orange
mama was more than joyous no'ng malaman niyang dito muna maglalagi si dog ng ilang araw. like dog's mom, gusto rin ni mama ng isa pang anak although in mama's case, gusto niya ng anak na lalaki. siguro masyado lang akong mahal ni mama that she dropped considering to marry and settle with a family of her own.
if that happens then, i'm no different than an outcast. wala akong lulugaran.
it has been five hours mula nang magising kaming dalawa ng kapatid ko. halos hindi nga ako makabangon dahil sa higpit ng yakap ni dog. it was cute though. him clinging to me in his sleep is one of the cutest thing that softens my heart. minsan nga, napapaisip nalang ako na sana mag-neverland nalang kaming dalawa. mamimiss ko kasing lambingin at manlambing si douglas once he grows old enough. although we have roughly two years of age gap, i grew too fond of looking out for him na nahihiling ko nalang minsan na manatili siyang baby ko. kung hindi man, edi 'wag.
madaling usapan.
"dog, lalabas muna ako." paalam ko sa kapatid kong busy sa paggawa ng take home tasks niya. umalis na si mama para sa trabaho dalwang oras na ang nakakalipas kaya kaming dalawa ulit ang naiwan.
tanging tango lang ang tugon nito sa'kin.
actually, lalabas lang ako para bumili ng ice cream. balak kong makipag movie marathon kay douglas, it's been a while since the last we had. susulitin ko na tong oras habang nasa bahay siya. although pwede rin namang ako nalang pumunta sa kanila, unfortunately, malayo ang subdivision nila mula sa bahay. malaki din kasi ang sakop ng bayan namin.
ewan ko lang kung ano'ng nakain ko at mas pinili kong maglakad nang malayo para pumunta sa mart kung pwede namang sa convenience store ako. either way, makakabili pa rin naman ako.
okay, jokes on my stupidity, mas malayong lakarin equals mas madaling matunaw na ice cream.
what a genius, orange.
on my way home, nadaanan ko ang nag-iisang milk tea shop sa lugar namin at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa boom karakaraka, pumasok na ako para bumili ng dalawa, dismissing the thought of my melting gallons of ice cream.
"one taro with big bobas for bluementritt." pagtawag ng ate sa counter. hindi ko makita nang maayos kung sino yung lumapit but through my blurred sight he was strikingly familiar.
matapos makaorder, umupo ako sa waiting chairs para sa takeouts. it just so happens na may makikita akong unexpectedly expected person.
oo na, si blue nga.
it almost brought a smile on my face. the thing is, may kasama siyang babae. masinsinan silang nag-uusap. not that masyado akong tsismosa, pero the perception na seryoso ang pinag-uusapan nila makes me want to pull the closest chair next to them. however, ayoko namang makita ako ni blue. he might end up thinking na dakila akong chismosa.
"two wintermelon milk teas with small bobas for marmalade." lumapit ako para kunin ang order ko. i wanted to give the ate a genuine smile to show my appreciation, but i could only muster a forced smile.
ewan ko ba. ba't di ako masaya?
"a wintermelon milk tea for armi?" tawag ulit nung ate sa counter at lumapit ang babae para kunin ang milk tea niya. kaso nga lang, medyo nabangga niya ako.
"hala, sorry dear. di ko sinasadya." paghingi niya ng paumanhin.
"now worries, okay lang." pagngiti ko sa kanya. lumipat ang tingin niya sa mga milk tea na hawak ko.
"marmalade? is that your name? cool."
"ah y-yeah. orange marmalade, actually."
"orange marmalade. unique... and interesting. anyway, i'm armi kuusela and sorry again."
"it's okay."
honestly, medyo shady yung huling sagot niya.
matapos no'n ay bumalik siya sa upuan niya -yung upuan sa harap ni blue.
bago pa man ako makalabas sa shop, i knew from my peripheral vision na nahagip ako ng mga tingin ni blue. i shrugged the idea and walked out as if walang nangyari.
nang makauwi ako sa bahay, inilapag ko sa sala table ang pinamili ko and slumped on the single sofa.
"milk tea! thank you at-- huh? ate orange?" tanong ni douglas.
"ano?"
"ba't ka nakabusangot? malungkot ka ba or naiinis?" he added. halata rin na nag-aalala siya.
"ewan ko rin, dog. ewan ko rin." pagsagot ko and with that, he left me alone slumping in the same sofa. but before that, he didn't miss to give me my milk tea.
"cheer up, ate orange," sabi pa niya.
hayyy orange, anong kadramahan ba 'to.
| |
new cast na namern! yup, armi kuusela is an additional cast. no worries tho, dadaan lang siya sa kwento ni orange hahahaha. i can assure you though that you'd see more of her in my future works (kung pagpalain man cheren)
tbh it's quite shocking na nakapublish ako ng dalawang chapters in a day. quite productive, yeah? sana nabawi ko yung ilang weeks of absence hahahabanapalangnotenato
good night lovelies ♡
BINABASA MO ANG
BLUE ORANGEADE.
Short Storytheir differences, make them complete. - a txt fanfiction starring choi soobin. panaginip series : chapter 1