orange
isang linggo na ang nakalipas mula no'ng nagtext si Blue sa'kin out of concern. grabe, natouch ako nang sobra sobra sa ginawa niya. kahit nanay ko nga, di napansin. eh ang obvious obvious na nga nung pulang mga marka sa braso ko habang inaabot ko yung kanin no'ng hapunan, tinanong ba naman ako ng - "nak, nilalamok na naman ba ang kwarto mo?"
Ma, sa laki at dami ng mga pantal sa braso ko, kagat lang ba to ng lamok?
sumagot nalang ako ng oo nun. yaring yari talaga ako pag nabistong inaallergies na naman ako. mabuti na lang at nahanap ko yung nakatagong emergency kit sa drawers ko. uminom ako kaagad ng antihistamine bago pa man ako mamatay sa kakaiyak dahil sa kati.
sa kasamaang palad nga lang, hindi na nasundan yung last na sms convo namin ni Blue. masyadong nakamamangha lang isipin na nagkaroon talaga kami ng usapan, di man sa personal, at least naman diba? plus, medyo mahaba-haba rin yun.
sa mga sumunod na araw ay pumasok lang ako sa school. alangan namang magbulakbol ako? tiyak na palo sa pwet ang sasalubong sa'kin pagkatapak ko sa bahay. dagdagan mo pa ng isang bonggang-bonggang litanya mula kay Mama.
walang masyadong ganap sa buong linggong pagpasok ko maliban na lang sa nakaugaliang discussions, quizzes at kung anu-ano pa mang bagay na trip ng teacher ipagawa.
ma'am, ser, di po talaga nakakabagot.
tsaka, nagtagpo na naman kami ni Blue! muntik ko nang makalimutang nadapa ako sa harap niya.
oo, pinalabas ko na naman ang inner kalokahan ko.
pinahiya ko lang naman ang sarili ko sa harap ni Blue nang matalapid ako sa nakausling bahagi ng pavement malapit sa may manihan ni Manong Monie.
bonus: tinulungan ako ni Blue na tumayo.
dapat siguro'y sabitan ko na ng karatula ang sarili ko with the caption - WARNING: WALKING DANGER. sa ganitong paraan at least alam na agad ng mga tao na peligro yung kasama nilang naglalakad.
-
"Manong Monie, isang tigsampung pisong mani nga po at isang tigsingkong juice." order ko kay Manong. suki nga pala niya ako.
Biyernes ngayon at katatapos lang ng klase. paika-ika ako kung maglakad ngayon dahil sa kamalas-malasang pagkakataon ay medyo nalakasan ang pagkakatalapid ko. yung kahihiyang nangyari kahapon ay fresh na fresh pa sa utak ko samatalang di ko na halos maalala kung anong discussion sa math kanina.
hindi rin naman ako nakikinig sa klase. hehe.
"Manong, tigsingkong mani at tigsampung pisong juice. salamat." order nung tumabi sa'kin. medyo familiar yung boses niya. tsaka yung order niya ata ang tumpak na kabaliktaran sa inorder ko. wow naman.
sabay na nilahad ni manong ang dalawang lalagyang may lamang mani.
huh, ang liit nung akin?
"kuya, marami ata tong akin," reklamo ng katabi ko.
"baka nagkapalit ta--"
s-si...s-si BLUE!
"-yo. h-hi Blue."
"hello, Orange."
tinawag niya ang pangalan ko. as in live and real.
"magpalit nalang kayong dalawa mga bata-- oh, ineng, ang pula ata ng tenga mo? okay ka lang?"
MANONG MONIE!!!
"a-ah okay lang ako Manong. m-mauna na ako!" sinigaw ko nalang yung bandang huli dahil nagtatatakbo na ako palayo. nakalimutan ko ngang masakit pa pala ang tuhod ko.
adrenaline rush?
kung di lang talaga tinuro ni Manong Monie na namumula pisngi ko at kung di lang sana si Blue ang katabi ko, ulit, edi sana nakakain na ako ng mani nang matiwasay.
speaking of which, NAIWAN KO ANG MANI KO!
for the love of mani, kinalimutan ko muna ang latest sa kahihiyan series na ginawa ko at tumakbo pabalik sa stand ni Manong Monie.
"oh? mabuti't bumalik ka Ineng, eto na man--"di ko pinatapos si Manong at hinablot ang tigsampung pisong mani ko.
"SALAMAT MANONG MONIE!" sigaw ko ulit habang nagtatatakbo.
nang medyo malayo-layo na ako, tiningnan ko ang phone kung naramdaman kong nagvibrate kanina.
[▪]
1 new message
+639xxxxxxxxxba't ka tumakbo?
[▪]
hala! yung juice ko!
| |
BINABASA MO ANG
BLUE ORANGEADE.
Short Storytheir differences, make them complete. - a txt fanfiction starring choi soobin. panaginip series : chapter 1