CHAPTER 11:

2 0 0
                                    


Mj's Pov

Kahapon hindi ko inaasahan na kakausapin ako ni Ivonne. At ang magagaling kong kaibigan ay nanonood pala samin mula sa bintana ng classroom namin. Kaya puro pang-aasar ang inabot ko sa kanila pagkapasok ko.

Ngayon ay papunta ako mag-isa sa gym dahil duon kami nagkaklase ng PE. Mag-isa lang ako ngayon dahil may inutos pa na gawain sa akin ang adviser namin at lahat sila ay nauna na.

Pagdating ko ay nakita kong nagiistretching sila. Kaya lumapit agad ako sa teacher namin para itanong kung anong gagawin.

"Sir, I'm sorry late. May inutos po kasi na Gawain sakin ang adviser namin." Sabi ko sa kanya pagkalapit ko.

"O sige. Join ka na sa kanila. Magvovolleyball tayo ngayon. Kalaban niyo ung block 1." Sabi niya sakin.

"sige po sir." At binaba ko ang bag ko kung saan nakalagay ang mga gamit ng kaklase ko at nakisama sa kanila.

"Mj, kalaban natin block 1 sabi ni sir!" yan ang bungad na sabi ni Alex sakin nung makalapit at sumali ako na magstretching sa kanila.

"yeah alam ko. Kakasabi lang ni sir sakin." sabi ko naman habang ginagaya ang ginagawa nila.

"Klase nila Ivonne kalaban natin bro." sabi ni Carl na may diin sa pangalan ni Ivonne.

"tapos?" naguguluhang tanong ko sa kanila.

"Tanga! Chance na yan para pakitang gilas ka!" nakakagulat na sabi ni Jhon sakin at nagsitawanan naman sila dahil sa tinuran ni Jhon.

"Wag ka din galit ah." Sabi ko.

"di ako galit nagpapaliwanag lang." sabi niya at inirapan ako.

"siraulo ka talaga Jhon."sabi ko pagkatapos ay tinignan ko ang mga block 1 na nagistretching din.

PRRRRTTT!!!!

Tunog ng wistle ni Sir. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya at tinawag niya kami na pumunta sa harapan niya.

"So guys, ganito 2 sets lang tayo paunahan makakuha ng 2 set. Blocks 1 and 2 ang matatalo ay may 20 points sa performance at ang mananalo ay 25 points naman ang matatanggap. Ok ba?" sabi niya. At umOo naman kaming lahat.

"Ok mga representatives na maglalaro punta na sa loob ng court.Bilis!" Anunsyo pa ni Sir.

Kaya tumalikod na ako at pumunta sa mga upuan sa gilid ng court ng may tumamang bola sa likod ko. Kaya humarap ako at tinignan kung sino ang nangbato ng bola sakin. Nakita ko si Ivonne na nakapeace sign at tinuro ang bola. Kaya pinulot ko na lang ung bola at binato sa kanila pabalik at dumeretso na sa upuan.

PRRRTTT!

Muling pito ni sir hudyat na magsisimula na ang laro.

Habang nanonood ako sa mga kaklase ko ay may kumalabit sakin.

"uy." Tawag niya sakin ng lingonin ko siya.

"what?" tanong ko sa kanya.

"sabihan mo naman mga kaklase mo wag naman nila masyadong galingan." Sabi niya kaya napatawa ako.

"Sila kausapin mo wag ako Ivonne. Hindi naman ako ang naglalaro." Sabi ko sa kanya.

"kahit na. classmate mo naman sila." Sabi niya.

Tinignan ko siya mabuti at natawa ako muli.

"anong tinatawa mo dyan?" tanong ni Ivonne.

"mukha ka kasing ewan diyan." Sabi ko. Kaya hinampas niya ako sa balikat.

"aray naman mapanakit ka ah."sabi ko sa kanya.

"wag mo kasi ako tawanan." Sabi niya.

"eh sa nakakatawa ung mukha mo kanina." Sabi ko sa kanya.

"atleast maganda pa rin naman kahit magmukha akong ewan." Sabi niya ng full of confidence.

"nasa antartic na ba ako? Biglang lumamig ah." Sabi ko sabay tawa kaya hinampas niya ulit ako.

"totoo naman eh. Aminin mo. Wag mong sabihing hindi." Banta niya sakin.

"hindi nga." Sabi ko sa kanya kaya nakatanggap nga ulit ako ng hampas kaya natawa na lang ako.

Ivonne's Pov

Andito ako ngayon sa likod ni Mj at nakikipag-usap sa kanya. Ang balak ko lang naman ay asarin siya pero ako ang inaasar niya.

"aray! Bes may dala ka bang asukal diyan?" rinig naming sabi ng estudyanteng nasa likod namin.

"wala bes. Bakit?" sagot naman nung isa.

"daming langgam eh kinagat ata ako."

"asan ba?"

"ayun oh sa harapan natin." Sabi nung isa at tinuro kami ni Mj.

"Mga siraulo talaga kayo!" sabi ni Mj sa kanila na mukhang mga kaklase niya.

Kaya nagsitawanan naman ang mga ito.

"mga baliw talaga yung mga yun." Sabi niya at ibinalik ang tingin sa mga kaklase namin na naglalaro para sa grades ng buong section.

"kulit ng section niyo." Sabi ko habang nanood din.

"yeah. Opposite sa section niyo na mga seryoso masyado." Sabi niya naman.

"kaya mas mabababa yung grades niyo kesa samin kasi mga chill type kayo." Sabi ko sa kanya.

"hindi naman kami ganun kachill may konting side naman kami na marunong mag-aral." Sabi niya.

"ok sabi mo eh. So kelan tayo magstart ng tutor lesson mo?" sabi ko sa kanya at tinignan niya ako.

Medyo na conscious naman ako ng tignan niya ako ng deretso.

"bukas na lang after ng class. Antayin kita sa labas ng room niyo." Sabi niya pagkatapos ay binalik niya na ang tingin sa court.

"Ok. Basta ung libre ko wag mong kalimutan." Sabi ko na lang. At tumayo na ako para bumalik sa mga kaibigan ko ng pigilan niya ako.

"san ka punta?" tanong niya na nakatingin sakin kaya tumingin din ako sa kanya pabalik.

"balik na ko sa mga classmates ko." Sagot ko.

"sige." Sabi niya na lang.

At naglakad na ako pabalik sa mga kaklase at kaibigan ko.

Pagkabalik ko sa mga kaibigan at kaklase ko ay kinulit nila ako kung anong pinag-usapan namin ni Mj.

"uy Ivonne close pala kayo ni Mj?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"hindi kami close, magkakilala lang." sagot ko.

"ganun ba. Bakit mo siya kilala?" tanong naman nung isa.

"bakit bawal bang makipagkilala sa taga ibang room?"patanong na sagot ko sa kanila.

"hindi naman." Sabi nila.

"naman pala eh. Mga chismoso at chismosa din kayo no?" sabi ko sakanila.

"uy hindi naman. Curious lang." sabi nila.

"ewan ko sa inyo. Manood na nga lang kayo." Sabi ko na lang sa kanila. At tumingin muna saglit sa direksyon kung saan naka-upo si MJ bago ko ibalik ang tingin ko sa mga naglalaro naming kaklase.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU ARE JUST A DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon