Entering At Pagoda 2

2.6K 183 29
                                    

Enjoy Reading.......

Mabilis lamang ang siyang pag usad nina nyx sa kanilang pagsulong patungo sa mas mataas pang baitang. Kahit na naglalakad lamang ang mga ito. Kahit ganun ay wala naman silang nakaharap na mga balakit sa kanilang dinadaanan at marami rami narin silang nakikitang mga bituin na alam nilang mga kapwa nila ito kalahok sa patimpalak na ito.

Kapag pala nagsimula kang muli sa baba patungo sa taas. Hindi kana makakakuha ng mga premyo sa mga nagdaang baitang na iyong natapos na. Kung saan ka huminti o napatalsik hanggang doon palang ikaw makakakuha ng premyo at sa susunod pa na mga baitang.

Halimbawa ikaw ay napatalsik sa 29th floor at muling papasok muli upang makilahok muli sa patimpalak na ito. Sa mga natapos mo ng pagsusulit hindi kana muli pang makakakuha ng papremyo. Pwera na lamang sa kung saan ka na stock bago ka napatalsik.

Nasa 25floor na sina nyx ngayon at noong makalagpas sila sa 20th floor nagtaka ang marami sakanila sapagkat walang lumabas na premyong dapat ay makukuha nila bago sila makatapak sa magical ruin patungo sa susunod na baitang.

Ngunit noong nasa 21th floor na sila doon lamang nila nalaman na ang premyo pala sa 20th floor ay spiritual na enerhiya at automatic itong mapupunta sa sino mang nakalampas na doon. Dahil sa kanilang mga natanggap na spiritual na enerhiya, marami sakanila ang siyang nag breakthrough ng tatlong beses o dalawang beses na maliban na lamang kay nyx na isang beses lamang umangat ang kanyang kabuoang lakas.

Nang dahil sa pangyayaring ito. Sobrang tuwa ng buong golden diciple sa kanilang nakuhang premyo at alam nilang hindi lamang sila ang siyang nakapag breakthrough sa mga oras na iyon at tyak nilang bago pa sila makapag breakthrough ay may nauna na sakanila at walang iba kundi ang mga kapwa nila kalahok na nauna sakanilang pumasok na nagmadaling makauna sa mga papremyo ng patimapalak na ito.

Noong si nyx ay nakapag breakthrough sa kanyang hangganan. Isang nakakasilaw na liwanag ang siyang mabilis na nagtungo sa kalangitan at ang kulay nito ay dark red. Sadyang malakas ang ilaw na inilabas ni nyx na maging ang mga kapwa niya golden diciple ay nakuha nito ang kanilang mga atensyon patungo kay nyx.

Noong nag breakthrough kasi ang mga kapwa golden diciple ni nyx. Nagkaroon din kasi ng mga kakaunting pagsabog na naganap kani kanina lamang habang noong nagsabay sabay ang pagsabog ng mga ito. Nasilaw sila sa liwanag na inilabas ni nyx sa kanyang katawan dahil sa paglampas nito sa kanyang kabuoang lakas nito.

Akala nila ay magkakaroon ng isang malakas na pagsabog yon pala ay kabaliktaran ang siyang nangyari kaya naman nagulat ang iba sakanila ng makita ito. Nang makapag breakthrough si nyx sa kanyang hangganang lakas. Biglang hindi niya nakontrol ang kanyang kabuoang lakas nito na kanyang itinatago sa mga kapwa niya kalahok na maliban na lamang sa mga kapwa niya golden diciple.

Biglang naramdaman ng lahat na kasali sa sky path contest ang aurang inilalabas ni nyx kaya naman hindi nila mapigilang hindi mapatingin sakanilang mga likod na kung saan ito nanggagaling. Mabilis na pinagpawisan ang mga ito at nanlamig ang buong katawan ng mga nasa 30th floor hanggang 35th floor na lalong lalo na sa mga umulit muli na ramdam na ramdam nila ang kabuoang lakas ni nyx.

Ang mga kapwa golden diciple naman ni nyx ay napaluhod na lamang ang mga ito. Ang nasa golden diciple top 2 to top 5 ay napaluhod na lamang habang ang iba naman ay napatilapon sa lakas ng aurang inilalabas ni nyx na hindi nila kayang tumagal rito kahit isang minuto lamang sapagkat kapag nagpatuloy pa ito maaaring mapatalsik sila sa patimpalak na ito.

Masyadong malakas ang spiritual na enerhiya na inilalabas ng kanyang katawan at ilang sandali na lamang ay mamamatay na ang kanyang mga kapwa diciple na sa ngayon ay nahihirapan ng huminga ngayon habang pinagpapawisan ang mga ito ng malapot.

NYX GARCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon