MJ's POV
Another Day! Another Hope! Another Chance! Whatta Morning! good morning!
Humihikab akong nagiistretch ng katawan bago ako bumangon mula sa higaan ko. Nang biglang lumapit sakin ang pinakamalambing na pusa naming na si Kuma.
"Good Morning Kuma!" bati ko sa pusa at binuhat ko pa ito at itinaas.
"Meoww!" tila bati din ni Kuma sakin. Pagkatapos ay tumalon din pababa sa higaan ko at naglakad papunta sa pintuan. Kaya mula sa pagkakahiga sa higaan ay umupo ako para makita si Kuma na umalis na naglilinis ng katawan pagkatapos ay lumabas na at iniwan ako mag-isa dito sa kwarto ko.
"Teka anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko kaya agad kong tinignan ang orasan na nasa gilid ng higaan ko. 4:30 pa lang pala ng umaga pero eto ako gising na gising na.
At dahil maaga pa lang pala ay naisipan kong magjogging. Kaya agad akong nagpalit ng damit at nagsuot ng sapatos. Pagkababa ko ay naka-Off pa ang mga ilaw tinignan ko ang kwarto ni Papa at halatang tulog pa ito. Kaya dumeretso na ako sa labas at nagstretch muna bago nagsimulang tumakbo.
Mahigit isang oras akong nagjogging. Pagkabalik ko sa bahay ay gising na si papa at kumakain na ang mga aso at pusa namin. Nakahanda na rin sa lamesa ang breakfast namin. Hinubad ko muna ang aking sapatos at nagpalit ng tsinelas pagkatapos ay dumeretso na ako sa lamesa para kumain.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako saglit bago naligo at maghanda para sa pagpasok.
Hayst! Ang aaga talaga ng mga kaklase ko pumasok. Swerte nila at hindi nila naaabutan ang magulong classroom pag-umaga.
Ok konting uurong lang ng upuan na ito and... Done! Ayan maayos na ang mga upuan sa room.
"morning" bati ng classmate ko na kakapasok lang.
Eeek!
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ng classmate ko. Anak ka ng?! Nagugulo lang naman kasi yung mga upuan dahil sa ginawang pagpapalit ng classmate ko na ito.
"What?" tanong ng classmate ko na nakatingin na pala sakin.
"sayang pagod. Ano ba yan?" sagot ko na lang sa kanya. Tapos ay tinalikuran siya at umupo na lang sa upuan ko at naglaro sa cellphone ko.
"Ahh... sorry nagulo ko ba?" tanong niya nang mapagtanto niya kung anong problema.
Tinignan ko lang siya ng tingin na mukhang nadisappoint.
"ay sorry naman. Teka ayusin ko lang." sabi niya at tumawa pa konti bago ayusin ung nagulo na mga upuan.
"Ayan ok na." dinig kong sabi niya at tumingin sakin at ngumiti.
Kaya nagsmile na din ako at nagthumbs up pa sa kanya at binalik na ang aking attention sa cellphone.
Isa-isang nagsidatingan ang aking mga kaklase at ang kaninang tahimik na classroom ay maingay na. At di rin katagalan ay time na at dumating na ang teacher namin.
Pagkatapos ng unang klase namin ay lumabas muna ako sa room at nagpangin. Napapadalas ko na itong gawin at hindi ko alam kung bakit. And I feel like mas gusto ko ang tumambay dito sa labas lalo na kapag naka-open ang pintuan ng kabilang room, ang pintuan ng Block 1.
Tulad ngayon nakaharap ako sa classroom namin habang nakaprente akong nakasandal sa railings ng open hallway ng building namin.
"MJ, meron na si Maam?" tanong sakin ni Jhon na kakalabas lang sa room namin at sumilip sa kabilang room.
"Wala pa." sagot ko.
"Seseryoso talaga mga tao dito sa kabila." Sabi niya at lumapit sa railings na sinasandalan ko at sumilip sa baba ng building naming.
BINABASA MO ANG
YOU ARE JUST A DREAM
Teen FictionSa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iing...