• 3

181 15 8
                                    

orange

apparently, late umepekto ang allergies ko. matapos nung 'peace be with you' scenario sa simbahan, nagsimula nang mangati ang tenga ko. dahil dun, nawala sa sistema ko lahat ng hiya at kilig na naramdaman ko mga ilang minuto lang ang nakalilipas.

muntik ko na rin ngang makalimutang katabi ko si Blue.

nang natapos ang misa'y dali-dali ring umalis si Mama kaya bilang masunuring anak, sumunod ako sa kanya.

alangan naman sigurong si Blue ang sundan ko, diba?

bandang hapon na ngayon at nakahilata lang ako sa kama. pinipigilan ko ang mga kamay ko na kamutin ang braso, hita, tenga at ibang makakating parte ng katawan ko. gusto ko na ngang maiyak sa hirap. di ko naman pwedeng sabihin kay Mama. maliban sa mabubungangaan ako, talagang pagbabawalan na akong lumabas ng bahay na walang paalam at lalong mas aayawan niyang lumapit ako sa mga pusa.

mabuti na lang at hindi pa kami naghahapunan. kaso nga lang, mabibisto pa rin ako regardless kung nakakain na kami or kakain pa.

send help huhuhu

tumunog ang phone ko. maliban sa kaisa-isang message na natanggap ko kay Blue, wala nang laman ang inbox ko. actually, wala talaga akong narereceive na text messages maliban sa network ko.

[▪]

2 new messages
+639xxxxxxxxx

hello, si blue to. napansin ko kasing namumula yung tenga at pisngi mo kanina sa misa. okay ka lang ba?

concerned lang.

[▪]

WEH? Di nga?

Si Blue, nagtext ulit?

at ang mas nakapagtataka, napansin niya pala yung namumula kong tenga. pati pala yung pisngi, pero di naman makati pisngi ko ah.

[▪]

hi! okay lang ako, Blue ^^ sorry napag-alala kita.

okay. parang allergies kasi yung kanina.

ah oo. hehe. medyo allergic ako. hehehe

thought so. sorry.

ha? ba't ka nagsosorry? at anong naisip mo?

sorry in behalf of Siri. napansin ko kasi yung hawak mo sa kanya kahapon. halatang di ka sanay humawak ng pusa tsaka may pantal pantal na sa braso mo kahapon pa lang.

[▪]

ba't wala akong napansing pantal pantal kahapon? gano'n na ba kasira yung dalawa kong mata? kailangan ko na bang magsuot ng salamin?

[▪]

wala kasi akong napansin kahapon. pero, okay lang talaga ako. wag ka na magsorry. okay lang talaga hehehehe

nagdadalawang-isip ako sa huling sentence mo.

ayy hehe. okay lang ako, promise.

okay then.

[▪]

"ORANGE MARMALADE! BABA NA PARA SA HAPUNAN!" anunsyo ni Mama mula sa baba. yung boses talaga ni Mama, mas malakas pa sa megaphone. grabe.

[▪]

dinner muna kami. salamat ulit sa concern, Blue :>

no worries, Orange.

[▪]

sabihin niyong di ako namamalikmata. unang beses niyang binanggit - ay este, tinype ang pangalan ko!

"ORANGE MARMALADE INUULIT KO, BUMABA KA NA!" sigaw ulit ni Mama.

Mama naman eh.

| |

BLUE ORANGEADE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon