin sa balikat ni Louisse!

Nagulat din siya dahil sa bigla kong pagkilos.

"Louisse!" I gasped. Hinawakan ko ang aking dibdib para pakalmahin ito.

Ngumisi siya sa akin. Louisse Althea, an Asian Studies major here at the Faculty of Arts and Letters. Matunog ang pangalan niya dahil sikat ang squad niya rito sa Faculty of Arts and Letters. Not only that, she was one of the artlets who was close to Ethan Alcante and Augustus Ryle.

Naging ka close ko siya dahil sobrang active niya sa mga orgs. Parehas kasi kami ng sinalihan orgs, at sa lahat ng ka-org ko, siya ang pinaka-approachable. She was really a princess in this community.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" she giggled.

"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" I asked back.

She smirked. Humalukipkip siya. "Dito ang classroom ko for geography class. Napaaga lang ang pasok ko kasi halos masuka-suka ako sa sobrang kaba dahil sa reporting! Sobrang sarap pa naman dabugan yung professor ko!" She shivered sabay iling. "So . . . ikaw? Hindi ko naman matandaan na kaklase kita rito?"

Pabirong inirapan ko siya. "I'm hiding from someone."

Ngumuso si Louisse. Umangat ang kanyang kanang kilay. Napatingin ako sa kanyang itsura. Ang ganda niya talaga! Sobrang prim and proper! Her long dark balyage hair were perfectly curled. Nakatali ang kahalati ng buhok niya at naka-paloob iyon. May nakaipit namang tela sa may paikot na parte ng kanyang buhok. Para siyang modern gypsy hairstyle.

Noong una ay hinuhusgahan namin siya dahil ang arte ng unang impression namin sa kanya. Kaso, nang masinsinan namin siyang nakilala, agad naman itong nagbago. Nakakahiya nga dahil hinusgahan namin siya agad.

Sadyang ganoon talaga siya umasta.

"Let me guess . . ." her sweet voice murmured. "Si Ally, ano?"

I laughed with no humor.

Sa tagal na naming magkakaibigan, kilala na rin kaming dalawa ni Louisse. Kapag hindi siya busy ay sinasamahan niya kami.

"YES! She's not dropping that . . . tapsi invitation," I whined.

Tumawa si Louisse. Tapsi is the Thomasian bar. Dito madalas nag-iinuman ang mga Thomasian. Matagal na rin naman ito. Pero ngayon, hati na sila. May isa sa Tapsi, may iba sa The Cube naman.

One Promise (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon