CHAPTER 8:

1 0 0
                                    


MJ's Pov

Uwian na namin at nag-text si Kuya Jared kanina sakin inaaya akong kumain,libre niya daw kaya pumayag na ako.

"MJ tara tambay muna." Aya ni Carlos.

"Hindi na, may pupuntahan pa ako." Excuse ko.

"saan naman punta mo?" tanong ni Dave.

"Kay Kuya Jared, kakain daw." Sagot ko naman.

"Uy! Sama naman. Miss na namin si Kuya Jared." Si Carlos.

"Oo nga tagal na nung last time na nakita namin siya." Si Dave.

"Sige sige teka sabihin ko lang." sabi ko sa kanila at tinawagan ko agad si Kuya Jared.

Pagkatapos kong tawagan si kuya Jared ay kinausap ko ulit sila.

"O, ano sabe?" tanong agad ni Dave.

"Tara, oo daw. Libre niya." Sagot ko.

"Nice! Tara na." Si Carlos.

At lumabas na kami ng room para puntahan ung restaurant kung saan kami ililibre ni kuya Jared.

Pagkadating duon ay nagkakamustahan sila konti at pumasok na kami sa loob at pumunta sa pwesto na ipinareserve ni Kuya Jared pagkatapos ay umorder na kami.

Habang nag-aantay sa order ay nagpaalam ako sa kanila saglit na magccr lang. Kaya iniwan ko na muna sila dun habang nagkukwentuhan.

Ivonne's POV

Magkasama na kami ngayon nila Ate Clarisse at inaantay na namin ang order namin. Nang maisipan kong magexcuse sandali para pumunta sa CR kaya iniwan ko muna saglit Sila ni Kuya.

Pagkatapos ko sa magCR ay lumabas na ako. At sakto ay may nakasabayan akong lalake na naka-uniform din ng UC na lumabas naman sa CR ng mga lalake. At likod pa lang nito ay pamiliar na sa akin kaya tinawag koi to.

"MJ!" tawag ko sa lalake kaya napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin. Halatang nagulat ito ng makita ako dahil biglang lumaki ang dalawang mata nito.

"MJ." Tawag ko ulit sa kanya, at nilapitan siya.

"Ikaw pala Ivonne." Sabi niya.

"Hi." Bati ko sa kanya.

Ngumit naman siya saglit at nagsalita.

"ahm... anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"ano pa ba ang ginagawa sa isang restaurant? Hind ba kumakain?" patanong na sagot ko sakanya.

Napatampal naman siya sa noo niya kaya natawa ako ng mahina.

"yeah, kumakain. Mali ata ako ng tanong." Sabi niya.

"So sinong kasama mo?" ako naman ang nagtanong.

"Ahm ung dalawang ugok kong kaibigan tapos ung pinsan ko." Sagot niya.

"ikaw, sino kasama mo?" tanong niya naman.

"Ung kuya ko at ung girlfriend niya, bonding with them." Sagot ko.

"ah, ganun ba. Sa tingin ko kelangan natin bumalik sa mga kasamahan natin." Sabi niya at nagkamot ng batok na tila nahihiya.

"well,.." sinilip ko muna ung table namin at tinignan kung meron na ang order namin at meron na nga.

"well, sa tingin ko oo nga. Sige, balik na ako dun. Nice seeing you here." Na lang ang nasabi ko at nauna ng maglakad.

Narinig ko pa siyang nagsabi na Eat Well. Pagkatapos ay naglakad na din siya.

YOU ARE JUST A DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon