MJ's POV
"(yawning) hahhh... nakaka-antok naman" kagigising ko lang at last exam na namin mamaya tapos magpeperform na rin kami ng PE namin at ipapasa na din namin yung iba pang requirements sa mga ibang subjects mamaya para wala na kaming proproblemahin ngayong Christmas break .
At ito ako ngayon nagrereview may 1 hour pa kasi bago mag 5 am at mga 5:30 naman ako lumalabas ng kwarto para magprepare sa pagpasok. At as usual gatas at noodles lang nanaman ang umagahan ko pagkababa ko sa kusina.
S T
K I
I M
P E
>>>>>>>>>>>>
"Uy MJ, reviewer mo nga sa EarthScie." Sabi ng isa sa mga kaklase ko pagkadating nya sa classroom namin.
"oh eto" sabay abot ko sa kanya ng EarthScie ko.
"Tsk! Buti na lang last day na ngayon ng exam." Bukang bibig ni John na kahapon pa excited magbakasyon.
"Oo nga. Matatapos na din ang hell week!" dagdag naman ni Alex.
"So ano balak nyo gawin sa bakasyon?" tanong ko sa kanila.
"Tara Outing!" sabi ni Sunny.
"Saan naman?" tanong ni Louis.
"Sa ganun Teucha." Suggestion ni Kyla.
"Swimming?" tanong ko sa kanila.
"oo swimming tapos ambagan na lang tayo sa foods." Suggestion ulit ni Raine.
"Kayo na lang." sagot ko sa kanila.
"Bakit? Ala! Sayang naman minsan lang natin magagawa yun eh." – Louis.
"December na eh, malamig tubig." Palusot ko.
"hmmHmm, hindi naman eh. Carry lang" sabi ulit ni Louis.
"Tsaka di rin naman yan matutuloy for sure, madodrawing lang yan." Sabi ko.
"hindi ah." – Jhon.
"remember magsisi uwian pa kayo lalo na sila Alex at Louis pagkatapos nitong exam" paalala ko sa kanila.
"ay oo nga no." – Alex.
"Ay alla! Pano din yun?" tanong ni Kyla.
"Wala ng mag outing! Mag outing na lang tayo mag-isa sa bahay-bahay natin." Biglang sabat ni Sunny. Na ikanatawa ko dahil sa sinabi nya.
Naguusap-usap at nagrereview lang kami habang nag-aantay sa magbabantay sa block namin habang nag-eexam.
Makalipas ang ilang minute ay dumating na nga ang magbabantay sa amin at nagsimula na kaming mag-exam. After ng dalawang subject ay ako ang pinakanaunang natapos. At after daw ng break time pa ulit kami mageexam. Kaya lumabas muna ako saglit para bumili ng pagkain sa canteen.
Habang naglalakad ako ay sinilip ko ang katabing classroom namin nakaharap sa kanila ang nagbabantay kaya hindi ako nito nakita na sumilip. Bawat classroom ay busy nag-eexam. At Mangilan-ilan pa lang ang mga estudyanteng nakikita ko na nakatambay sa labas ng room nila at ang iba ay nagrereview.
Sa canteen...
"ate isang--"
"ate kwek-kwek po ung tig-twenty isa tapos tubig po."
Napatigil ako magsalita dahil sa boses na biglang sumingit sa tabi ko habang umoorder. Kaya tinignan ko kung sino ito. At nakita ko itong tumingin sa akin at biglang ngumiti . Kaya bigla akong natameme ng makita siya.
"eto po bayad" dinig kong sabi nya sa tindera. Pagkatapos ay tumingin ulit sya sakin at ngumiti ulit at umalis na.
Sinundan ko na lang sya ng tingin habang naglalakad palayo at binalewala na lang ung nangyari.At tinuloy ko na lang ang pag-order ko ng pagkain. Pagkatapos ay bumalik din agad ako sa classroom.
FAST
FORWARD >>>>>>>
"YEYY!!! Tapos na din!" pagbubunyi ng ibang mga kaklase ko ng matapos namin ang exam.
"Guys tara picture!" Pang-aaya pa ng iba naming classmate.
"Guys ung aattend daw ng Christmas party bukas maiwan muna sabi ni sir Jun." sigaw ng class president namin na si Kimberly.
"Ung mga hindi daw magaattend mamatay na daw kayo" dagdag pa nya na ikinatawa naming lahat sa room.
"Bye guys!" pagpapa-alam ng iba habang papalabas ng room.
"See you next sem!" sigaw ko naman sa kanila.
"Uy sandaliiii!!!!" sigaw ni Louis na ikinahinto ng lahat .
"oy pabalikin nyo ung mga umalis magpeperform pa tayo ng PE natin." Sabi nya.
"Shocks! Oo nga no?muntik na makalimutan."sabi naman ni Melissa.
"Ako na." volunteer ko. At lumabas agad ako ng room para habulin yung mga papaalis na. At buti na lang ay hindi pa sila tuluyan nakababa lahat kaya madali lang din kaming nakabalik.
FAST FORWARD>>>>> AFTER PE.
"buti na lang pina-alala mo Louis." Sabi ng isa sa mga kaklase namin.
"Edi kung hindi ko pinalala wala tayo grades lahat." Sabi naman ni Louis.
"Edi wow." Biglang sabat ni Sunny.
"gaga ka talaga fren." Ang nasabi na lang ni Louis kay Sunny kaya napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa.
"Uy MJ." Tawag sakin ni Dave.
"Op." reply ko.
"tara pasa na natin ung videos kay Ms. Lara." Sabi ni Alex.
"Tara." Sabi ko.
Kaya pumunta na kami tatlo sa faculty office nila Ms.Lara. Sakto ay nakasalubong pa namin si Ms. Lara na pababa galing sa faculty kaya inutos na lang nya na iwan na lang namin ung USB ng videos namin sa table nya at pagkatapos ay umalis na rin kaming tatlo.
Habang naglalakad kami tatlo, as usual ay hilig ko ang magpahuli maglakad. Naglalakad kami papunta ng gate at nakita ko nanaman ung magandang babae at nasa unahan lang namin sila. Kaya pinagmasdan ko sya habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at kaklase nya habang naglalakad.
At nahuli nya ako nakatingin sa kanya at imbes na iiwas ko ang tingin ko ay hindi ko iyon ginawa. Nginitian nya ako ng makita nya na nakatingin ako diretso sa kanya at duon lang ako napa-iwas ng tingin.
"Dave." Tawag ko kay dave. Kaya napatingin sila ni Alex sa akin.
"Tatawid ka di ba?" tanong ko.
"Oo bakit?" tanong nya sakin.
"sabay na tayo tawid." Sabi ko.
"Osige." Sabi nya.
"Ikaw Alex?" tanong ni Dave kay Alex.
"dito ako sasakay eh" sagot nya.
"osige ingat. Happy Holidays Na lang." sabi ni Dave Kay Alex.
"Sige kayo din." Sagot naman ni Alex at sumakay na ng trycicle.
"ingat" sabi ko kay Dave ng makarating kami sa kabilang sakayan. At mula dito ay naglakad na ako pauwi.
BINABASA MO ANG
YOU ARE JUST A DREAM
Novela JuvenilSa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iing...