orange
dumating na nga ang bukas at mamayang tanghali dadating si Blue para makikain. chineck ko kani-kanina lang kung sapat pa ba ang natitirang ingredients sa kusina and turns out na nagkakaubusan na pala ang baking ingredients namin. nakakahiya rin naman kay Blue kung bigla bigla ko nalang iaanunsyo na walang lutuan at kainang magaganap dahil nagkaubusan kami ng stock kaya ngayon ay nasa mart ako para mamili.
nasa kalagitnaan ako ng pamimili ng harina nang makaramdam ako ng weird feeling down there. para makasigurado, tiningnan ko ang petsa ngayon.
ooops.
dali-dali akong naghanap ng 'reserved' sign at swerte nama't may isang nakapatong sa isang shelf sa unahan. sa kabila ng di-komportableng kalagayan ko ngayon, tinakbo ko iyon at baka may iba pang makauna.
-
nasa loob ako ng isang cubicle ng cr sa mart ngayon at tama nga ang hinala ko - red days ko na nga.
natataranta na ako kasi wala akong dalang emergency pad. wala ring napkin vending machine sa banyong 'to at mas lalong wala akong mahingan ng tulong. muntanga lang kasi pwede namang bumili ako kanina habang nasa mart pa ako. inuna ko pa kasing tumakbo papuntang banyo. sino bang macocontact ko?
number lang ni Blue ang nasa phone ko. unregistered pa nga.
nasa siyudad nagtatrabaho si Mama at alangan namang bumyahe siya ng ilang milya para lang bigyan ang anak niya ng napkin. baka pagdating dito bungangaan niya ako.
kaya mo yan, Orange. lakasan mo lang ang loob mo. kapalan mo na rin nang kaunti yang mukha mo. overcome your shyness. fighting!
napamonologue tuloy ako nang wala sa oras.
Dialling...
+639xxxxxxxxx"hello? Orange?"
"a-ah..Blue? pwedeng humingi ng favor?"
"sure."
"eh kasi--medyo nakakahiya to pero... Blue, pabiling napkin."
"okay. nasa inyo ka ba ngayon?"
"yun na nga rin eh. nasa mart ako ngayon at nagkukulong sa cr. okay lang ba talaga? wala na kasi akong ibang mahingan ng tulong."
"it's fine. hintayin mo lang ako diyan."
"s-sige. salamat talaga, Blue. at tsaka, pwede bang magdala ka rin ng hoodie? hihiramin ko lang sandali."
"sure. i'd be there in a few minutes."
"thank you, Blue. sorry talaga sa abala!"
"no problem, Orange. i'll end the call now."
Call Ended
hooo!
ramdam ko na talaga ang hiya na kumakalap sa buong sistema ko.
ilang beses mo nang pinahiya ang sarili mo sa presensya ni Blue, Orange.
kahit ganun, at least naman may nahingan na ako ng tulong. nagtambay nalang ako sa loob ng cubicle na kinaroroonan ko. buti nga't wala pang nagtataka kung bakit kanina pa walang lumalabas dito.
ilang minuto lang ang lumipas at may kumakatok sa cubicle ko.
"Neng, may nagpapabigay mula sa labas." binuksan ko ang cubicle at may Ate Janitress sa labas na nagbigay ng hoodie at isang pack ng napkin. pansin niya ata na ako na lang ang natitirang tao sa cubicles.
buti na lang at with wings ang binili ni Blue.
nakalabas na ako sa banyo at naabutan ko si Blue na prenteng nakasandal sa labas ng banyo.
tumingin siya sa gawi ko at ngumiti.
Blue naman eh.
"okay na?" tanong niya habang nakangiti pa rin.
binigyan ko siya ng isang thumbs-up with matching ngiti.
"thank you, Blue."
"pauwi ka na?"
"di pa. di ko pa nabibili yung groceries para mamaya. iniwan ko lang yung cart sa loob ng mart."
"samahan na kita?"
"e-eh? sure ka?"
"oo naman. sabay na tayong mag lunch pagkatapos. my treat."
"h-hala Blue, n-no need. okay lang talaga kung ako ang magbabayad tsaka pagkain ko rin naman 'yun."
"no, i insist. it's to compensate in advance with the hassle i'll be causing you with the croissant."
shemay. english.
"kung tutuusin nga, ako pa ang naka-hassle sa'yo. pero sige, kung trip mo edi go! tara, balikan ko muna yung groceries at, thank you rin pala dito sa hoodie." sagot ko sa kanya.
"no worries. you can keep it." lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
ehehehe may instant regalo na ako mula kay Blue.
binalikan nga namin yung cart na naiwan ko sa loob ng mart. tapos na rin naman akong manguha ng mga kailangan para mamaya kaya dumiretso na kami sa counter.
naiilang pa rin talaga ako sa presence ni Blue.
ako nalang sana ang bibitbit sa lahat ng pinamili ko pero nag-insist na naman si Blue na siya nalang. hindi nalang ako humindi at sumang-ayon na lang sa kanya.
pumasok kami sa isang kainan. sumunod ako kay Blue sa counter pero pinaupo nalang niya ako sa pinakamalapit na bakanteng table. bibitbitin nga niya sana ang groceries pero tinanggihan ko nalang siya, kaya ko naman buhatin lahat ng 'yon. bago ako umalis ay tinanong lang niya kung anong gusto kong kainin.
ilang saglit lang ay dumating na si Blue sa table namin bitbit ang mga inorder niya. nalula ako sa dami ng pagkaing inorder niya. yung akin nga, isang plato lang samantalang may apat ata para sa kanya.
"i hope you don't mind. malaki talaga ang appetite ko." sabi niya in a manner na parang nahihiya siya.
kyot.
umiling lang ako in response.
"okay lang. sino naman ako para manghusga, diba?" dagdag ko pa. nginitian ko lang siya. sa'n ko ba nahuhugot tong konting confidence para sumagot ng ganu'n? anyway, the point is -nginitian niya ako pabalik.
tamanaplease.
nagsimula na kaming kumain. paminsan-minsan, nagnanakaw ako ng tingin sa kanya. agad naman akong umiiwas at baka mahuli niya pa ako. baka maisip niyang weirdo yung kasama niya...which is partly true.
in the entire course of our meal, isa lang ang masasabi ko - ang takaw ni Blue. yung takaw ba na tipong disente pa rin tingnan? gano'n. let's just say malakas lang talaga siyang kumain.
nang matapos kami ay lumabas na kami sa kainan. bibitbitin ko na sana yung groceries pero pinigilan niya ako at siya na ang nagbitbit no'n.
ang gentleman niya talaga.
| |
BINABASA MO ANG
BLUE ORANGEADE.
Short Storytheir differences, make them complete. - a txt fanfiction starring choi soobin. panaginip series : chapter 1