Promise 10

292 43 8
                                    

#OnePromiseWp

Chapter 10

"Naomi!"

Peke akong ngumiti nang lingunin ko ang aking ka-dorm na si Allyssa.

"Bakit?"

Kapapasok niya lang sa dorm room at mukhang pagod na pagod siya. Bumaba ang mata ko sa kanyang pangangatawan, ngunit agad akong huminto sa kanyang kamay. Nakita ko na naman ang isang pamilyar na sobre.

"May sulat ka na naman galing sa tatay mo. Wala ka bang planong kunin ito?" inosente niyang tanong at inilahad ang sulat sa aking harapan.

Inirapan ko yung sulat at tinalikuran siya para ibalik sa pag-aaral ang atensiyon. "Wala, itapon mo na lang ulit iyan," pagbabalewala ko.

Bumuntonghininga si Allyssa. "Ano ba'ng ginawa sa iyo ng tatay mo at galit na galit ka sa kanya?" hindi na niya mapigilang maitanong.

Hindi ko pa rin siya binalingan ng pansin. Itinuon ko ang buong atensiyon ko sa malapit ko nang mag-due na assignment sa math class.

"Huwag mo nang alamin, Allyssa. Paniguradong masisira rin ang imahe mo sa aking tatay." Huminto ako sa pag-calculate at hinarap siya. Ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang mga mata niyang umirap. "Tapos ka nang gumawa ng assignments? Patingin naman o!"

Humalukipkip si Allyssa sa aking harapan. "Tse! Ayan ka na naman sa assignments na iyan! Bahala ka diyan! Hindi mo na ako maloloko."

Natawa ako sa inaasta niya. Umangat naman ang kilay niya.

"Three years, Boss Naomi. Three years na tayong magkasama. Sa tingin ko ngayon, kilala na kita mula ulo hanggang paa, pati ugali! Hindi lang iyon, tatlong taon na rin tayong dorm-mates! Nakakasawa rin ang pagmumukha mo, a! Siyempre, pati na rin sa pagkuha ng mga sulat galing sa iyong ama."

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Bakit mo kasi kinukuha? Sana hinayaan mo na lang mabulok sa mail box. Panigurado, wala ring kuwenta ang mga laman niyon."

Her lips turned into a grim line. "Hindi ka ba curious? Baka importante ang laman niyon?"

Mapait akong ngumiti at umiling.

"Mahal mo naman ako. At dahil sa iyo . . . ang taas kaya ng grades ko! Dali na, pakopya na, o!" Pag-b-beautiful eyes ko pa.

Allyssa had always been my assignment savior. Madalas kasi, tamad akong sumagot. Hindi naman sa bumabagsak ako or hindi ko naiintindihan, tamad lang talaga kasi ako dahil ang dami rin naman kasi ng kailangang aralin!

Kaya kapag umabot na sa puntong suko na ako, hinihiram ko na lang lagi ang assignments niya para makakopya. Minsan, nadadaan pa sa bola e. Ngayon, lagi niya na akong pinariringgan.

"Tse! Iyon nga ang ipinagtataka ko e. Madalas kang kumokopya pero bakit mas mataas ang grade mo? Napaka-unfair ng life, ha!" pagbibiro niya naman.

"Ano ba'ng kailangan kong gawin para maipahiram mo na sa akin iyan?" tanong ko.

Ngumuso siya at ipinatong ang siko sa lamesa ko. Pinaglaruan niya ang kanyang buhok ng ilang minuto bago siya tumikhim. "Basahin mo kahit isang letra na sinulat sa iyo ng tatay mo."

Napaubo ako sa sinabi niya. Agad ding naglaho ang paglalaro sa aking mukha. Napansin niya ito pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. Sa katunayan, lalo niya pang inikot doon ang topic. "Matagal na siyang nagpapadala, Naomi. Bawat buwan ba o araw man. Basta ang dami niyon at ni isa, wala kang binasa. Ayaw mo bang subukan? Baka importante talaga, tutal nag-e-effort ang tatay mong magpadala pa."

Padabog kong ibinagsak ang aking kamay sa lamesa. Nagulat si Allyssa.

"Aalis lang ako para magpahangin," malamig kong saad. "At babalikan ko na lang ang assignments ko."

One Promise (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon