CHAPTER 4:

6 0 0
                                    


MJ's Pov

Pasukan na pala bukas and medyo mahaba na rin ang buhok ko at ang pangit naman kung sisimulan ko ang 2nd sem na mukha akong emo dahil sa buhok ko. Pero tinatamad ako lumabas ng bahay para magpagupit, wala rin naman siguro mangungultap. Kaya bahala na next week na lang siguro ako magpapagupit. Oo next week na nga lang.

>>After 2 hours<<

"magkano po?"

"70"

"ito po bayad."

"Salamat" yan ang sabi ng barberong naggupit sa akin.

O di ba? Sabi ko next week na pero hindi rin ako nakatiis. Anyway, I feel so gwapo na ulit. Pogi lang kasi ako sa buhok ko kanina. WAhahaha! Maka-uwi na nga. I miss my animes na.

BOOGSH!

"Oh my god! Tsk!"

"ay sorry po miss!" sabi ko sa babaeng nakabangga ko.

" Babe! Anong nangyari? May problem ba dito" tanong nung lalakeng bigla na lang dumating at hinawakan sa dalawang balikat ang babae at hinarap sa kanya para maka-usap ito.

"hoy! Anong ginawa mo sa girlfriend ko?" baling nya sa akin.

"tsk! Babe, ok na nagsorry naman na sya. Kaya hayaan mo na." sabi nung babae.

"tsk pasalamat ka at mabait tong girlfriend ko. Kung ano man ang nangyari sana lesson learned ka. Tara na babe." Mahabang sabi ng lalake at umalis na kasama ung babae.

Tinignan ko na lang sila habang naglalakad papalayo.

"Tsk! Di ba sinabi ko na sayo don't stare at the others for too long."

"HUH?!"

" hahahahaha!!look at your face! That was epic! Hahaha" tawa niya na may kasabay na turo pa sa mukha ko.

"kanina ka pa dyan?" tanong ko sa babae.

"yeah, I saw what happened and you look like an idiot kanina." Sabi pa niya na may halong pang-aasar.

"Whatever Ms. Ivonne Angelica Lopez."

"hahahaha!" tawa niya pa na may halong pang-aasar.

Kaya tinignan ko na lang siya at napatigil siya sa tawa.

"Ayan ka nanaman eh." Sabi niya sakin.

"What? What did I do para sabihin mo yan."

"lagi mo na lang akong tinitignan na parang balewala lang ako." Sabi niya.

"Huh?"

"nung first time kitang nakita kasama mga friends mo na lahat sila nagHi sakin tapos ikaw parang walang emosyon lang na nakatingin sakin. tapos nung sa may canteen pa nun ganun ka din at nung pauwi na kayo. Hindi ba uso sayo ang kapag ningitian ka ng isang tao ay ngingitian mo din ito pabalik?" mahabang sabi ni Ivonne sa akin.

Kaya napaisip ako kaunti.

"mmm... uso naman pero it depends." Sagot ko sa kanya.

"Anyway pauwi na ako, may sasabihin ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"woah! Cold mo naman. Di mo bagay maging masungit." Sabi nya sakin.

"nagsungit ba ako?" tanong ko.

"hindi pero yun ung dating ng pagkakasabi mo."

"tsk! I really need to go na, so see you na lang sa school Ivonne." Ang nasabi ko at nagtawag na ng trycicle.

"Ungentleman mo naman." Sabi niya na halata namang inaasar niya ako.

"Whatever, asan ba mga kasama mo at ako ang kinukulit mo?" tanong ko sa kanya dahil wala pang trycicle ang gusto akong isakay.

"Andun sa loob" sabi niya sabay turo sa hair salon na nasa likod namin.

"andun naman pala sila, anong ginagawa mo dito?"

"nakita kita eh, at mukha kang tanga kanina dyan." Sabi niya.

"tsk! Alam mo dapat kanina pa ako naka-uwi? At gusto ko ng umuwi kaya pumunta ka na sa mga kasama mo." Sabi ko sakanya.

"eh bakit andito ka pa?" tanong niya.

"Kasi wala pang trycicle ang gusto akong isakay at kasi kinakausap mo pa ako." Sabi ko.

"Muka ka kasing wala daw pera pambayad." Sabi niya sabay tawa ng bahagya.

"bumalik ka na nga dun ng maka-alis na ako." Pantataboy ko sakanya.

"hahahaha, sige sige na babalik na ako. Nagmumukha ka ng sira dyan sa harapan ko." Sabi niya habang tumatawa at naglakad na papasok sa salon.

"tsk!"

Hindi ko alam na ganun pala ung babaeng yun. Ang lakas niya mang-asar. Kung hindi lang siya maganda baka tinulak ko na siya sa basurahan sa gilid ng hair salon na pinasukan niya.

Crush ko sana  siya kung hindi lang maraming nagkakagusto sa kanya. Siya na sana ung top 1 ko sa crush list kaso masyado siyang maganda at mabait pa kaya wag na lang.

Anyway, anmeron bat ayaw ako isakay ng mga trycicle?

ONE MESSAGE RECEIVE!

Ayan nagtext ang haring araw.

SAN KA NA

Text sakin ni Papa. Pero dahil poor ako. Hindi ako nakapagreply dahil wala akong load. At buti naman may nagdilang-anghel na trycicle at isinakay na ako pauwi. Kaya hindi ko na talaga kelangan pang magreply dahil pwede namang mag-explain na lang pagdating.

YOU ARE JUST A DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon