Carlos's POV
Aynako! Napa-aga nanaman ako ng pasok. Three weeks na pala nakalipas ng magstart 2nd sem namin. At nung Saturday pa ako napapa-aga ng pasok.
"Good morning" bati ni MJ habang humihikab pa na pumasok dito sa loob ng room.
"Morning!" bati ko pabalik sa kanya.
Nilapag niya lang ang bag niya sa upuan at lumabas ng room. Kaya sinundan ko ito.
"Uy san ka punta?" tanong ko sa kanya.
"Canteen" sagot niya habang kinakalkal ang wallet niya.
"aga-aga canteen agad." Sabi ko.
"inaantok pa ko eh." Sabi niya.
"ano connect ng canteen sa inaantok?" nawiwierduhan kong tanong sa kanya.
"Ewan." Sabi niya. Kaya nanahimik na lang ako at sinabayan siya sa paglalakad papuntang canteen.
"good morning carl." Bati sakin ng ilang kababaihan na nakasalubong namin.
"Morning din."
"Famous." Humihikab na sabi ni MJ.
Kaya siniko ko ito "loko ka talaga." Sabi ko sa kanya.
"Pa-authograph po idol." Nagbibiro niyang sabi habang naglalakad kami.
Kaya natawa ako bahagya "gutom lang yan bro." ang nasabi ko.
"baka nga." Sabi niya at huminto na sa isa sa mga bilihan sa canteen namin.
Habang kumakain siya ay di ko maiwasang magtanong sa kanya.
"bro, bakit never ko pang narinig pangalan mo na nalink sa kahit sinong babae?"
Napatigil siya sa pagsubo. at Nag-isip habang nakatingin sa kutsara na ibinaba niya ulit.
"Hay nako! Tinatanong pa ba yan! Mas mahal niyan mga anime at games niyan ano ka ba." Biglang dating at sabat ni Dave na mukhang kakarating lang dito sa school at dumiretso agad dito sa canteen.
"Uy aga mo ah." Sabi ni MJ kay Dave.
Kaya natawa bahagya si dave.
"Wala, ngayon lang to." Nakangiting sabi ni Dave.
"oy iniiba mo topic MJ." Sabi ko pagkatapos sumubo niya sumubo ulit ng pagkain.
Kaya nginuya at nilunok niya muna ang nasa loob ng bibig niya.
"halla! Sabi ko nga di ba carlos na-" hindi na naituloy ni Dave ang sasabihin dahil sumingit sa usapan si MJ.
"Kumain ka muna jan bro." sabi niya bago niya ituloy ang sasabihin.
"So bakit nga?" ulit kong tanong.
"wala, di ko lang trip." Sagot niya.
"sus, ano ba yan."dismayado kong sabi.
"hahahhahah"malakas na tawa ni Dave.
"huy! Tinatawa mo jan." tanong ko sa kanya.
Tumigil muna sa pagtawa si dave bago magsalita. "Sabi ko kasi sayo Carl, mas trip nyan maglaro sa phone niya at manood ng anime kaysa sa mangbabae di tulad mo!" sabi niya na diniinan pa ung nasa dulo ng sinabi niya.
Kaya napatawa si MJ at naki-apir pa kay Dave na tila sang-ayos siya sa sinabi nito lalo na sa pinakadulo.
Napa-iling ako sa kanilang dalawa. "mga sira-ulo kayo." Ang nasabi ko na lang at hinayaan na lang silang kumain. Pagkatapos ay tumakbo na kami pabalik ng room dahil di namin namalayan ang oras at malelate na kami kung maglalakad lang kami.
BINABASA MO ANG
YOU ARE JUST A DREAM
Teen FictionSa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iing...