CHAPTER 6:

1 0 0
                                    


MJ's POV

Sunday ngayon at katatapos ko lang magsimba at nandito ako ngayon sa mall manood ng movie sa cine nang mag-Isa. Palabas na kasi ngayon yung Bumblebee. Habang nag-aabang ako sa pila ng bilihan ng ticket ay may isang lalake at isang babae na pamilyar ang mukha sa akin ang nakita ko.

Ang ganda talaga ng babaeng yun at mas lalo pa nga siyang gumaganda pag nakangiti tulad ngayon. At mukang boyfriend niya ata yung kasama niyang lalake .

"Tsk! Di naman pogi ung lalake."

"Pogi kaya."

"Mas pogi ako at gwapo!"

"san banda?"

Teka nga! Bakit ba parang may nagtatalo sa isip ko? Andito ako para makanood ng movie at hindi make-alam sa ibang tao.

"Kuya ok ka lang po?" Biglang tanong ng batang lalake sa likod ko na kasama ata ang kuya niya.

"kaya nga pre ok ka lang?"

Hinarap ko sila. " Yes, I'm ok lang naman bakit?"

"Nagsasalita ka kasi kanina mag-isa diyan.Akala yata nila nababaliw ka na."

Sagot ng kuya ng bata sabay turo sa mga tao sa palikid.Tinignan ko ang ibang mga nakapila sa likod ko at mukhang nawiweirduhan nga ata sila sakin. Kaya napatampal na lang ako sa noo ko at tumalikod na lang ulit dahil nahihiya ako sa nangyari.

Pagkatapos ko bumili ng ticket ay dali dali akong pumunta sa bilihan ng popcorn at bilihan ng iba pang pwedeng kainin habang nanonood ng movie.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa sinehan at naghanap ng mauupuan. Pumuwesto ako doon sa may kaliwa pinakadulong upuan sa pinaka-itaas. Nilibot ko ang aking mata at nakita kong marami din ang manonood. At sa harap ko ay may magjowa na naka-upo. Paano ko nalaman magjowa sila? Naghahalikan lang naman sila sa harapan ko. Mga punyemas! PDA!

Buong duration ng panonood ko ng movie ay hindi ako makapagfocus dahil sa magjowa na kanina lang ay naghahalikan ngayon ay nagsusubuan ng popcorn sa harapan ko. Ang sarap lang po nilang batuhin. Promise! Kung may mga kasama lang akong naka-upo dito sa likod ay binato ko na sila ng popcorn.

Pagkatapos ko manood sa sinehan ay pumunta muna ako sa Kun Tai Tea Shop para bumili ng milk tea at tumambay sandali.

"good day sir! What's your order?" bungad sa akin ng lalakeng cashier ng tea shop.

"one caramel fudge medium 50% sugar with pearls please." Kumpletong sagot ko naman.

"ok sir, anything you want sir?"

"one blue berry cheesecake." Dagdag ko sa order ko.

"Ok sir, name sir?"

"Jofer" sagot ko. Sabay abot sa P500 na hawak ko.

"Ok sir jofer, please wait for it na lang po." Sabi niya at inabot ang receipt at sukli sa akin.

At ilang minuto lang ay dumating na din ang order ko. Pumuwesto ako sa may mga upuan na nakaharap sa window kasi gusto ko pagmasdan ang mga taong dumadaan sa harap ng shop.

At habang nagmamasid ako ay nakita ko nanaman ung dalawang tao na kanina ay nasa may tapat lang ng sinehan.

Tingkling!tingkling!

Tunog yan ng bell na nagsasabing may pumasok.

"Good morning sir."bati ng mga empleyado sa kung sino man ung bagong pasok.

"akala ko ba wala siyang boyfriend?"

"bakit may kaholding-hands siya ngayon?"

"Wow ha! ang daming nagkakandarapa sa kanya sa school kasi ang alam nila wala siyang boyfriend tapos ngayon? Tsk!"

YOU ARE JUST A DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon