#OnePromiseWp
They say, death is inevitable. Maybe it is, maybe it isn't. Everyone dies, and it may happen sooner or later. It is a destination where we all commonly go forward to.
But they say, don't worry about death, but instead worry about your life. That you take charge of your life for as long as it last.
"Daddy, you're kidding, right?" I laughed with no humor.
Malungkot siyang yumuko at umiling.
I laughed again this time with disbelief. My god, I couldn't believe these turn out events! I hope this is just a nightmare! But then, recalling everything just seemed to prove that maybe something was indeed wrong with me.
"Dad, what do you mean no? Surely, baka trangkaso or lagnat lang naman ito, di ba? Or OA na may himatay-himatay lang!"
Iniwas ni Daddy mukha niya sa akin. Tahimik siya. His lips were kept closed.
"Dad! Answer me!" I frustratedly said, hoping my voice and desperation would make daddy understand how confused and desperate I was for answers.
Humugot ng malalim na hininga si Daddy para pakalmahin ang sarili niya. He glanced back at me with eyes full of concern, longing, sadness, and love.
"Naomi—" He was about to say something nang bigla siyang nahinto dahil sa biglaang pagbubukas ng pinto ng hospital room.
My frustrated eyes snapped right at the person who barged in.
"Mr. Angeles, lumabas na ang result ng blood test and ECG," bungad sa amin ng doctor pagkapasok niya sa kuwarto. "Naomi, I presumed, nasabi na ng daddy mo ang main cause. After checking the initial test, hindi pa ganoon kalala ang sakit mo. But we need to run some test to know the severity and the proper treatment for your case."
Kumunot ang noo ko sa pagkalito. Though. alam ko naman ang tinutukoy niya, siguro ay nahihirapan lang akong intindihin ang mga salita niya.
"Po? Bakit po? Ang sabi lang po kasi sa akin, may sakit daw po ako. Pero hindi pa nasasabi kung ano po talaga iyon."
Nagkatinginan si doktora at si Daddy. Para silang nag-uusap sa pamamagitan ng tingin. Nakita kong umiling si Daddy at tumango naman bilang pagsang-ayon si doktora.
"Bale hindi pa pala na-explain sa iyo ng papa mo." She closed her notes and passed it on sa nurse sa likod niya. Itinago niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mga pocket at marahang naglakad palapit sa akin.
"Mabilis ka bang mapagod?" tanong niya.
Inisip kong mabuti kung ano ang isasagot doon. Siguro, oo? Madali na akong hingalin. Tapos dumalas ang pagiging sakitin ko, lalo na nitong mga nakaraang taon. Pero normal lang naman yata iyon? May mga taong mabilis mapagod.
Tumango ako sa doktora. Tumango rin siya bilang pagsang-ayon.
"Lagi bang kumikirot ang dibdib mo? Nahihirapan kang huminga?"
Napaisip ulit ako. Eto, oo! Lalo na kapag pagod or stressed or overwhelmed sa emotions!
"Opo." Tumango ulit ako bilang pagsagot.
Humugot ng malalim na hininga si doktora. Kinuha niya ulit yung record sheet niya at may isinulat doon.
"Naomi, based sa mga sintomas at sa initial test, myocardial ischemia ang nakita naming dahilan kaya mo nararanasan ito. Hindi pa visible ang ibang complications sa heart mo sa initial examination kaya may ilang test pa kaming kailangang gawin bago kita resetahan ng gamot. Sa ngayon, you need to stay here muna while we're waiting for your laboratory results."

BINABASA MO ANG
One Promise (Celestial Series #1)
SpiritualWhat inspired you to write One Promise? You see, when I was young, life was tough. I grew up with a broken family. I never felt the love I wanted all my life. I've always love reading. That's when I found my new comfort through writing. Then I held...