Alely's POV
Nakatulala pa rin ako ngayon sa kwarto ko dahil sa sinabi ni Hexon kanina.
Sabi niya biro lang daw pero bakit hindi pa rin mawala sa isip ko!? Parang di ako makakatulog ngayon bwiset.
Pero pinilit ko pa rin.
Lumitaw sa panaginip ko ang isang beach.
"Ang ganda!" Sabi ko sa sarili ko.
May mga tao din na nandito. Pero lahat sila ay abala sa mga ginagawa nila.
Tumingin ako sa suot ko kung nakatwo-pieace ako. At nakasuot nga ako ng ganon.
Maya-maya pa ay nakita ko si Shawn na nakasimangot at parang walang-wala sa mood.
Lumapit ako sa kanya.
"Anong problema?" Tanong ko sa kanya pero nag-iwas siyang tingin sa akin.
"Wala." Sabi niya sa akin.
"Sus, ano nga?" Pangungulit ko sa kanya.
"Sino si Hexon?" Agad na tanong niya na ikinagulat ko.
"Paano mo nalaman ang pangalang 'yon!?" Tanong ko.
"Nababasa ko ang isip mo diba? At puro Hexon ang nakapaligid sa isip mo." Malamig niyang sabi sa akin. Natawa naman ako.
"Selos?" Pang-aasar ko sa kanya pero tumingin siya sa akin ng nanlalaki ang mata.
"H-hindi ah! Bakit ako magse-selos!" Sabi niya at nakita kong namumula ang tenga niya kaya mas lalo akong natawa.
"Classmate ko lang 'yon." Paliwanag ko sa kanya. Hindi na ulit siya nag-salita.
"Langoy tayo!" Aya ko sa kanya. Hinila ko siya papunta sa dagat.
Walang emosyon yung mukha niya. Hinayaan niya lang akong hilain siya.
Nang makatapak kami sa tubig ay hindi ko maramdaman na basa ako. Ganto siguro kapag sa panaginip lang.
Binitawan ko na siya at pumunta sa hanggang leeg na parte.
Hindi siya sumunod sa akin. Nakatingin lang siya sa akin habang nasa mababaw na parte ng dagat.
"Tara na!" Sigaw ko sa kanya. Pero nakatayo pa rin siya doon. Wala siguro sa mood. Kaya lumangoy na ako at hinayaan siya doon.
Hindi ko pa rin ramdam yung tubig. Pero nakakalangoy ako.
Parang mas masaya kapag sa ganto ka lumalangoy. Hindi mo mararamdaman kung malamig ba yung tubig o hindi.
Pagkaahon ko ay ramdam ko na nasa medyo malalim na parte na ako. Shet hindi ako marunong lumangoy kapag lagpas sa akin yung tubig.
Sinusubukan kong iangat ang sarili ko pero hindi ko maggawa. Parang hinihila ako ng ilalim kaya nalulunok ko na yung tubig dagat.
Sumigaw ako ng tulong. Alam kong naririnig ako ni Shawn dahil nababasa niya ang isip ko.
Hanggang sa bigla na lang akong nawalan ng lakas. At hinayaang lumubog sa tubig.
Naramdaman kong may biglang kumuha sa akin. Inahon niya ang ulo ko para makahinga ako. Nakita ko si Shawn na pulang pula ang mukha at nakakunot ang noo.
Lumangoy siya papuntang mababaw na parte ng dagat habang hawak-hawak pa rin ako.
Nasamid ako dahil sa mga nainom kong tubig alat.
"Bakit ka ba kase pumunta sa malalim!? Hindi ka naman pala marunong lumangoy!" Sigaw niya sa akin. Hindi ako nagsalita dahil ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Hindi mo man lang ginamit yung binigay ko sayong kapangyarihan na control-in ang panaginip mo! Mabuti na lamang ay narinig ko ang sigaw mo kundi binangungot ka na." Sabi niya at napayuko ako. Nakalimutan kong kaya ko nga palang control-in ang panaginip ko dahil sa kanya.
"Dapat kay Hexon ka na lamang nagpa-sagip tutal siya lang naman laman ng isip mo." Nanlaki ang mata ko ng sinabi niya 'yon.
"Nagse-selos ka ba?" Tanong ko sa kanya pero bigla siyang natigilan.
"A-ano bang sinasabi mo!?" Tanong niya sa akin. Napangiti naman ako ng nautal siya.
"Bakit ka nagagalit kung Hexon ang laman ng isip ko?" Tanong ko sa kanya na mas lalong ikina-laki ng mata niya.
"Wala! Tara na nga. Kain muna tayo. Gusto ko ng hipon." Pag-iiba niya ng usapan at nauna ng mag-lakad. Napa-iling na lang ako at sumunod na sa kanya mag-lakad.
Habang naglalakad kami ay bigla na lamang may lumitaw na seafood's restaurant. Pumasok siya doon at sumunod naman ako.
Ang astig talaga. Sana naco-control ko na lang din yung totoong buhay ko.
Umupo na ako sa bakanteng lamesa at hinayaang mag-order si Shawn.
Walang tao dito kundi kami lang. Masyadong malungkot kaya nag-isip ako na sana maraming tao na nandito.
Bigla na lamang sumulpot ang mga tao na nasa ibang upuan.
Napangiti naman ako dahil medyo umingay ang paligid.
Napatingin ako kay Shawn. Nakatingin siya sa akin na nakakunot ang noo at napa-iling na lang.
Abnormal talaga ang isang 'to. Bwiset.
Nang matapos siya mag-order ay nakita ko namang may dala na siyang isang tray na may pagkain at may mga nakasunod sa kanyang mga waiter na may mga dala ding tray na may pagkain.
Nilapag nila lahat ng pagkain sa lamesa. Kumislap ang mga mata ko dahil sa mga pagkain. Ang laki ng hipon! Pati na rin ng mga crabs!
Kaso hindi nga pala ako mabubusog dahil panaginip lang 'to.
"Oh bakit bigla kang napa-sibangot?" Tanong ni Shawn sa akin ng makaalis ang mga waiter.
"Hindi naman din ako mabubusog dahil panaginip lang 'to." Nakangusong sabi ko sa kanya at natawa naman siya.
"At least matitikman mo ang ganyang klaseng mga pagkain kaya hindi ka rin lugi." Sabi niya. Oo nga 'no. Ayos na din yon. At least may experience.
Nagsimula na kaming kumain na dalawa. Hindi ako masyadong marunong mag-himaw ng crabs kaya tinulungan ako ni Shawn. Binibigay niya na lang sa akin yung pwedeng kainin.
Bwiset 'tong lalakeng 'to masyadong gentleman. Baka ma-fall ako.
"Pwede bang mangako ka sa akin?" Biglang tanong niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at napataas ang isang kilay ko. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako nag-salita. Seryoso din ang mukha niya.
"Ano naman 'yon?" Tanong ko sa kanya at sumimsim sa juice na inorder niya rin kanina.
"Pwede bang 'wag ka munang mag-boyfriend?" Biglang tanong niya. Kaya nabuga ko ang iniinom kong juice. Langya! Kumain lang ng seafoods naging ganto na. Problema neto?
Author's Note:
Nagca-crave ako sa mga seafoods! Habang tina-type ko 'to. Gusto ko ng lunukin yung cellphone ko. Char! Hahahaha 'di naman ako patay gutom 'no.

BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Teen Fiction"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«