MJ's POV
Meow!Meow!Meow!
"Zzzzzzzz"
Meow!Meow!Meow!
"Zzzzzzzzzzzzz"
Meow!!MEOWWWW!!!!
"Arayyyy!"
MEOW!!
Tinignan ko ang pusa ko na kanina pa nanggigising sakin. At ang walang hiyang pusa ay bigla na lang nawala. Ang galing! Wala na, gising na ako. Sinira ng magaling na pusa ang tulog ko. Kaya ano pa ba ang gagawin ko? Tutal alas-singko naman na ng umaga at Wednesday pa ngayon ay babangon na ako.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para silipin kung gising na ba ang aking tatay. At nakita kong bukas na nga ang ilaw sa kusina kaya bumaba na ako at nakita ko rin na kumakain na rin ang mga alaga naming pusa at aso. At nakahanda na rin ang gatas ko at kape naman para sa tatay ko.
"Pa, sino sa mga pusa ang galing sa taas?" tanong ko kay papa.
"Bakit?" –si papa.
"Tinalunan ako sa mukha eh." Sagot ko naman at natawa naman si papa.
"Si Mando ung galing sa taas" sagot naman ni papa.
Tinanguan ko na lang ang sagot ni Papa at kumain na lang ng umagahan para makaligo na at makapasok na sa school.
"Pa, hanggang ano oras klase mo?" Tanong ko kay papa habang hinihintay siyang matapos magbihis.
"hanggang 6" Sagot nya habang sinusuot ang ID nya at dumeretso na sa labas ng bahay.
Kaya hindi na ako umimik at sumunod na rin sa kanya palabas.
Pagdating sa school ay naghiwalay na kami ng tatay ko. Napansin ko na habang patagal ng patagal ay palate din ng palate ang mga estudyante na pumasok sa school. Kasi lagi kaming dumadating sa school ng mga 6:30 sa umaga at tsaka lang dumadami ang mga tao kapag pasado alas-syete na.
Kaya habang papa-akyat ako sa floor ng aming classroom ay kapansin-pansin ang mga nagsisitahimikan na classroom dahil wala pa masyadong estudyante. Except nga lang pagdating sa pangatlong palapag sa pinakadulong parte na kung saan matatagpuan ang aming classroom. Nasa malayo ka pa lang ay dinig mo na ang malalakas na boses ng aking mga EARLYBIRD na classmate.
"Good Morning!" Bati ko sa mga ito ng pagkapasok ko.
"Good Morning Din"
"Good Morning MJ"
Bati din pabalik sakin ng ilan sa kanila.
"MJ, nagawa mo ba ung assignment natin sa EEAP?" tanong sa kin ni Kyla.
"Oo nga MJ patingin naman kung nakagawa ka" sabi naman ni John.
" Yeah nagawa ko teka lang ilalabas ko lang sa bag." Sagot ko at pinakita ang notebook ko ng EEAP.
"Thanks,oh eto na." sagot nila at ibinalik na sakin ang notebook.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
"Ok exam na bukas, good luck sa inyo. After nito see you next sem na. Good luck sa mga magiging bago nyong teachers. Hahahaha" pagpapa-alam ng aming last teacher sa araw na ito. Medyo may mga umangal konti dahil papatapos na pala ang aming 1st sem at magkriChristmas Break na at after nun ay start na ng 2nd sem namin.
At as usual nagpahuli akong lumabas kasabay ang mga kaibigan ko. At habang papunta na kami ng hagdanan ay wala ng tao sa kabilang room at habang naglalakad kami ay napansin ko ang isang magandang babae na nakaupo sa labas ng room ng isa sa mga section ng STEM. Ningitian nya kami at ganun din ang mga kaibigan ko at nagHi pa ang iba habang ako naman ay tinignan lang siya ng diretso at binalewala lang ang presensya nya.
"Ang ganda talaga nun no?" biglang sabi ni Jhon.
"Taga block 1 yun di ba?" tanong naman ni Alex.
"OO girl si ano yun si Ivonne ung girlcrush nila Audrey." Sabi naman ni Louis ang baklang kaibigan namin.
"Ay yun yun?" gulat na tanong naman ni Sunny.
"oo sya yun." Sagot ni Raine.
" Ganda nya no?" tanong ulit ni John.
"John paulit-ulit?" pangbabara ni Kyla.
At napatawa na lang ako sa kanila. Hanggang sa makalabas kami sa gate ng school ay nakikinig lang ako at nakikitawa sa kanila.
Habang naglalakad ako pauwi ay sumagi sa isip ko ulit ung babae. I admit she's beautiful. But, nah~ I don't want to have her on my crush list. She is too beautiful and I'm sure maraming nagka-crush din sa kanya kaya she's a big X for me.
BINABASA MO ANG
YOU ARE JUST A DREAM
Teen FictionSa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iing...