MJ's POV
Yung buong time namin sa 2nd period ay nasayang lang sa kakahintay kaya bago pa matapos ang time namin ay niyaya ko ng magmeryenda sila Dave. At ngayon ay pabalik na kami sa room namin dahil sakto ay lalabas na din ang ibang estudyante para magmeryenda. Papa-akyat na kami ng hagdanan at nakasalubong naman naming sila Ivonne na pababa.
Nagkatinginan kami at as usual ay nginitian nanaman niya ako kaya napa-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong napapaiwas ng tingin sa kanya everytime na nagi-smile siya sakin sa tuwing nagkakatinginan kami. Kaya ko naman siyang tignan ng deretso kahit na nahuhuli niya ako nakatingin.
Yun nga lang kapag ngumiti na siya dun ako napapaiwas dahil parang umiinit ang magkabilang pisnge ko feeling ko ay umaakyat bigla ang lahat ng dugo ko sa mukha ko.
"bro nagsmile sayo si Ivonne." Sabi ni Carl at tumingin sa akin.
"oo nga bro nagsmile siya sayo." Ulit ni Dave.
"Shit! Bro nagbablush ka!" biglang bulalas ni Carl ng makita ang mukha ko.
"Anong blush-blush sinasabi mo diyan?" painosente kong tanong.
"Patingin nga." Sabi naman ni Dave.
" o di ba Dave nagbablush siya." Sabi ulit ni Carl at tinuro pa ang mukha ko.
"oo nga no?" pagsang-ayon ni Dave.
" Hoy! Di ako nagbablush! Mainit lang kaya namumula mukha ko." Pagdepensa ko at binilisan ko ang panglakad papunta sa room.
Narinig ko naman ang mga yabag ng paa nila na sumunod sakin.
"Ayieee!!!! MJ!!!" pangangantiyaw ni Dave sakin.
"Sa wakas binata ka na bro!" Sabi naman ni Carl na tila nagpapasalamat pa sa maykapal sa nangyari.
"tsk! Diyan na nga kayo." Sabi ko sa kanila pagkatapos ay diretso na akong pumasok ng room at iniwan silang naghihisterical.
Napailing na lang ako sa kanila nung pagkapasok ko.
Dumeretso ako sa upuan ko at inilabas ang cellphone at naglaro. Di pa tapos magloading yung game na nilalaro ay pumasok na sila Dave sa room at pumunta mga upuan nila sa likod ko.
"Bakit mo kami iniwan sa labas?" tanong ni Dave pagka-upo niya.
"Muntanga kayo eh." Sagot ko.
"Bad..." ani ni Carl. At nilabas ang cellphone at kinalikot ito.
"So bakit nga ba namula mukha mo kanina?" biglang tanong ni Dave sakin.
Napaisip ako saglit kung bakit nga ba, may idea na ako kung bakit pero binalewala kung ito.
"Ewan." Sagot ko.
"Hindi pwedeng ewan bro." pangongontra ni Carl.
"eh sa ewan ko eh." Pamimilit ko.
"Ewan mo? O di mo lang tanggap?" tanong ni Carl. Kaya tinignan ko siya at nakita kong tumataas-baba pa ang mga kilay nito habang nakatingin sakin habang si Dave naman ay nakangisi.
"anong Hindi tanggap?"kunot-noo kong tanong.
"may idea ka kung bakit pero ayaw mo lang paniwalaan." Pag-eexplain ni Dave.
"May gusto ka sa kanya? Meron o Wala." Dagdag na tanong ni Dave.
Napaisip at natahimik ako sandali sa tanong nilang dalawa. Tinignan ko silang dalawa at ngumiti bago sila talikuran.
"huy! Anong ngiti yan?" pangungulit nila dalawa.
"meron? MERON?!" makulit na sigaw pa ni Carl.
"I didn't say anything." Sabi ko habang naglalaro sa cellphone ko.
BINABASA MO ANG
YOU ARE JUST A DREAM
JugendliteraturSa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iing...