Alely's POV
Days passed....
Hindi ko na nakikita si Shawn sa panaginip ko.
Nag-aalala na ako dahil hindi ko alam kung okay ba siya o hindi.
Hindi ko naman natanong kung saan ang bahay nila para kahit papaano ay mapupuntahan ko siya.
Ay shunga! Sinabi ko nga palang lumayo muna kami sa isa't isa tapos pupuntahan ko siya sa bahay nila?
Hindi ko maiwasang ma-miss siya. Hindi ko na din kayang control-in ang panaginip ko.
Minsan ay hindi na ako nakakatulog kakaisip na sana nasa panaginip ko siya ulit.
Hinahanap-hanap ko kase yung time na kasa-kasama ko siya at kumakain kami ng kung ano-ano sa panaginip ko.
Pero sa mga lumipas na araw ay wala ng ganong scenario na nangyayari sa panaginip.
Isang beses ay binangungot ako. Sigaw ako ng sigaw ng Shawn pero walang dumating na Shawn sa panaginip kong 'yon.
Ginising lang ako ni Papa dahil sumisigaw daw ako ng pangalan ng lalake.
Na-kwento ko din kay Papa yung tungkol kay Shawn. Maging siya ay nalungkot.
Tinanong niya kung bakit hindi ko daw tanggap si Shawn kung ano talaga siya kung gusto ko naman daw siya.
"Mali yung iniisip mong hindi mo siya tanggap. Natatakot ka lang sa sarili mo na baka mahihirapan ka sa kanya pagdating ng araw. Anak, oras na mahal mo ang isang tao kapag dumating yung oras na pagpapahirap sa inyo ng mundo, hindi mo mararamdaman na nahihirapan ka dahil mas mananaig sayo ang pagmamahal mo don sa tao."
Yan ang sabi ni Papa ko kaya mas naguluhan ako.
Gusto kong kausapin si Shawn.
Gusto kong makasama ulit siya pero hindi na sa panaginip kundi sa totoong buhay na.
Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya pero bandang huli ay sumuko ako.
Sinubukan kong hanapin ang bahay nila Shawn pero hindi ko din nahanap.
Si Hexon naman ay pumunta sa ibang banda. Gusto niya na daw makamove on. Pinipilit niyang mamimiss ko daw siya. Pero hindi ako ng hindi. Siraulo atang lalake.
Kaya mas lalong tumahimik ang buhay ko.
Si Kuya na lang ang laging nag-iingay at nang-iinis sa akin.
Na-kwento ko din sa kanya si Shawn at ang sabi niya ay tutulungan niya daw akong hanapin ang bahay nila Shawn para makapag-usap daw ulit kami.
Mukha namang mabait si Shawn sabi niya sa akin nung kine-kwento ko ang pinagsamahan namin ni Shawn.
"Bunso, bakit mo sinusunod ang isip mo na layuan ang taong tinitibok ng puso mo? Minsan mali din ang sundin ang isip lang. Minsan mali din ang sundin ang puso lang. Dapat balance lang para hindi mo nasasaktan yung ibang tao pati ang sarili mo."
Yan naman ang sinabi ni Kuya sa akin kaya mas ginusto kong kausapin na si Shawn. Kada uuwi si Kuya ay tinatanong ko na kung may balita na ba siya sa tirahan nila Shawn. Pero wala pa siyang nakukuhang impormasyon dahil pangalan lang ni Shawn ang alam ko. Mahirap daw maghanap ng pangalan lang.
Maaga akong umuwi galing eskwelahan at pumasok sa kwarto ko para magpahinga.
Hanggang sa may narinig akong bumagsak mula sa labas ng kwarto ko.
Dali-dali akong lumabas at hinanao kung ano ang bumagsak.
"Alely!" Sigaw ni papa sa sala kaya napatingin ako doon.
Nakita ko si Mama na nasa sahig na at tumutulo na ang laway niya.
"Pa! Anong nangyari!?" Sigaw ko.
"Dadalhin natin siya sa Hospital! Tawagan mo ang kuya mo!" Sigaw ni papa at nataranta na ako.
Binuhat ni papa si mama palabas. Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto ko.
Nanginginig akong tumawag kay Kuya.
Naka-ilang ring pa bago sumagot.
Lumabas na din ako ng bahay at pinaandar na ni Papa ang jeep. Sumakay na ako sa likuran.
"Oh? Napatawag ka bunso?" Tanong ni kuya. Mabilis ang pagpapatakbo ni papa sa jeep. Nakaalalay ako kay mama wala pa rin siyang malay.
Napaiyak na ako.
"K-kuya..." Napahikbi ako dahil tuloy-tuloy ng lumabas yung mga luha ko sa mga mata ko.
"Oh? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari!?" Nag-aala niyang tanong sa akin.
"Kuya, si mama dadalhin namin sa hospital." Sabi ko at bigla na lamang tumahimik sa kabilang linya.
"Kuya..." Tawag ko muli sa kanya.
"Susunod na ako, Alely. I-text mo na lang sa akin kung saang hospital niyo dadalhin si mama. Aasikasuhin ko lang 'tong trabaho ko baka sakaling payagan akong umuwi ng maaga." Sabi niya. Hindi na nakakapagsalita ng maayos si kuya at halos pumipiyok na siya na para bang pinipigilan niyang umiyak.
Nang makarating kami sa hospital ay tinext ko agad kay kuya yung pangalan ng hospital.
Binuhat agad ni papa si mama papuntang emergency room.
May sumalubong naman sa aming stretcher at sinabing dun na lang ilagay si mama.
Hindi na kami pinapasok sa emergency room. Iyak pa rin ako ng iyak dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni mama.
Napaupo si papa sa upuan sa harap ng pintuan ng emergency room. Napahawak siya sa noo niya.
Tumabi ako sa kanya at hinimas ang loob niya.
Umiiyak na din si papa. Maya-maya pa ay may sumigaw ng pangalan ko.
"Alely!" Napalingon ako kung sino ang sumigaw. Si kuya na gulo gulo ang buhok at pulang pula ang mata. Hindi niya pa nasarado ng maayos yung bag niya.
"Nasaan si mama!?" Sabi niya at tinuro ko na lamang ang emergency room dahil hindi ko na kayang magsalita pa.
Lumapit si kuya doon sa harap ng pintuan ng emergency room. Napaluhod na lamang siya at saka tuluyang umiyak.
Lumapit ako sa kanya at tinulungan tumayo at paupuin kung saan ako nakaupo kanina.
"Hindi ko kayang mawala si mama. Nagpapakahirap akong magtrabaho para inyo nila mama. Hindi ko kinakaligtaang bigyan siya ng pambili niya ng gamot dahil ayokong dumating sitwasyon na 'to." Sabi niya habang umiiyak.
"Mahal na mahal ko ang mama niyo. Kahit na pagod ako sa pamamasada ng jeep. Gusto ko pag-uwi ko ay naaalagaan ko siya." Sabi ni papa.
Kapag mahal mo talaga ang isang tao. Kahit lalake umiiyak din.
Ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon.
Nasaan ka na ba kase, Shawn?
Author's Note:
Konting kembot na lang matatapos na din!!!!! Thank you for reading this story. Don't forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Novela Juvenil"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«