Promise 18

273 26 4
                                        

#OnePromiseWp

"Daddy, gumawa tayo ng panibagong memories together," I suggested while we were eating dinner.

Napahinto si Daddy sa pagsubo. "Hmm?"

I chuckled. I stretched my arms to reach Daddy's face as I wipe the food stains near his mouth. "Daddy talaga, ang tanda mo na pero ang kalat mo pa ring kumain. I said, alis tayo. If you want. I don't know where or what we can do, but I'm sure na ayokong ma-house arrest. Nakakabagot na kasi!"

Umirap si Daddy. He hoarsely chuckled after. "Hay, naku, Naomi. Kung sinusubukan mo akong takasan, huwag ka nang mag-abala pa."

Ngumuso ako. "Gusto ko lang namang gumala, Daddy! At saka, ilang linggo na akong ganito. Bagot na bagot na ako! Please?" I batted my eyelash. I pointed my nasal cannula. "Daddy, I can wear this outside, I won't complain. Just, please, let's go out."

Ngumuso si Daddy at ipinatong niya ang kanyang kamay sa lamesa at umakto na parang nag-iisip. Pabiro niya akong pinaghihintay na para bang pinag-iisipan niya talagang mabuti kung aalis pa ba kami o hindi. Siyempre, alam ko na rin namang papayag siya. Besides, kasama naman siya e!

"Fine." Daddy raised both of his arms as a sign of defeat. "But after your checkup! Humingi rin tayo ng go signal sa doctor na puwedeng kang lumabas."

Lumaki ang ngiti sa aking labi. Tumango ako at agad nag-ayos para makaalis. Mas mabuting bumalik sa hospital para magpa-check up kaysa naman manatili rito sa bahay! Nakakabagot kaya.

"Make sure you'll always wear your nasal cannula, okay? Siguraduhin mong hindi ka mapapagod. No hiking and too much walking! Better if you stay in your wheel chair and make sure you also have a spare of oxygen tank with you since maliit lang ang dala ninyo."

Palihim kong inikot ang aking mata habang patuloy na humahaba ang bilin ng personal doctor ko. Kanina pa siya nagbibilin sa amin ng gagawin. Daddy was attentive and I was not.

"Naomi, are you listening?"

"Yes, doc," I sighed.

Tumango si doktora. "Good, papayagan ko kayong mag-joy trip basta sundin ang mga bilin ko. Naomi, makinig kang mabuti sa daddy mo." Tinanggal niya ang kanyang eyeglasses at marahang hinimas ang kanyang ilong. "Sa totoo lang, hindi na talaga ako sang-ayon na naglalalabas ka pa, Naomi. Hindi gumaganda ang resulta ng mga test mo sa bawat buwan. Ang payat mo na. Hindi lang iyon, mas mabilis ka nang mahawaan ng sakit dahil ang baba na ng white blood cells mo."

Yumuko ako. Aware din naman ako sa mga pagbabago ng aking katawan, pero kasi gusto ko lang naman kahit sandali ay makalabas ng bahay. I know, bilang na lang ang mga araw ko, at naiintindihan ko rin kung bakit ganito na lang kung mag-alala ang aking doctor.

I'm scared but I wouldn't let that destroy my everyday life. I will live my life to the fullest. I wouldn't let regret eats me up later on.

"Can I talk to your dad alone?"

Parehas kami ni Daddy na nagulat nang sabihin iyon ni doktora. Nagkatinginan kami ni Daddy. He reassuringly smiled at me. Pilit na ngiti ang isinukli ko, bothered of what the doctor was about to say to him.

Tumango siya sa akin bago ibinalik kay doktora ang tingin. "O, sige."

I comfortably sat on the waiting chair beside the doctor's clinic. Napatingin ako sa mga kasama kong naghihintay lang din para matawag. Most of them were just like me. Naka-oxygen mask and wheel chair. Though, I can walk little by little unlike them. I felt sad as I see patients younger than me. Those children didn't deserve to struggle like these at such a young age.

It somehow irked me to question God again. Bakit ba hinahayaan ng Panginoon na mangyari ito? Bakit niya sinasaktan ang mga anak niya? Lalo na yung mga baby na inosente? Bakit kailangan nilang maranasan ito? Nakakalungkot at nakakaawang makita sila na hirap na hirap sa sitwasyon nila. Maliban doon, yung mga magulang na halos araw-araw binibiyak ang puso dahil sa nangyayari sa anak nila.

One Promise (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon