Back To Yan City

3.7K 229 68
                                    

A/n : Enjoy Reading.....

Lumipas ang isang taon bago lumabas si nyx sa kanyang silid sanayan na dapat ay noong nakaraang tatlong buwan pa. Nagnilay muna si nyx upang mapataas ang kanyang pangkalahatang lakas at matagumpay naman niyang nakamit ito dahil ang kanyang kultivation level ngayon ay.

Ancient Realm 1st Level na kasing lakas na niya ang ordinaryong elder dito sa academya. Ang ordinaryong elder dito sa academya ay ang mga tagapangalaga o taga bantay kapag may papasok na bagong salta sa academya. Kaya naman noong lumabas si nyx sa kanyang silid biglang naramdaman ng mga elders ang inilalabas na aura ni nyx na maging si head master jin ay agad itong naramdaman at napangiti na lamang kay nyx dahil hindi ito kailanman binigo siyang gulatin sa tuwing lalabas ito ng kanyang silid.

Nang manalo si nyx kay john. Binansagan siyang The Most Talented In Student dito sa academya sa buong kasaysayan at siya narin ang siyang naging top 1 golden diciple at walang nangahas na kumalaban sakanya dahil sa takot nilang baka mahigop lamang ni nyx ang kanilang kultivation level at masayang ang kanilang paghihirap.

Si john naman ay mabilis na nakarecover at ngayon ay nasa 3rd level Master Realm. Kahit na nahigop ni nyx ang kanyang kultivation level hindi siya gaanong nanghihinayang dahil kung tutuosin ay nagpapasalamat pa siya rito at hindi siya nito tinuluyan.

Ang aurang inilalabas ni nyx ay ramdam na ramdam ng bawat isang naroroon sa kultivation tower. Hindi naman naaapektuhan ang mga disipulong mas mababa kay nyx dahil hindi naman ito nakatarget sakanila sadyang nakalabas lang ito at hindi ito nais itago ni nyx dahil para saan pat itatago niya ito kung malalaman din naman nila ito kapag lumaban siya sa isang labanan.

Habang naglalakad si nyx ng marahan bawat isang disipulong madaanan niya ay mabilis na yumuyuko sakanya at nagbibigay galang sakanya na may mga ngiti sa labi. Sa isip isip ng mga ito ay sawakas nakita nilang muli si senior nyx nila at sa paglabas nito muling tumaas na naman ang pangkalahatang lakas nito kaya naman hindi nila mapigilang hindi mamangha dito. Ganun paman mas pag iigihan pa nila ang kanilang pagninilay at gagawing inspirasyon si nyx sa kanilang pagninilay at pagsasanay.

Nagtungo si nyx kay elder yuri habang ang matanda naman ay nakangiting nag aantay lang dito dahil alam niyang pupuntahan siya nito.

Yumuko muna si nyx bago nagsalita "Elder ako po ay babalik sa aking bayan upang maningil ng utang at sana ay inyong pahintulutan ito" magalang na paalam ni nyx sa kanyang guro.

Hindi naman nagulat si elder yuri bagkus inaasahan na niya ito. Alam niya kasi na balang araw ay maghihiganti ang batang ito dahil sa pagpaslang ng kanyang mga kaanak sa magulang nito. Alam niya ring walang makakapigil dito dahil away familya ito at maging ang Emperial Royal Clan ay walang magagawa kung nanaisin ni nyx na ubusin ang kanyang angkan.

Napatango tango naman si elder yuri sa tinuran ni nyx at marahang nagwika ng "Hindi kana ba talaga mapipigilan pa?" Naniniguradong tanong ni elder yuri.

Isang ngiting pyscho path naman ang iginanti ni nyx sa kanyang guro at napabuntong hininga naman ang huli dahil sa hindi na nga ito mapipigilan pa. "Mag iingat ka lagi at sana ay bumalik kapa dito sa paaralan na ito. Tandaan mo pangalawang buhay mo narin ito nyx at parang anak narin ang turing ko saiyo" nakangiting turan ni elder yuri na may halong pag aalala.

Dahil sa narinig ni nyx medyo napiga ang kanyang puso at medyo naluluha sa tinuran ng kanyang guro. Yumuko si nyx at nagwika ng "Sirain nyo lamang po guro ang Blue Jade Plate na ito kapag nagkaroon ng gulo ang academyang ito. Asahan nyong darating agad ako kahit saan man ako naroroon" nakangiti si nyx kay elder yuri ng totoo at ito ang kauna unahang ngiting totoo na ginawa ni nyx mula ng mamatay ang kanyang mga magulang.

NYX GARCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon