"Elena bago ko harapan ang last supreme god emperor nais ko sanang ibigay saiyo itong aking"Guaaaah!
Napasuka ako ng maitim na dugo pagkatapos kong kunin ang aking skill na Necromastery sa aking puso. Sa una ay ayaw kunin ni elena ang skill kong ito ngunit wala siyang nagawa ng aking itapat ito sa kanyang puso at kusa itong pumasok roon.
Iyon ang huling alaala ko kay elena bago ako sumalang sa pakikipaglaban sa supreme god emperor. Ang laban namen ng supreme god emperor ay tumagal ng mahigit kumulang isang buwan.
Ang supreme gods realm ay nawasak kasabay ng aming huling atake ng supreme god emperor. Masaya akong natalo at napalaya ko ang aking mga kapwa players ng larong MWO.
Kahit namatay ako sa pakikipaglaban sa supreme god emperor na iyon. Masaya ako dahil ang mga mahahalagang tao sa aking buhay ay nakaalis sa sirang laro na iyon.
Napamahal na saakin ang Demon Clan. Lalong lalo na ang mga elders nito na sina kurt,lily,wex,chinie,joshua at karl.
Kaya naman mas ninais kong ako na lamang ang siyang mamatay kaysa sa aking itinuturing na pamilya sa makalipas na sampung taon na pamamalagi sa sirang laro na iyon.
.....................
T-teka?! Nasaan ako? Ito ba ang langit o empyerno?
B-bakit wala akong makita. Sobrang dilim naman dito. Nasaan ba talaga ako?
L-liwanag...
Sawakas may liwanag. Dali dali kong tinakbo ang liwanag at ilang sandali lamang ay narating ko rin ito.
Uwaaaaa!
Uwaaaaa!
Uwaaaaa!
"Lalaki ang inyong anak mr and mrs. Garcia"
"T-talaga? H-ha hahaahahaha! Yes! Lalaki ang anak ko" - mr. Garcia
Huh? Kaninong mga tinig ang mga ito. Sino ang lalaking ito? At bakit niya ako karga karga sa kanyang mga bisig.
Wa.. wag mong sabihin na muli akong nabuhay sa katawan ng batang ito. Ngunit saang lupalop naman ako ng mundo napadpad? Bakit bumalik ako sa pagkabata?
Ngunit isa lang ang aking natitiyak. Mga pinoy ang mga taong ito dahil sa ang kanilang salita ay aking naiintindihan.
"Mr. Garcia! Mag ingat naman po kayo at baka mabitawan nyo ang inyong anak"
"Hahahaha! Pasensiya na aling iday! Natuwa lamang ako dahil ang unang anak namen ni linda ay lakaki may junior na ako. Hahahahaha!"
"Hayyy! Nakuu! Oh siya siya! Mamaya pa yan magigising si linda at mabuti pang magluluto muna ako ng makakain ni linda para pagkagising niya may makakain siya"
"Maraming salamat aling iday! Tatanawin namin itong malaking utang na loob"
"Ano kaba! Napakaliit na bagay. Sige na at mag bonding muna kayo ng anak mo"
Maya maya pa ay narinig kong umalis na ang taong iyon dahil sa narinig kong nagbukas sara ang pintuan ng kwartong ito.
"Napaka gandang lalaki naman ng aking anak! Manang mana sa kanyang tatay gandang lalaki din. Hahahahaa!"
Di ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar. Di karin mafeeling e no. Kung ganoon muli akong nabuhay at nareincarnate ako sa katawan ng batang ito at basically ito ang aking tatay.
Well, gwapo naman ang lalaking ito na hindi ko maipagkakaila. Mukhang sa kahuli hulihang pagkakataon ay gumana ang aking passive skill na reincarnation na nakuha ko pa kay satan ng aking mapatay ito sa neither world.
BINABASA MO ANG
NYX GARCIA
ActionIto ay panibagong kwento ni Nyx D. Dragon sa kakaibang mundo. Sa mundo ng World Of Cultivation na kung saan. The Weak will be devour by the strong. And the power is justice on this world. all you need is power.Power to protect your love ones. Power...