Alely's POV
Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya. Tumayo siya ng maayos ng makita niya ako.
"Sinong hinihintay mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw. Alam ko kasemg parehas sched natin ngayon kaya hinintay na kita dito." Sabi niya. Hindi ako mistisa pero bigla na lang namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
Unang beses kaseng may lalakeng naghintay sa akin sa totoong buhay.
Sa panaginip lang kase ako nakaranas may naghihintay sa aking lalake. Si Shawn 'yon na laging naghihintay sa akin.
"T-tara na nga pasok na tayo." Sabi ko sa kanya at nauna ng maglakad. Ramdam ko na nakasunod naman siya sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinuot ang earphone sa tenga ko. Nagpatugtog ako ng mga kanta.
Habang naglalakad papunta sa room namin ay ramdam ko namang sumabay na sa akin sa paglalakad si Hexon.
Kinuha niya ang isang earphone sa tenga ko at sinuot sa tenga niya.
Nagulat ako sa ginawa niya at nagtaasan ang mga balahibo ko dahil dumikit yung balat niya sa leeg ko. May kiliti pa naman ako!
Natawa siya ng mamilipit ako nung dumikit yung balat niya sa leeg ko.
"HAHAHAHAHA may kiliti ka pala?" Sabi niya. Obvious ba? Sinamaan ko na lang siya ng tingin at hindi na sumagot.
Hinayaan kong maghati kami sa earphone. Pero dahil don ay mas naging malapit kami dahil baka matanggal ang earphone na suot namin.
Marami ding tumitingin dahil di hamak na gwapo 'tong si Hexon. At siguro pinapatay na ako ng mga babae sa isipan nila.
"Layo ka konti." Sabi ko at tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo.
"Bakit? Mabaho ba ako?" Tanong niya.
"Ang sama kase ng tingin sa akin ng mga nagkakagusto sayo. Baka mapatay ako ng wala sa oras." Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.
"Hayaan mo sila." Sabi niya at inakbayan pa ako. Tinapik ko naman yung braso niya na nasa balikat ko at binaba nita naman 'yon.
Nang makarating kami sa room ng first sub namin ay lahat ng mata nila ay nakatuon sa amin.
At dahil pahabang lamesa ang nandito sa room. Dumeretso ako sa pinakadulong lamesa. Nakasunod pa rin si Hexon.
Nang uupo na ako ay bigla niya akong pinigilan.
"Bakit?" Inis kong tanong sa kanya.
Hinila niya ang upuan na uupuan ko at inalalayan ako sa pag-upo.
"Nagpapaka-gentleman lang." Sabi niya at umupo na din sa tabi ko.
Rinig ko ang mga hagikgikan ng mga kaklase namin dahil sa ginawa niya.
Mas lalong namula ang mukha ko dahil doon.
"Alely! Naka-aircon naman ah? Bakit ka namumula?" Panunukso ni Jennah na kaklase namin at nagtawanan ang mga kaklase namin.
"Baliw!" Tinakpan ko na lang ang mukha ko dahil sa hiya.
Pati si Hexon ay nakikitawa na din.
Kinurot ko siya sa braso at aray siya ng aray. Nag-echo ang boses niya sa loob ng room mabuti na lang at wala pa yung prof namin.
"Bakit!?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin.
"Natukso tuloy ako dahil sayo!" Umupo ako sa ibang upuan para medyo malayo sa kanya. Pero ang siraulong Hexon ay sumunod at tumabi ulit sa akin.
Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa inis. Porket nag-cheat sa kanya ang gf niya ay ako ang kukulitin niya!?
Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin.
Lahat ay tumahimik na at nakikinig sa dini-discuss na lesson.
Nang dumating ang break time ay nauna akong lumabas. Nag-aayos pa ng gamit si Hexon.
Dumeretso ako sa canteen namin.
Bibili na sana ako ng bigla may humawak sa balikat ko at tinulak ako sa isang bakanteng lamesa.
Pinaupo ako doon at tiningnan ko kung sino 'yon.
"Iniwan mo ako! Dyan ka na lang. Ako na yung o-order." Sabi niya.
"Parang may bago sayo ngayon." Sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya. Lumitaw yung dimple niya sa kaliwang pisngi.
"Sabi ko nga sayo nagpapaka-gentleman lang ako. Para sa susunod na gf ko, alam ko na ang gagawin ko." Sabi niya. Napairap na lang ako dahil ako pa ang ginawa niyang practice-an.
Dumeretso na siya sa counter at umorder. Maya-maya pa ay nilapag niya na yung tray sa lamesa namin.
Nakita kong ang dami niyang in-order.
"Papatabain mo ba ako!?" Inis kong sabi sa kanya. Hindi ko mauubos ang lahat ng 'to.
Bumili siya ng isabg platong spaghetti,2 burger,giniling na ulam,fried chicken,hotdog at 6 na rice.
"Edi pagbusog ka na, ako na yung uubos ng mga natira." Sabi niya. Wala na akong naggawa kaya hindi na ako sumagot.
Kinuha ko yung spaghetti at burger.
Mabilis ko 'yong kinain. Nakakahiya naman kung hahayaan ko siyang ubusin lahat ng 'to. Nilibre niya na nga lang ako.
Nang matapos ko kainin yung dalawang 'yon ay kumuha ako ng isang kanina at sumandok sa giniling.
Tumingin ako sa kanya at natatawa siya.
"May nakakatawa ba?" Mataray kong tanong sa kanya. Agad naman siyang umiling at kinagat ang labi niya para pigilan yung tawa niya.
Napairap na lang ako.
Nagkulang ang kanin ko kaya kumuha pa ako ng isa pang kanin. Kaya ko pa namang kumain kaya kain lang ako ng kain ng pagkain na nasa harapan namin hanggang sa may espasyo pa yung tiyan.
Nang maubos ko ang pangalawang kanina ay napasandal na ako sa upuan at hinawakan ang tiyan kong sobrang busog na.
"Akala ko hindi mo kayang kumain ng marami kase babae ka pero halos maubos mo yung mga pagkain na in-order ko sayo." Sabi niya at tumatawa pa ang siraulo.
Last na yung kanin na kinakain niya at inuubos na lang ang fried chicken.
"Ikaw nga yung maraming kinain na rice dyan eh!" Ganti ko sa kanya.
"Kababae mong tao ang lakas mong kumain." Panunukso niya pa sa akin.
"Pake mo ba?" Sabi ko at bigla siyang tumahimik. Nakatitig siya sa akin.
"Sana pala ikaw na lang yung niligawan ko dati at hindi si Jessica." Nakakagulat niyang sabi na naman.
Hayop ka, Hexon! Lagi mo akong binibigyan ng iniisip! Nakakainis!
Author's Note:
Last 7 or 8 chapters to go! Thank you for reading my story!
![](https://img.wattpad.com/cover/179637456-288-k52955.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Ficțiune adolescenți"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«