Alely's POV
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay pinaupo niya na ako. Kaya sumunod na lang ako.
Mabilis na dumating ang order namin. At parang totoo talaga ang lahat. Parang hindi pamaginip 'tong nangyayari sa akin.
"Pagkatapos natin kumain, punta tayo sa amusement park!" Sabi niya ng nakangiti at tumango na lang ako.
Hindi ko alam kung bakit ko siya pinagkaka-tiwalaan kahit hindi ko pa naman talaga siya kilala. Siguro kase magaan talaga ang loob ko at alam kong mabait siya sa akin?
Pero paano kung may plano lang pala siya kaya siya mabait sa akin? Bahala na!
Tahimik lang akong kumakain at bigla akong napatingin sa kanya.
Nagtaka ako kung bakit siya kumakain ng nakangiti.
"Mukhang masaya ka ah?" Tanong ko sa kanya.
"Dito ko lang kase 'to ginagawa." Sabi niya pero hindi na lang ako umimik dahil kapag tinanong ko kung bakit ay hindi din naman niya sasagutin.
Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami ng bulaluhan. Pagkalabas ng pintuan ng bulaluhan ay tumambad sa amin ang maingay na amusement park. Nandito na agad kami sa isang iglap!
Agad akong tumakbo sa nagbe-benta ng cotton candy. Binigyan niya ako ng isa at sinabing libre na lang kaya mas natuwa ako.
Lumingon ako kay Shawn na natatawa sa akin.
"Para kang bata." Sabi niya kaya napasibangot ako.
"Nung bata kase ako pangarap ko talagang pumunta dito. Pero syempre dahil sa hirap ng buhay, hindi ako nakapunta dito. Kung tutuusin nga unang beses kong pumunta dito tapos sa panaginip pa." Malungkot kong kwento sa kanya.
Nawala din agad yung ngiti niya kanina.
"Sorry." Sabi niya sa akin. Napangiti naman ako bigla kase parang na-guilty siya dahil tinawag niya akong parang bata.
"Ano ka ba! Ayos lang. I-enjoy na lang natin! Mag-bonding tayooooo." Hinila ko siya habang tumatakbo papunta sa ferris wheel.
Inisip ko na sana hindi na kailangan bumili ng ticket para sana deretso sakay na kami.
Pagdating sa bantay ng ferris wheel ay sabi niya hindi na daw kailangan ng ticket. Sumakay na daw kami. Napa-palakpak ako sa tuwa. Tawa lang ng tawa sa akin si Shawn.
Tinatanaw ko ang paligid habang nasa itaas na kami. Turo-turo ako ng mga nakikita ko kay Shawn pero pailing-iling lang siya habang nakatingin sa akin.
Hanggang sa bigla na lamang tumahimik at napatingin ako sa kanya.
Nakatitig siya sa akin habang nakangiti. Napataas ang kilay ko.
"Baka matunaw ako ah." Sabi ko at natigilan siya at nag-iwas ng tingin kaya ako naman ang natawa.
"Crush mo ako 'no?" Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya para tuksuhin siya lalo.
Pumapalag siya dahil may kiliti siya sa tagiliran.
"Kakakilala ko lang sayo tapos crush agad kita?" Tanong niya at napangiti naman ako.
"Matagal ka na kayang nasa panaginip ko! Kaya napagmamasdan mo na ako. Ako lang ang kakakilala sayo!" Sabi ko sa kanya at naliwanagan naman siya. Lulusot ka pa ah.
"Basta 'di kita crush!" Sigaw niya habang namumula ang mga tenga. Piningot ko ang tenga niya na ikinagulat niya at um-aray siya.
Bigla na lang bumukas ang pintuan kung saan kami nakasakay. Kaya agad akong bumaba.
"Nagugutom ulit ako! Sana may fries dito." Sabi ko. At lumingon ako sa bandang gilid ko. Nakita kong may tindahan na nagbe-benta ng fries. Agad akong pumunta doon.
"Parang hindi ka college." Sabi ni Shawn mula sa likuran ko.
Hiniling ko na sana libre yung fries. At binigay naman sa aking libre ng tindera 'yon.
"Minsan lang 'to. Kaya kung nakikita mong isip bata ako. Hayaan mo na." Sabi ko sa kanya habang nginunguya ang fries. Inalok ko siya at kumuha naman siya.
"Roller coaster sunod nating sasakyan!" Sabi ko sa kanya.
"Last na 'yon ah. Malapit na yung oras na magigising ka." Sabi niya at tumango naman ako agad.
Mabilis kong inubos ang fries ko at ininom ang softdrinks na binigay din sa akin ng tindera.
Ramdam kong parang hindi naman ako nabusog.
"Bakit parang hindi naman ako nabusog?" Tanong ko at natawa naman siya. Naglalakad kami palapit sa roller coaster.
"Panaginip lang 'to, Alely. Hindi totoo ang lahat." Sabi niya.
"Hindi ba ako magkaka-appendicitis kapag sumakay agad ako sa roller coaster?" Tanong ko.
"Baliw HAHAHAHA. Syempre hindi." Sabi niya at tumango na lang ako.
Sumakay na kami sa roller coaster. Puro sigaw lang ako ng sigaw kapag bumibilis ang takbo ng roller coaster.
Kinurot-kurot ko pa si Shawn kapag kinakabahan ako at puro aray lang siya sa mga kurot at hampas ko. Kada sisigaw ako ay tinatakpan niya abg tenga niya
Pagkababa ng roller coaster at gulo gulo ang buhok ko kaya tawa na naman ng tawa si Shawn. Wala atang ibang ginawa 'to kundi tumawa.
"Upo muna tayo!" Aya ko sa kanya nang may makita akong bench sa isang tabi.
Pumayag naman siya at nakiupo din sa tabi ko.
"Ilan taon ka na ba, Shawn?" Tanong ko sa kanya.
"21." Tipid niyang sabi.
"Isang taon lang pala tanda mo sa akin!" Sabi ko.
"Anong buong pangalan ko?" Patuloy na pag-uusisa ko sa kanya.
"Secret!" Pang-aasar niya sa akin. Napangiwi naman ako. Hindi pa nakalusot ang isang 'yon! Gusto ko siyang hanapin sa totoong buhay kaso ayaw naman niyang sabihin ang buong pangalan niya.
"Bakit ayaw mong sabihin?" Tanong ko.
"Dahil alam kong hahanapin mo ako. Nababasa ko kaya ang nasa isip mo." Proud niyang sabi at nanlaki naman ang mga mata ko.
"Paano!?" Gulat kong sabi sa kanya.
"Syempre binigyan kita ng power para control-in yung panaginip mo. Kailangan kong malaman kung ano ang iniisip mo para mapigilan ko kapag may masama kang gagawin sa panaginip mo." Sabi niya at tumango na lang ako.
"Sige na bye na." Sabi niya at bigla na lang dumilim ang paligid. Tulad ng kagabi ay pinilit ko ulit idilat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang puting kisame ng kwarto ko na puro agiw at sira-sira na.
Mukhang gabi-gabi akong masasarapan ng tulog ah? Parang gusto ko na lang matulog lagi kung ganon din naman ka-saya.
Author's Note:
Sipag ko mag-UD sa story na 'to ah? Hahahaha may balak kase ulit akong bagong story kaya gusto ko na tapusin 'to. Keep voting,supporting and commenting guys! Thank youuuuu♡
![](https://img.wattpad.com/cover/179637456-288-k52955.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Teen Fiction"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«