#OnePromiseWp
"Binasa mo na?" bungad na naman sa akin nitong makulit na Allyssa na ito.
Inirapan ko na lang siya at tipid na sinagot. "Hindi nga."
Ngumuso siya. "Akala ko, kaka-muni-muni mo sa school, napagdesisyunan mo nang basahin ang sulat ng tatay mo. Hay, naku. Nasaan na yung sobre?" Humalukipkip siya.
"Doon! Itinapon ko sa basurahan ng school para hindi mo na ako hunting-in tungkol doon."
Ngumuso si Ally. "After three years, after all the ups and downs, ganoon pa rin talaga ang paniwala mo? Akala ko ba, God-believer ka? Bakit hindi ko maramdaman iyon?" pang aasar ni Ally.
Napahinto ako dahil sa sinabi niya. For a moment, my mind questioned myself, too. Bakit nga ba ako puno ng galit para kay Daddy? If God works within me, bakit hindi ko mapatawad si Daddy?
"God-believer naman ako, Ally. God knows every damn struggles na pinagdaanan ko! I tried, I did! For my whole eighteen years of experiences, God knows how much I tried. Kaso, tao lang din naman ako. Nasasaktan. Napapagod. Nanlulumo. May hangganan din ako, Ally. Maybe, ngayon, pagod na ako sa pagpapasensya," pangangatwiran ko kay Ally. "Maybe, I haven't matured at all. Ilan taon na ang nakalipas . . ."
Malungkot siyang ngumiti sa akin. Naglakad siya palapit sa akin at marahang hinimas ang likuran ko. "Naomi, alam mo ba, ang maturity, hindi naman iyon nangyayari dahil tumatanda ka. Dahil ang maturity, makukuha mo lang iyon once na ma-perfect mo na ang balance ng struggles mo sa buhay pati ang buhay itself. Yung matutunan mong manatiling maging ikaw pa rin kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok na nilalabanan mo."
"Talaga ba? Then sadly, mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na hindi nga ako nag-mature. Look at me! I'm a mess. I'm lost, Ally. But, honestly, I don't really care. Despite being lost, I'm more happy and contented already. Ayos na iyon kaysa lagi akong nalulunod kakaisip kung paano ko lagi malulusutan ang problema ko."
Pilit na ngiti ang iginawad sa akin ni Ally. "Kung iyan ang sabi mo . . ."
Tahimik kaming nagligpit ng mga gamit namin. Plano ko sanang ipagpatuloy yung homework na naiwan ko kanina noong iniinis ako ni Ally, kaso tatamarin lang ulit akong sagutan iyon.
"Oo nga pala! Nag-reply na ba yung publisher tungkol sa manuscript mo?"
Agad akong napabaling sa gawi ni Ally.
"Oo nga, ano! Nakalimutan ko na iyon!"
Agad kong binuksan ang laptop ko para ma-check ang emails ko. Simula kasi noong nakilala ko si Wattpad, ginanahan akong mag-post doon ng stories ko. Though, medyo disappointed ako na mababa lang reads ng gawa ko. Na-realize kong siguro kaya ganoon, kasi hindi patok sa madlang people yung genre na pinili ko at bago pa ako. It takes time for people to notice your works. However, I was too eager for progress and change, so I opted to change my genre.
I ventured from spiritual to teen fiction. From then, I tried writing young adult, and now I'm pursuing erotic and new adult. And so far, my erotic novels were the trendiest among my other stories. That was why when they suggested me to pass my manuscripts, I didn't hesitate to pass my most famous story as of now.
Maybe, erotic was indeed preferred by readers nowadays . . .
Some say na mas magaling ako sa young adult, some in spiritual, too. If that was true then bakit ang hirap namang humakot ng reads?
Naglakad si Ally sa likuran ko. Ito na kasi yung panglimang beses namin na magpasa ng manuscript. So far kasi . . . puro rejected ang natatanggap ko. Pero kahit ganoon, hopeful pa rin ako na sana makapasa.
BINABASA MO ANG
One Promise (Celestial Series #1)
SpiritualWhat inspired you to write One Promise? You see, when I was young, life was tough. I grew up with a broken family. I never felt the love I wanted all my life. I've always love reading. That's when I found my new comfort through writing. Then I held...