PROLOUGE:

13 0 0
                                    

"Pa bakit kasi anlayo ng pinagparkingan mo?" Tanong ko kay papa. Katatapos lang kasi ng training namin sa Karate at siya kasi ang Master namin.

"Tsk! Wag ka na magreklamo bata. Bilisan mo na lang maglakad dyan." Sagot nya.

"Nagugutom na ako. Mang Inasal tayo kain pa." sabi ko sa kanya.

"oo na bata, bilisan mo dyan at ilagay mo na yan sa kotse." Sabi nya.

Kaya binilisan ko ang pag-aayos ng mga gamit sa kotse at sumakay na rin at umalis na kami. Dumeretso kami sa Mang Inasal at kumain. Pagkatapos ay bumalik rin kami sa kotse para umuwi na.

"Bata, tignan mo ung mga sasakyan sa likod habang nilalabas ko to." Utos sakin ng tatay ko kaya bumaba agad ako sa kotse namin.

Busy akong sinesenyasan ang tatay ko mula sa side mirror nya ng biglang may humarurot na kotse.

BEEP!!!BEEEEEEEEEEEPPPP!!

BOOGHS!!

"AHHHHH!!!"

BLAG!

"IAN?! IAN!?" Rinig kong sigaw ng tatay ko sa akin habang papalapit siya ng papalapit at ang paningin ko ay unti unti na lang dumilim hanggang sa wala na akong makita at marinig.

YOU ARE JUST A DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon