Alely's POV
Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Tumaas ang kilay ko dahil sa pagtataka.
"Bakit naman?" Tanong ko kahit wala naman talaga akong balak mag-boyfriend.
"Basta!" Sabi niya at nagpatuloy na sa pag-kain pero kinulit ko pa rin siya kung bakit.
"Bakit nga kase?" Sabi ko sa kanya.
"Sa susunod ko na lang sasabihin kung bakit." Ayaw niya talagang sabihin kaya sumuko na din ako sa pangungulit sa kanya.
Nagpatuloy na lang din ako sa pag-kain at hindi na nagsalita ulit. Ramdam ko naman na nakatitig siya sa akin habang kumakain ako pero hindi ko siya linilingon.
"Nagtatampo ka ba?" Tanong niya pero di ako sumagot at hindi din ako tumingin sa kanya.
"Huy!" Tinapik niya ang braso ko. Pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya at hindi pa rin ako nagsasalita.
Ang sarap talagang pagtripan netong lalaking 'to.
"Malapit ka na maggising kaya mag-salita ka na." Sabi niya pero pinipigilan ko talaga ang sarili kong tumawa.
"Bukas sa panaginip mo, sasabihin ko na talaga promise." Sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin. Bigla na lang siyang napangiti.
"Sabi na nga ba 'yun lang makakapag-wala ng tampo mo. Hindi talaga pwedeng magsikreto sayo kahit sandali lang." Natawa naman ako dahil ang akala niya talaga nagtatampo ako dahil hindi niya sinabi yung dahilan niya kung bakit ayaw niyang mag-boyfriend ako.
"Hindi ako nagtatampo. Gusto lang kitang pagtripan HAHAHAHAHAHA." Bigla siyang napasibangot. Napahawak na ako sa tiyan ko kakatawa.
"Kung hindi ka lang babae baka nakaltukan na kita." Sabi niya kaya napatigil ako sa pag-tawa.
"Bad ka!" Sigaw ko at kinurot ng madiin ang pisngi niya. Napasigaw naman siya sa sakit. Ilang segundo pa bago ko 'yon binitawan.
Tawa naman ako ng tawa dahil sa facial expression niya sa sobrang sakit ng kurot ko. Namumula na din ang pisngi niyang kinurot ko.
"Alely, pwede bang magtanong?" Biglang tanong niya sa akin.
"Nagtatanong ka na nga eh." Pambabara ko sa kanya.
"Bwiset ka talaga." Inis niyang sabi kaya natawa ulit ako sa kanya.
Malapit ng maubos yung mga pagkain na nasa harapan namin pero hindi talaga ako nabubusog kaya kain pa rin ako ng kain.
"Ano ba yun?" Seryoso ko ng tanong sa kanya. Hindi agad siya sumagot.
"Paano kung hindi ko talaga 'to totoong anyo?" Tanong niya.
"Alam mo ang weird mo. Kanina pa ako nagtataka sa mga sinasabi at tinatanong mo." Sabi ko.
"Ehhh sagutin mo na lang." Parang bata niyang sabi.
"Depende kung ano yung kaibahan mo sa nakikita ko ngayon at sa totoo mong anyo." Sabi ko sa kanya. Hindi siya umimik at nag-iwas lang ng tingin.
Saka siya marahang tumango.
"Sana nga hindi mo ako layuan kapag nalaman mo yung totoong ako." Sabi niya hanggang sa bigla na lang nag-blurd at dumilim ang paligid.
Pinilit ko ulit ang sarili kong dumilat. Tumambad na naman sa akin ang makalat kong kwarto.
Umaga na pero hindi pa rin ako bumabangon para maligo.
Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Shawn sa akin.
Bwiset na lalakeng 'yon! Dagdag sa isipin na naman. Nakakainis!
Feeling ko ang laki-laki ng eyebags ko kahit mahaba naman ang naging tulog ko.
Siguro kase kahit sa panaginip ko malalim ang iniisip ko. Napagod na siguro utak ko. Pati mata ko nadamay. Ano ba yan!
Habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko ay bigla na lang may kumakatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko. Kaya agad akong napaupo. Nahilo tuloy ako.
"Alely! Aba, gising na! Hindi ka na naman maliligo tapos papasok ka sa school niyo! Mahiya ka naman." Rinig kong sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko. Bwiset talaga 'yon.
Hindi ako sumagot. Rinig ko namang tumatawa din si papa sa labas ng kwarto ko.
Wala akong naggawa kundi bumangon at kuhanin ang uniform at tuwalya ko. Pati syempre mga underwear ko duhhh!
Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko si Kuya na kumakain na.
Tahimik akong lumapit sa kanya at pinitik ang tenga niya. Napasigaw siya sa sakit. Tumatalsik pa yung kanina sa bunganga niya habang sumisigaw ng masakit.
Tawa lang ako ng tawa habang papasoj ng banyo namin. Pati si papa ay natatawa sa mga kalokohan namin.
Mabilis lang akong naligo dahil baka hintayin na naman ako ni papa.
Ma-iistorbo na naman ang pamamasada niya ng jeep kapag hinintay niya pa ako.
Nakabalumbon pa sa buhok ko ang tuwalya ng lumabas ako ng CR. Nakita ko namang kumakain pa rin sila. Kaya tumabi ako sa tabi ni kuya na nagbabasa ng diyaryo habang kumakain.
"Bilis maligo ah? Nag-sabon ka ba?" Tanong niya sa akin. Hinampas ko siya.
Ang aga-aga bini-bwiset na naman ako.
Kumain na ako ng mabilis dahil nakita kong konti na lang ang nasa plato ni papa.
Hanggang sa naunahan ko pa si papa kumain.
Natapos na din si kuya kumain kaya sinubuan niya na si mama para makakain na.
Nagtoothbrush ako at naglagay ng konting pulbos sa mukha para magmukha naman akong tao kahit papaano.
"Wala ka bang pampa-pula ng labi dyan? Nasaan na yung binigay ko nung pasko sayo? Para kang patay! Ang putla putla ng labi mo." Sabi ni kuya sa akin.
Para hindi na maasar pa ay kinuha ko sa kwarto ang liptint na niregalo niya nung pasko.
Nilagyan ko ang labi ko. First time 'to! Tiningnan ako ang sarili ko sa salamin. Nagmukha akong babae ah!
"Ayan okay na?" Tanong ko kay kuya habang nakanguso pa.
"Baliw! Sige na nandun na si papa sa labas. Hinihintay ka! Ingat ka sa pagpasok." Tumango na lang ako sa kanya. Hinalikan ko si mama sa pisngi bago umalis.
Mabilis lang ang naging pag-hatid sa akin ni papa dahil malapit lang naman sa bahay namin ang University na pinapasukan ko.
Hinalikan ko si papa sa pisngi at saka bumaba ng jeep niya.
Papasok na sana ako ng gate ng Univerity namin. Nang may makita akong pamilyar na tao.
Si Hexon nakatayo sa labas ng gate.
Sino naman kaya ang hinihintay neto?
Author's Note:
End of Chapter 7!
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Teen Fiction"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«