The Most Talented Student In Yun Lan Academy

3.8K 215 40
                                    


A/n : Enjoy reading......

Ang mga disipulong nasa baba ng entablado ay naiinip na dahil sa sobrang tagal mawala ng alikabok sa loob ng entablado. Tinanggal naman ni elder bon ang barrier na nakapaloob sa entablado kaya naman unti unting nawawala ang mga alikabok at nakita nila sina ralp at dexter na nakaupo sa sahig at tulalang nakatingin lamang kay nyx na sa ngayon ay nakangiti ng malapad sa mga ito.

"You miss me?" Pilyong sambit ni nyx sa mga kapwa niya estudyante na nagpagulat sa mga ito.

Hanggang ngayon kasi ay nakaangat parin ang dalawang kamay ni nyx aya naman nalaman nilang ito ang siyang naging dahilan ng pagpigil ng pagsasalpukan ng mga atake nito. Si paul naman ay biglang nagliwanag ang mga mata at masayang napatayo at sumigaw ng "Boss, idol, manager,amo,sir sawakas lumabas kana rin sa iyong lungga! Ang tagal mong hindi lumabas" sunod sunod na sigaw ni paul.

Si nyx naman ay napapakamot na lamang sa kanyang batok dahil sa ginawang pagsisigaw ni paul. Hindi na lamang niya ito pinansin at humarap na lamang sa mga elders at kay head master Jin ng academya.
Magalang siyang yumuko sa mga ito at nagwika " Nakalabas napo ako mula sa mahabang pagninilay at nandito po ako para hamunin sa isang duwelo si senior John sa kanyang pwesto sa pagiging numero unong golden diciple ng paaralang ito. Sana po ay pahintulutan nyo ng mapalitan na" magalang na pagbati ni nyx sa mga ito ngunit pagdating sa dulo ay may halong panghahamak na ito at pagmamayabang.

Sa totoo lang ay meron naman talagang maipagmamayabang si nyx ngunit hindi nga lang ito nagustuhan ng mga kapwa niya disipulong nasa baba dahil hanggang ngayon ay hindi parin tapos ang siyang labanan sa pagitan nina ralp at drexler.

"Hoy hambog! Bakit nandyan ka sa entablado. Hindi mo ba nakikita na naglalaban pa ang dalawa?" Sigaw ng isang baguhang disipulo na nagpatawa naman sa iba ng kunti dahil sa kamangmangan nito.

Kapag kasi may naglalaban sa arena at kapag nanghimasok ka tyak na isa lang ang ibig sabihin nito. Nais mong kalabanin ang dalawang iyon at ikaw lang ang mga isa at nasasaad ito sa rules ng paaralang ito. Ang mga baguhang mga disipulo ay di nila kilala si nyx kaya naman bago para sakanila ang mukha nito ngunit sa mga upper level naman ay kilalang kilala nila ito at tyak na mas lalong lumakas si nyx dahil sa walang tigil nitong pagninilay sa loob ng sampong taon.

Sunod sunod na katyaw ang mga maririnig sa lugar at pawang mga baguhan ang mga ito at nasa ika lawang baitang palang. Marahil ay hindi kilala ng mga ito si nyx kaya naman napangiti na lamang siya sa kanyang naisip.

Napapatango tango naman ang mga elders sa tinuran ni nyx habang ang head master naman ay napangiti dito. Mabilis namang humarap si nyx sa kapwa niya disipulo at nagwika. "Ayon sa alituntunin ng life and death arena na ito. Kapag ang isang tao ay nangahas na makisaw saw sa isang laban, isa lamang ang ibig sabihin nito tama ba? Dalawa ko silang kakalabanin" nakangiting turan ni nyx sa mga ito.

Ang mga baguhan naman ay napataas ang kilay at napaisip na. Alam mo naman pala bakit nakikisawsaw ka? Wag mong sabihing nais mong lumaban ng isa dalawa? Ito ang siyang naiisip ng mga ito na agad namang nalaman ni nyx kaya naman napangiti na lamang ito.

"Tama kayo nais ko silang kalabanin ngunit ang tanong nais ba nila akong kalabanin?" Makahulugang wika nito sa mga ito kaya naman panandaliang napatahimik ang mga ito at napatingin sa dalawang binatilyong dahan dahan na tumatayo at malumanay na tumingin at nagwika ng sabay.

"Hindi po namen nanaising kalabanin ka senior nyx" nakayuko pa ang dalawang ito kaya naman nagulat ang mga baguhang disipulo dahil sa inakto ng dalawang ito.

Mabilis namang naintindihan ng mga elders at ng head master ang ginawang hakbang ng dalawa. Napapatango ang mga ito at napapahimas sa mga kanilang naghahabaang balbas. Tama lamang na dapat mong alam kung hanggang saan ang iyong lakas at limitasyon sa pakikipag tunggali kaya naman hindi masamang umatras sa laban sa mundong ito. Bagkus ang mas masama ay ang hindi mo pagtanggap na talo ka sa lahat ng larangan at hindi mo rin tanggap na may mas malakas pa saiyo na hindi mo pa nakakasalamuha sa ngayon ngunit malapit na sa hinaharap.

NYX GARCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon