• 1

507 20 40
                                    

orange

"good morning, love!" bati ko sa katabi ko. i ruffled his hair, then gave his button nose a short peck.

"ORANGE MARMALADE!" sigaw ng nanay ko mula sa labas ng kwarto.

"MAMA ETO NA!" patakbo kong tinungo ang pinto para pagbuksan ang nanay ko. oo, medyo may pagkabungagera talaga nanay ko.

"orange marmalade! diba sinabi ko na sa 'yong wag mo sanaying tumabi si sean sa'yo? naku kang bata ka! ano pang silbi nung binili nating mini bed kung diyan din naman pala ang bagsak niya? anak naman!" sermon agad ng nanay ko pagkapasok niya sa kwarto kong medyo dinaanan ng bagyo.

ay, yung mga unan at kumot lang pala ang magulo.

umalis si sean sa kama at lumapit kay mama. she only gave him a small pat on the head at matapos ay binilinan akong mag-ayos ng kwarto't sarili tsaka bumaba para mag-agahan. bago ko ginawa ang mga bilin niya, nakipaglaro muna ako saglit kay sean.

"i wuv yu bibi koooo~"

"arf arf"

binaba ko ulit si sean at hinayaang magliwaliw sa loob ng kwarto habang ako nama'y nag-ayos ng kama at dumiretso ng banyo.

goodness, kailangan ko palang magbawas.

-

nakapag-agahan na rin ako sa wakas. sabado ngayon at malamang, walang pasok. 'yun nga lang, maiiwan akong mag-isa dito sa bahay dahil may trabaho si mama.

may sean pa pala akong kasama, hehehe.

"sean kooooo~" pagtawag ko sa pinakamamahal kong aso. "labas tayo?" aya ko sa kanya na para bang nakakaintindi ang aso. isang masiglang tahol ang tugon nito sa akin, sabay dila sa pisngi ko. mabuti nalang, malambing si sean at matalino.

kaya kung ako sa inyo, never underestimate kingdom animalia.

nagbihis lang ako saglit ng panglakad at ikinabit ang dog leash sa collar ni sean. baka mamaya, biglang tumakbo nang malayo. di pa naman ako athletic. mahina ang stamina at endurance ko.

hawak ang kulay asul na dog leash na nakakabit kay sean, ini-lock ko ang pinto at gate at naglakad na patungo sa pinakamalapit na animal park sa lugar. mabilis na nanguna si sean sa daan. di ko alam kung naglalakad o tumatakbo na ba siya sa lagay na to.

di ka naman ata masyadong excited sean, noh?

nang marating na namin ang animal park, di pa masyadong marami ang tao sa paligid. nakikita ko ang maraming breed ng aso't pusa kasama ang nga amo nila. may mga ibon din naman katulad ng parrot na nakapatong sa balikat ng may-ari nila. yung isa ngang kulay berdeng parrot na nakatagpo namin, nag-hi pa.

talo ka, sean.

nang tumingin ako sa kanan, nakakita ako ng isang stand ng dirty ice cream. yung favorite ko pa talaga. dinala ako ng mga paa ko sa harap ng stand na medyo naglalaway sa gutom.

kala mo ikaw lang excited Sean? amo mo rin kaya.

hala. si sean?

tiningnan ko ang hawak kong leash, at nakitang tanging ito na lang ang hawak ko. wala nang sean.

lagot.

bumili muna ako ng isa bago ako nagmadaling maghanap sa aso ko.

madali lang naman mahanap si Sean pag nasa bahay kami. pag dito na sa park, ewan ko nalang.

good luck, orange.

inabot na ako ng dalawang oras sa paglilibot at di ko pa rin mahanap si sean. aaminin ko, medyo sira ang mga mata ko kaya nahirapan talaga ako. sa dami ng mga tao't hayop sa paligid, nalito na ata ang mga mata ko.

diba sinabi kong mahina ang endurance at stamina ko? hindi ako nagsisinungaling. sa totoo nga, nakaupo na ako sa pinakamalapit na bench para magpahinga kahit saglit. hindi ko naman inakalang ang hirap palang kontrolin ang excitement ni sean. naku naman.

magmumukmok na sana ako nang todo nang biglang may isang pusang lumapit sa 'kin.

OMG. PUSAAAAAAA •w•

agad kong hinawakan ang pusa at matapos kong makitang madaling magwarm up sa strangers ang pusang to, kinarga ko na ito.

"hewwu hewwu uwu ang chubby chubby mong pusa kaaaa~ tingnan natin kung anong pangalan mo hmmm," tiningnan ko ang tag na nakakabit sa kahel na collar nito.

"siri? parang sa iphone lang? pero ang kyut kyut mo talaga siriiiii uwuuuu~" gigil na gigil kong pinisil-pisil ang mga taba ni siri. mabuti nga't di pa ako kinakalmot ng pusang to.

oo, mahal ko si sean. pero sa totoo lang, cat person talaga ako. yun nga lang, bawal. for health reasons.

allergic ako sa balahibo ng pusa.

kaya ang nangyari, inoffer nalang ni mama na bigyan ako ng aso kaya naman may sean ako ngayon.

nawawala pa pala ang sean ko.

nakikipaglaro ako kay siri ng biglang tumunog ang phone ko.

1 message received
+639×××××××××

hello, ikaw ba ang may-ari ni Sean? nasa'kin siya ngayon. imeet mo nalang ako sa ice cream stand, omw na ako.

NAHANAP SI SEAN!

pero kawawa naman si siri. kaya naman, bilang isang mabuting mamamayan, sinama ko siya. di rin naman siya umangal eh.

nang marating ko ang stand, may matangkad na lalaking nakatalikod na may iniinom na gatas, at karga karga niya-- SI SEAN!

"SEAN KOOOOOO!" tawag ko sa aso. mabilis na lumingon sa banda ko si sean at matapos ay kumawala sa hawak ng lalaki at tumakbo papunta sa'kin.

nang akmang lalapit na si sean sa'kin, bigla nalang itong huminto at matalim na tiningnan ang pusang dala dala ko.

seloso ka palang aso ka ah.

"miss, by any chance, siri ba ang pangalan ng pusa sa name tag niya?" tanong nung lalaking nakahanap kay Sean.

"huh? ah, oo. bak--" hindi ako pinatapos ng pusa at bugla nalang itong tumakbo papunta sa may-ari nito. oo, si kuyang nagbalik kay sean. "oh." ang tangi ko nalang nasabi.

"salamat nga pala sa pagbalik kay sean, kanina pa ako hanap ng hanap. buti nalang ikaw nakahanap sa kanya, thank you talaga!" pagpapasalamat ko sa kanya.

"no worries. thank you rin sa pagdala kay siri. hinahanap ko rin siya kanina nang mahanap ko si sean, lumapit kasi sa'kin." sagot niya.

"i'm orange pala. orange kang." pagpapakilala ko sabay abot ng kamay.

"blue choi. salamat ulit, mauna na kami ni siri." pagpapakilala rin niya at tinanggap ang kamay ko -- wow. parang kasal, ganun?

pero mga teh, ang lambot ng kamay niya. gwapo rin siya. hehehe.

| |

hi hi hehehe

hulaan niyo kung sinong may-ari nung berdeng parrot na nag-hi :>

uwu

BLUE ORANGEADE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon