Lumipas ang mga oras at sandali at itutuloy na lamang daw ang paligsahan bukas ng umaga dahil sa gabi na at kailangan na ding magpahinga ng mga disipulo ng academyang ito para bukas.
Kaya naman ang mga mag aaral ay unti unti ng nagsisipag balikan sa mga kani kanilang mga silid. Si nyx naman ay tumayo narin habang si elder yuri naman ay agad na nagtungo sa kanyang dereksyon. Bago makarating si elder yuri ay agad yumuko si nyx tanda ng pagbibigay galang dito.
"Dahil sa naging golden diciple kana nyx, doon kana ngayon maninirahan sa silid na para sa mga golden diciple lamang at ang ibang benepisyong iyong matatanggap ay bukas na bukas din ay makukuha mo" masayang saad ni elder yuri kay nyx.
Natuwa naman si nyx sa kanyang narinig kaya naman muli itong yumuko at nagpasalamat dito.
"Maraming salamat po elder yuri"
"Fufufu! Bakit ka saken nagpapasalamat? Narating mo lang kung ano ang iyong natatamasa dahil sa iyong pagsisikap at paghihirap kaya naman wala akong ginawang kakaiba at hindi rin kita tinulungan bagkus ito ay iyong kagagawan" nakangiting paliwanag ni elder yuri.
"Kahit napo, maraming salamat parin po elder yuri" giit ni nyx habang nakayuko parin.
"Bweno sumunod ka saken at ituturo ko sayo ang iyong bagong silid"
Sumunod naman si nyx sa kanyang guro at ilang sandali pa ay narating nila ang lugar kung saan ang mga naninirahan dito ay ang mga 100 golden diciple at kasama na siya rito.
May nakita siyang isang napakalaking gusali na gawa sa makalumang desenyo habang ang bubong nito ay isang malaking dragon na nakabuka ang malaki nitong bibig. Ramdam din ni nyx na medyo malakas din ang spiritual energy na inilalabas sa paligid. Napagtanto niya na kung ganito lamang kalakas ang spiritual energy sa kanilang bahay tyak na mapapabilis ang kanyang pag ninilay at mabilis niya ring mararating ang gold rank bago siya pumasok sa paaralang ito.
Itinuro sa kanya ni elder yuri na ang kanyang silid ay nasa pinakataas at ang number ng kanyang silid ay lima tanda ng kanyang pagiging top 5 golden diciple. Hindi na siya sinamahan ni elder yuri at hanggang tarangkahan lamang ito at itoy umalis na.
Bago umalis si elder yuri ay agad namang nagbigay galang si nyx dito at itoy nagpatuloy na sa pagpasok tungo sa kanyang bagong silid. Narating ni nyx ang ika sandaang palapag at isa lamang ang siyang masasabi ni nyx sa kanyang bagong silid.
Napaka ganda nito at ang demo nito ay yong parang sa mga japanese noong nakaraang buhay niya. Ang pintuan ay sliding door lamang at itoy manipis na kawayan at kitang kita mo kung mayroon mang papasok o maglalakad sa hallway. Japanese na japanese ang demo ng buong kwarto ngunit napakaganda naman nito para kay nyx at ramdam niya ring malakas ang spiritual na enerhiya dito sa tuktok ng palapag.
Nagpasyang matulog na lamang si nyx upang bukas na bukas din ay magtutungo siya sa kultivation tower upang mag nilay at ayaw na niyang manood ng paligsahan bukas. Para saan pa at masasayang lamang ang kanyang oras kakapanood sa labang magaganap bukas. Saka hindi rin naman siya maaaring hamunin dahil sa kakaupo niya pa lamang bilang isang golden diciple.
Sa susunod na patimpalak o sa susunod na taon pa siya maaaring hamunin ng mga nagnanais na labanan siya sa kanyang trono.
----------------------
Alas dose na ng magising si nyx sa kanyang napakahimbing na pagkakatulog. Napasarap ang kanyang tulog dahil sa pagod na pagod ang kanyang buong katawan dahil sa naganap na labanan kahapon. Kaya naman tinanghali na siya ng gising.
Sakanyang pag gising naramdaman niyang may tao sa kanyang pintuan kaya naman agad siyang tumayo habang nag iinat ng dalawang kamay. Maya maya pa ay umalis din ang taong iyon sa harap ng pintuan ng kwarto ni nyx. Binuksan ni nyx ang pintuan at nakita niya ang ilang mga treasury boxes na nakalapag sa kanyang harap ng pintuan na maging ang ibang pintuan na kwarto ng ibang golden diciple ay ganun din.
BINABASA MO ANG
NYX GARCIA
AçãoIto ay panibagong kwento ni Nyx D. Dragon sa kakaibang mundo. Sa mundo ng World Of Cultivation na kung saan. The Weak will be devour by the strong. And the power is justice on this world. all you need is power.Power to protect your love ones. Power...