Natapos na ang christmas at bagong taon na at bukas ay start na ng enrollment namin for 2nd sem. Buong holiday ay nakatutok lang ako sa cellphone ko naglalaro at nanunuod ng anime. At naging busy din ako sa pag-aaral kung paano mag-drive.
"Iannnn!" ayan na tawag sakin ng tatay ko.
"Po?!!" sagot ko.
"Tara na hatid na natin mga ate mo sa terminal." Sagot nya pagkababa ko sa sala.
"Opo." Sagot ko na lang.
Hinatid na namin sila ate sa terminal ng bus. At kung sineswerte ka nga naman ang babait talaga ng mga kapatid ko binigyan pa ako ng mga ito ng P1000 bago sila sumakay sa bus nila.
K
I
N
A
B
U
K
A
S
A
N
Magseseven na ng bumaba ako sa sala at pumunta sa kusina para kumain ng agahan.
"Ian ano oras ka pupunta ng school?" tanong sakin ng tatay ko na nanonood ng TV sa may sala.
"mga 9 na siguro pa." Sagot ko naman habang nagpapahid ng margarin sa tinapay.
"Kukunin lang naman mamaya yung card tapos sa Friday nalang ako mag-eenroll." Sabi ko ulit tapos ay kinain na ang tinapay na may margarin.
"daan ka mamaya sa grocery bili ka ng sardinas para sa mga hayop ubos na ung stock nila."
"opo." Ang nasagot ko na lang at umakyat na uli sa kwarto para mag-antay ng oras.
>>>>>>
Nasa school na ako ngayon at kasama ko ang ilan sa mga kaklase ko na ngayon ang balak din para kunin ang mga card nila at makapag-enroll na.
Pagkatapos ko kunin ang card ko ay humiwalay na ako sa kanila. Naglalakad ako ngayon papunta sa mall sakto kasi pagdating ko dun ay open na yun. At hindi nga ako nagkamali open na nga ito ng marating ko. Tumambay muna ako sa may arcade at pinanood ko ang mga ilang kabataan na naglalaro.
Habang pinapanood ko sila ay naisipan kong kumain kaya bumili ako ng waffle at isang milk tea sa stall na nasa labas lang ng arcade. At doon na lang muna ako tumambay.
"Hahahahaha!" dinig ko mula sa limang kababaihan na paakyat mula sa may escalator at nakita ko ang tatlo sa kanila ay papunta sa loob ng arcade at ang dalawa naman ay papunta sa direksyon ng stall ng pinagbilhan ko ng milk tea kung saan ako nakatambay ngayon at naglalaro sa cellphone ko.
"bes ano sayo?" dinig kong tanong ng isa sa babaeng mahaba ang buhok.
"ahm... choca fudge na lang." sabi ng babaeng mahaba ang buhok.
Tinignan ko ng mabuti ang babae at pamilyar siya sa akin. At iniisip ko kung nakita ko na ba siya dati.
"hmm... excuse me?" Biglang tanong ng isang boses sakin. Na ikinagulat ko kaya tinignan ko kung sino ang nagsalita.
"hi?" sabi nya. Na ikinalaki ng mga mata ko.
"ahm... m-ma-may problem ba?" nauutal kong tanong dahil ngayon ko lang narealized na hindi ko na pala naalis ung tingin ko sa kanila.
"kanina ka kasi nakatingin samin. Or should I say sa kanya" Sagot nung babaeng hanggang balikat lang ang buhok at tinuro pa ung babaeng mahaba ang buhok.
"ah, ganun ba? Sorry you guys look familiar to me kasi." Nahihiyang sabi ko sa kanila.
"Sa UC ka din nag-aaral di ba?" tanong sa akin nung mahaba ang buhok.
"Yeah sa UC nga ako nag-aaral." Sagot ko.
"Taga-UC din kami, actually lagi ka naming nakikita sa school. Magkatabi lang kasi ung rooms natin." Sagot nung maikli ang buhok.
"ah ganun ba, sorry wala kasi ako pake-alam sa ibang tao sa school." Sagot ko.
"Di nga halata, you are always busy with your phone everytime na nakikita ka namin." Sabi ng mahaba ang buhok.
"So ABM students din kayo?" tanong ko sa kanila.
"Oo. I'm Coleen May Perez." Sagot nung maikli ang buhok.
"Perez?" tanong ko.
"Yeah Perez, pinsan nya si Joy na kaklase mo." Sagot nung mahaba ang buhok.
"I'm Martian Jofer Montreal, MJ for short." Pagpapakilala ko.
"Ivonne Angelica Lopez." Pagpapakilala nung babaeng mahaba ang buhok.
"nice meeting you MJ pero mauuna na kami baka hinahanap na kami ng mga kasama namin." Sabi ni Coleen.
"ah... yeah sige." Sagot ko.
"don't stare at the others for too long Mr." pagpapa-alam naman ni Ivonne.
"yeah, I will." Sagot ko at napatawa na lang ako ng bahagya sa paalala nya.
Pagka-alis nila ay umalis din ako dahil ubos naman na din ung pagkain at milk tea ko kaya pumunta na ako sa grocery pagkatapos ay naglakad na ako pauwi dahil malapit lang naman ang apartment namin sa mall.
Pagkadating ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga aso ko sa may pintuan. Nilagay ko agad sa kusina ang plastic na may laman na lata ng sardinas sa lamesa at umakyat na ako sa kwarto.
Pagkadating sa kwarto ay nahiga agad ako sa higaan at napatingin ako sa kisame. Duon ko lang naalala ang mukha ni Ivonne. Sya pala ung babae sa canteen last year at sya rin ung babae sa may labas ng room ng STEM.
No wonder, she looks familiar to me. Siya pala yun, ung crush ng ibang babae at lalaki sa room namin. Yung babaeng walang ibang ginawa kundi ngitian lang ako kapag nahuhuli nya akong nakatingin sa kanya. Tulad kanina bago siya sumunod sa kaibigan niya.
Anyway, hindi ko pa rin sya ilalagay sa Crush list ko. Mahirap na daming kalaban. Kaysa sa isipin siya at ang mga admirers niya ay maglalaro na lang ako ng NBA. At mag-aantay na lang ako na mag-Friday na para makapag-enroll na rin ako.
BINABASA MO ANG
YOU ARE JUST A DREAM
Teen FictionSa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iing...