• 2

234 17 8
                                    

orange

maaga akong nagising kinabukasan - rather - maaga akong ginising ng nanay ko. linggo ngayon at magsisimba kami.

as usual, nililibang ni sean ang sarili niya. ngayon ngayon lang, nginangatngat niya ang asul na stressball ko.

mas stressed ka pa ata sa amo mo, Sean.

matapos umalis si Blue at Siri (wow, parang close ah) , kinabit ko ulit yung tali sa collar ni Sean at umuwi na kami. tanghali na rin nung oras na yon at mabuti na lang na nakauwi kami bago pa dumating si Mama. half day nga pala siya pag Sabado.

suot-suot ang kulay kahel na blouse at disenteng jeans, bumaba na ako sa sala na may nakabuntot na aso sa likod ko.

"Orange Marmalade, magbabanyo muna ako. mauna ka na sa labas," saad ni Mama. siya lang pala yung tanging taong tumatawag sa buong pangalan ko.

binaling ko ang tingin ko sa asong nanlalambing ngayon sa amo niya.

"awwww Sean kooooo. sorry di kita masasama magsimba. dito ka lang ah? be a good boy." bilin ko kay Sean. dinilaan na naman niya ang pisngi ko.

lumabas na kami ng bahay. nilingon ko ang malaking bintana malapit sa pinto at nakitang nando'n si Sean. isang kaway lang ang binigay ko sa kanya.

medyo nakakaiyak.

nilakad lang namin ang daan papuntang simbahan. tutal, malapit lang naman.

pagpasok namin, medyo puno na ang lahat ng upuan. buti na lang namataan ko yung isang row na pwede pang maupuan ng dalawa. kinalabit ko si Mama at itinuro ang upuan. niyuko ko lang ang ulo ko hanggang sa makaupo kami.

ba't kasi ang daming tumitingin kapag naglalakad ka sa aisle ng simbahan?

medyo masikip na nang makaupo kami. at least hindi yung masikip na tipong di ka makahinga.

oh wait.

nagnakaw ako ng tingin sa katabi ko.

katabi ko si Blue.

suddenly, mahirap huminga. charot.

nakayuko o nakaharap lang ang ulo ko habang dinadaos ang misa. ilang na ilang kasi talaga ako sa katabi ko. buti nga di siya lumingon sa tabi niya. yung focus niya the whole time, nasa pari lang. nakikinig talaga siya sa pari.

makinig ka na rin, Orange.

natapos na ang gospel, homily at Our Father. nasa bandang 'peace be with you' na ang misa. sa totoo lang medyo kinakabahan na ako. pa'nong hindi eh yung katabi ko--

"let us offer each other the sign of peace."

una akong nagbow sa harap, sunod ay nagmano at humalik ako kay Mama. nagbow na din ako sa bandang likod. yung isang tabi ko nalang.

"peace be with you"

mamma mia.

nginitian ako ni Blue.

| |

may exams kami ngayon.
buti na lang at may soobin na pwedeng paghugutan ng inspiration.

ehe

BLUE ORANGEADE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon