MJ's POV
Okay, Saturday na ngayon at may pasok na kami nung Monday pa. Ang schedule namin ay hanggang 3pm ng hapon pag Tuesday, at Thursday tapos hanggang 2 naman kami pagSaturday tulad ngayon. At dahil first week pa lang ng klase ay wala masyado ang nagtuturo samin. At hindi pa daw nafafinalize ng mga instructor namin ang schedule kaya iilan pa lang ang nakikilala naming na magiging teacher namin sa sem na ito.
"MJ tara laro tayo basketball." Yaya sakin ni Carlos at Dave.
"kayo na lang, mas gusto ko maglaro dito sa phone ko."
"Sus! Nubayan! Lalabo mata mo nyan kung puro ka cellphone. " –dave
"Hindi yan. Hindi naman ako lagi lagi gumagamit ng cellphone kaya ok lang yan." – ako
"osige bahala ka. Pero kung gusto mo sumali nasa court lang kami punta ka lang." sabi ni Carlos at iniwan na nila ako dalawa na nakatayo sa labas ng room namin.
Mula sa room namin sa third floor ay nalipat kami sa second floor kaya hindi na lang ang view ng parking lot sa may gym ang makikita ko. Kundi ang view na ng open court, field at mga naglalakad na estudyante sa baba ang nakikita ko pati na rin ang iba pang building sa loob ng campus namin.
"wala pa tayong teacher?" tanong sakin ng isa sa mga kaklase ko na mukang galing pa sa canteen at nagmadali lang na bumalik sa room naming dahil akala niya ay late na siya.
"Wala pa." sagot ko sa kanya at tinanguhan niya lang ako at pumasok na siya sa loob ng room.
Binalik ko ang aking paningin sa mga taong busy sa baba ng floor namin at pinanood ko na lang sila sandal pagkatapos ay kinalikot ko na lang ang cellphone ko habang nag-aabang na may dumating na teacher para sa time namin ngayon.
Ivonne's POV
Ano kayang ginagawa nitong lalakeng to? Wala ba silang teacher? Malamang wala! Kasi hindi naman lalabas at tatambay yan diyan kung may teacher sila. Common Sense din minsan Ivonne!
Buti pa sila pachill-chill lang ngayon habang kami, ang sisipag ng mga teacher na magsipasok sa section namin.
"HUY!"
"AY SIRAULO!" gulat kong sabi sa kung sino man tong nagsalita.
"Aray! Ko naman girl. Siniraulo mo pa ako." Si Sidney lang naman pala tong nanggulat sakin.
"eh bakit ka ba kasi nanggugulat dyan?" tanong ko sa kanya.
"Eh kasi naman kanina ka pa nakatingin sa lalakeng nasa labas." Sabi niya.
"Eh ano naman ngayon?" tanong ko.
"Wala nacurious lang ako bat mo siya tinitignan."
"Nakakamatay ba ang pagtingin?" tanong ko.
"hindi, pero nakakaFall pwede." Sagot niya. At biglang ngumiti na may sabay taas-baba pa ng kilay.
"Tigilan mo nga yang itsurang yan.Ang creepy mo tignan bes." Sabi ko sa kanya at bigla na lang siya tumawa tapos ay tinalikuran na lang ako at pumunta sa upuan ng ibang kaibigan naming at may binulong na ikinatawa nila.
Kaya dali dali akong sumunod at kinulit sila kung ano yung pinagbubulungan nila. At ang mga lintik ay tinignan lang ako na may halong pang-aasar.
"Angel, cute siya." Sabi ni Coleen
"Oo nga girl." Pag-aagree naman ni Yumi.
"Akin na lang siya girl!" sabi naman ni Rica.
"Mga sira ulo kayo!" sabi ko sa kanila. Na dahilan para tumawa sila.
"magsitigil nga kayo, baka mayGF ung tao tapos ganyan kayo." Sabi ko ulit sa kanila.
"Girl WALA siyang GF" biglang sabat naman ni Coleen.
"Oo Ivonne wala siyang GF." Ulit pa ni Sydney.
"Ano Copy-paste lang Sydney?" pangbabara ni Rica.
"Ewan ko sa inyo." Na lang ang nasabi ko sa kanila at bumalik na lang ulit ako sa upuan ko at iniwan na sila duon sa pwesto nila at tinignan ko ulit kung andun pa siya pero wala na kaya binaling ko nalang ang atensyon ko sa cellphone ko.
MJ's POV
Ok wala pa rin kaming teacher at 30 minutes na rin ang nakalipas ng magstart ang time para sa last subject kaya napagpasyahan na lang namin na umuwi na.
Ang iba sa mga kaibigan ko ay napiling magmall muna bago sila umuwi, niyaya pa nila ako pero tumanggi ako kasi mapapagastos nanaman ako sa milktea pagsumama ako sa kanila. At nangako ako na magtitipid muna ako this week. Kaya hindi na nila ako pinilit.
Arf!!! ARFF!!! ARF!!! AWW!! AWWW! AWWW!!!!
Tahol ng mga aso ko ng makarating ako sa bahay. Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay dahil ang tatay ko ay nasa isang business trip at sa Monday pa ang kanyang balik. Kaya ganyan na lang makatahol ang mga aso namin.
"Gutom na kayo?" tanong ko sa mga alaga naming na hayop na tila naiintindihan naman ako dahil sa mga reaction na ibinigay nila sakin.
"osige mag-antay kayo saglit dyan." Sabi ko sa kanila at inihanda na ang kanilang pagkain.
My stupid mouth got me in trouble... nanana...
Tunog ng ringtone ng cellphone ko na nagsasabing may tumatawag.
" Hello?"
"MJ."sabi ng tao sa kabilang linya.
"O? bakit?"
"ano na kasi ung sinabi ni Ms. Shirly kanina?" tanong niya.
"Ahh! Sabi niya magdala daw ng index card next meeting." Sagot ko.
"Ay yun lang. sige thank you bye." Biglang baba ng kausap ko at hindi man lang ako hinintay na makapagsalita pa.
Tinignan ko na lang ang mga alaga kong hayop at nakita kong tapos na kumain ang ilan sa kanila kaya umakyat na muna ako sa kwarto at natulog na lang.
BINABASA MO ANG
YOU ARE JUST A DREAM
Teen FictionSa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iing...