Promise 12

269 31 12
                                    

This chapter is dedicated to my very own daddy, Happiest Birthday dad! <3

#OnePromiseWp

Chapter 12

"Hello!" panimulang bati ko sa roommate ko.

Ngumuso siya habang ngumunguya ng bubble gum. She blew it into a balloon then at pop it right after.

"Diyan ka sa gilid, ha!" She shrugged.

This time, ako naman ang ngumuso. Agad kong tinungo yung vacant space sa kanang gilid ng room namin. Ipinatong ko ang aking maleta sa kama na malambot naman ang mattress, at ibinagsak sa tabi nito ang backpack ko.

Iniligid ko ang mata ko sa buong unit. Maliit lang yung nakuha kong unit. Studio type at sakto lang ito para sa aming dalawa. One jeep away sa UST, pero okay na rin naman since nasa Welcome Rotonda ang location. Kahit papano ay mura at mapagkakatiwalaan ang kasama ko. Sa ground ng condo building ay may mini mall, at may mga kainan din sa paligid.

What was the condo's name again? Ah, Sun Residence!

"Anong year ka na?" I tried to strike another set of conversation.

Panandalian akong binalingan ng tingin bago itinuon ulit ang buong atensiyon sa kanyang cell phone.

"First year," aniya.

Agad akong napaayos ng upo sa kama. "Talaga? Ako rin! Ikaw yung pamangkin ni Auntie Carol, right? Kung tama ang hula ko . . . Allyssa, right?"

Tumango lang siya at hindi niya ulit ako sinagot. I tried to make my cheeks bubble. I sighed when I realized that maybe she wasn't the talkative type.

Inayos ko ang mga gamit ko sa cabinet. Tahimik pa rin siya roon sa side niya at busy pa ring naglalaro sa kanyang cell phone.

Hindi ba siya na-bo-bore?

"Ano'ng course mo pala?" I tried again.

"Journalism." She snobbishly answered again.

"OMG! Ako rin! Ano'ng block section mo?" pangungulit ko pa rin.

Kumunot na ang kanyang noo nang balingan ako ng tingin. Feel ko, naiirita na siya! Grabe naman, masama na bang makipag-make friends?

Lumawak naman ang ngiti sa labi ko at ipinakita ko sa kanya ang mapuputi kong ngipin.

Umangat ang kanyang kilay. "1Jrn1," she shrugged.

"Uy! Same! Blockies pala tayo e! Nice to meet you, classmate." I lend my hand for a shake.

Umirap siya sabay tango, pero agad akong nabigo dahil akala ko ay tatanggapin niya ang kamay ko kahit papano. Iyon pala, hindi! Hay, naku. Feel ko, mahihirapan akong pakisamahan itong mataray na ito!

Ngumuso na lang ako at binawi ang inilahad kong kamay.

Ever since then, nagkakausap naman kami ni Ally, pero lagi niyang iginigiit sa akin na mas gusto niya ang mag-isa. Though sometimes, I tried to push myself to her. Madalas akong magbasa ng Bible kapag alam kong nasa paligid siya at maririnig niya ito.

She was into gothic, but she was lonely and sad.

Kahit balewalain niya lang ako, alam kong kahit papaano ay may naririnig din siya. Ganoon din ang gawain ko kapag nagdadasal.

I, then, wonder . . . can one survive in this world alone?

Kahit paulit-ulit mong igiit na gusto mong mag-isa ka lang, hindi ba minsan, nararamdaman mo rin ang pagiging lonely?

I mean, I do understand her sentiments that sometimes isolation can offer it's own kind of comfort to one human being, but isn't isolation quite cruel? You find comfort alone, but it'll never stay that way always. Sometimes, it's also because of that separation it became the root for the growing loneliness of one being.

One Promise (Celestial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon