Alely's POV
Umuwi na naman akong lutang dahil kay Hexon.
Naka-redhorse ata ang isang 'yon. Lakas ng tama, hayop.
Pagdating ko sa bahay ay hinalikan ko agad sa pisngi si mama na pinapanood si papa sa pagluluto ng hapunan namin.
Nag-mano din ako kay papa. Bahagya oa siyang nagulat. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya naramdamang nakauwi na ako. Malakas pakiramdam ni papa na kahit nasa kanto pa lang ako ay alam niyang padating na ako.
Pero ngayon mukhang sobra sobrang lalim ng iniisip niya.
"Anong problema, 'pa?" Tanong ko.
"Ano kase 'nak..." Nag-aalanganin pa siya sabihin sa akin. Naghihintay naman ako sa susunod na sasabihin niya.
"Ano 'pa?" Hindi na makapaghintay na tanong ko kay papa.
"Malapit na kase tayong maputulan ng ilaw. Dahil hindi pa nakakapagbayad. Yung sahod ng kuya mo nagastos nasa check up at gamot ng mama mo. Mahina din ang pasada ko at nagagastos lang sa pagkain natin." Sabi niya at ramdam ko ang pag-aalala niya.
"Ayoko namang maputulan tayo ng kuryente dahil magiging abala 'yon sa pagtulog at pag-aaral mo." Dugtong niya. Agad akong pumunta sa kwarto ko.
Sumahod ako nung isang linggo sa part time job ko at mga bayad ng ibang nagpa-drawing. Dapat sana ay sa project ko 'to pero mas kailangan ang pera dito sa bahay.
Nilagay ko ang pera sa palad ni papa.
Nagulat siya dahil isang libo 'yon.
"Saan 'to galing?" Pag-uusisa niya.
"Kay Lord po. 'Wag niyo na alamin kung saan galing. Ibayad niyo na po sa kuryente natin." Sabi ko at ngumiti kay papa pero nanatiling seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
Hanggang sa bigla niya na lang akong niyakap.
Hindi namin sinabi kay Kuya yung tungkol sa problema dito sa bahay. Dahil baka mag-overtime na naman yon. Pagod na pagod na nga siya pagkauwi niya sa umaga tapos mago-overtime pa siya.
Nang matapos kaming maghapunan ay ako na ang naghugas ng pinggan dahik gusto ni papa ay siya ang maghugas dahil dun sa perang binigay ko sa kanya. Pero pinilit kong ako na lang kaya wala siyang nagawa.
Sinarado ko na din lahat ng pintuan at bintana bago pumasok sa kwarto ko.
Pumasok na naman sa isip ko si Hexon.
"Nako, Alely! Makatulog na nga para 'di mo na siya isipin." Madiin kong pinikit ang mata ko hanggang sa makatulog ako.
Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Halatang nasa park ako at mukhang gabi at konti na lang ang tao. Tanging mga nagha-halikan na mag-syota na lang ang nakikita ko ngayon.
Jusko! Mga mata kooooo!
"Hindi ka sanay na ganyan ang nakikita mo?" Biglang may nag-salita na naman sa likod ko.
"Alam mo bigla bigla ka na lang sumu-sulpot. Kung may sakit ako sa puso baka inatake na ako dahil sayo." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.
"Baka pag-ako umatake sa puso mo bigla na lang akong pumasok sa isipan mo." Sabi niya na gumulo ng isip ko.
"Huh?" Tanong ko.
"Wala. Slow mo." Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya.
Hindi na ako nag-salita. Nagsimula akong maglakad. Gusto ko sana ng frappè. Nainggit kase ako sa kaklase ko kanina na umiinom non.
Hanggang sa nakarating kami sa isang coffee shop. Agad akong pumasok don. Kaso hindi ko alam kung paano mag-order sa mga ganto kaya humarap ako sa likod ko.
"Shawn." Malungkot kong sabi sa kanya habang nakanguso.
"Oh bakit?" Tanong niya sa akin.
"Order mo naman ako ng frappè." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ka ba marunong?" Natatawa niya sabi kaya agad akong umiling na mas ikinatawa niya.
"Bwiset ka. Wag na nga lang. Kung si Hexon kasama ko ngayon baka in-orderan niya na ako." Agad siyang napasibangot ng narinig niya ang pangalan ni Hexon. Ako naman ang natawa dahil sa itsura niya.
"O-order na nga ako." Sabi niya at agad ng pumunta aa counter. Umupo naman ako sa bakanteng lamesa. Maganda ang tugtog at konti lang ang tao sa loob na gustong-gusto ko.
Humiling ako na sana may laptop dito sa lamesa. Tumingin ako sa upuan na katabi ko at may nakita akong laptop don!
Langya! Ang sarap pala talaga kapag nananaginip.
"Sana ganto din sa totoong buhay. Masarap lang din ang buhay." Sabi ko sa sarili ko at may naglapag naman ng frappé sa harapan ko at nakakunot pa rin ang noo niya at mukhang inis.
"Problema mo?" Tanong ko ng matapos kong sipsipin ang frappé ko pero hindi siya sumagot.
Hanggang sa maya-maya ng mangalahati ang frappé ko ay bigla na lamang siyang nagsalita.
"Sana naman kapag kasama mo ako hindi ibang tao yung iniisip at bukambibig mo." Sabi niya habang nakatingin lang sa iniinom niya habang ako ay nanlalaki ang mata.
Ilang panaginip ko na din nakakasama si Shawn pero ngayon lang siya naging malungkot ng ganto.
Mabait na tao si Shawn. Kung totoong tao lang 'to baka gusto ko na 'to. Kung sa totoong buhay ko na 'to nakakasama crush ko na 'to. Kaso panaginip lang kase ang lahat at hindi ko pa talaga siyang lubusang kilala.
Kahit sabihin ko pa sa sarili ko na gusto ko siya pero mali kase eh. Panaginip lang 'to. Hindi totoo ang lahat baka kasama na din ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Nagse-selos ka ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ilang segundo pa kami nagka-titigan.
"Oo." Tipid niyang sabi.
"Bakit?" Tanong ko. Meron sa sarili kong malaman ang dahilan kung bakit siya nagse-selos kay Hexon.
"Basta." Sabi niya pero hindi ako kumbinsido.
"Bakit nga?" Irita kong tanong sa kanya.
Napabuntong hininga siya at hindi sumagot.
"Huy ano? Bakit nga kase!?" Pangungulit ko pa sa kanya habang inaalog-alog ang braso niya.
Uminom muna siya sa kanyang frappé bago bumaling ulit sa akin. Halos malunod ako sa mga titig niya kanina pa.
"Gusto mong malaman?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Kase gusto kita, Alely." Sabi niya.
Author's Note:
Sana all may nagkakagusto! Hahahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/179637456-288-k52955.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
किशोर उपन्यास"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«