• 5

169 10 1
                                    

orange

"Orange Marmalade, i expect you to present yourself well mamaya. a colleague and friend of mine is coming over tonight." anunsyo ni Mama.

umenglish talaga nanay ko. i'm super proud with no hint of sarcasm, seryoso.

tumango nalang ako as a sign of agreement. besides, beneficial din naman sa banda ko. matitikman ko ulit ang dishes na niluluto lang ni Mama tuwing may okasyon at syempre yung pinakapaborito ko - DESSERTS!

sumunod ako kay Mama papuntang kusina. um-offer akong tumulong na magluto kahit sa pastries lang. sapat na ata ang experience ko since i was five sa pagbebake.

baking has been a hobby of mine for long. kaso nga lang, minsan lang ako nakakabake lalo na't ayaw na ayaw ni Mama na nagsasayang kami ng ingredients when it's not necessary. baking is also a form of healing for me. yung feeling kapag minamasa ang dough seems so therapeutic for me.

disclaimer: no therapeutic claims.

sadyang gano'n lang talaga ang epekto ng baking sa'kin and it doesn't mean it'll work the same way sa inyo.

natapos akong magbake bandang hapon na. dalawang oras na lang at dadating na ang bisita ni mama kaya't inayos ko nalang ang plating ng pastries bago ako umakyat sa kwarto ko at nagbihis.

i wore the pale blue dress na nasa sulok ng closet ko. nagsuklay lang ako ng buhok at matapos ay nakipaglaro kay Sean.

"Shan shan uwu" panggigigil ko pa habang sinusuklay ang malabong na balahibo ng aso ko.

may kumatok sa pinto at nang buksan ito ay si Mama ang sumilip.

"Orange Marmalade, our guests are here. now now, you don't want them to wait any longer, do you? come on."

ba't ba siya english nang english?

tumango ako at ibinaba si Sean. pinagpagan ko lang ang dress ko na sa ngayo'y tingin kong napuno na ng balahibo ng aso.

nakabuntot si Sean sa'kin ng lumabas ako sa kwarto. sa sala'y naabutan ko ang mga bisitang kinakausap ni Mama.

"Oh, ito na ba si Orange, kumare?" tanong nung babaeng tingin ko'y nasa mid-30s na. sinuklian ko lang siya ng isang ngiti.

"hello po, Tito, Tita. it's nice to meet you. i'm Orange po pala." bati ko nang pinalapit ako ni Mama sa kanila. nagmano ako sa mag-asawa at umupo sa pangdalawahang couch.

"nasa'n na pala ang bunsong lalaki niyo, kumare?" tanong ni Mama.

meron pang isa? tsaka ngayon ko lang napansin, close ata sila. sabi niya colleagues pero kumare ang tawagan?

"oh, andito na pala si Blue namin."

nagpantig ang tenga ko sa narinig na pangalan.

wag mong sabihing --

"hello Tita, i'm Blue." bati ni Blue at lumapit kay Mama para magmano.

so si Blue nga talaga yung Blue-ng tinutukoy nila.

small world.

"Blue, meet Orange. Orange, meet Blue." pagpapakilala ni Mama sa aming dalawa.

"we already know each other, Tita." paglantad pa ni Blue.

"ah, oo Mama. siya po ang nakahanap kay Sean nung nawawala 'to sa park noong Sabado. sorry Mama, lumabas ako ng walang paalam. hehehe" pagkokompisal ko.

"naku kang bata ka, buti na lang at mabait ang nakahanap kay Sean." pagsagot ni Mama.

nakita kong tumakbo si Sean papalapit kay Blue.

"kain na tayo?" aya ni Mama.

first dinner with Blue, at with family pa. ang saya.

| |

BLUE ORANGEADE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon