Prologue

214K 290 6
                                    

Nagsimula ang lahat ng ito nang makilala ko ang mga totoo kong magulang.

Nagbago ang lahat, kung dati mas mahirap pa ko sa daga, ngayon nabibili ko na ang lahat ng gusto ko, kung dati kapos na kapos ako sa mga pagkain ko ngayon naman sobra sobra pa. At ang pinakamalupet, kung dati nagagawa kong gumala kung saan saan, ngayon hmmm...Nagagawa ko pa rin naman pero may mga nakabuntot sakin. Inshort nakabantay sa akin, at mas gugustuhin ko pang magkulong nalang habangbuhay sa kwarto ko kesa naman lagi kong nakikita ang pagmumuka nila.

Lyndon Kaizer Santiago, anak ng isa sa mga business partner nila mama at papa. Mahangin, yung tipong liliparin na ko sa sobrang kahanginan nya. Gwapo, oo na sana pero hinihila naman pababa ng kayabangan nya. Mabait, hindi sakin dahil kung magiging mabait man yan sakin sisiguraduhin kong katapusan na ng mundo.

Maximillian Alexander Agustin, sa anim na laging nakabuntot sakin siya yung pinakanakakabwisit. Hindi sya mayabang, pero napakakulit nya, gwapo sya at mahangin rin, sobrang takaw pero hindi naman tumataba, Anak ng isa sa mga pinakamagagaling na designer sa buong bansa at anak ng may ari ng pinakamalaking clothing store sa bansa. Hindi naman nya ko binubwisit na gaya ng ginagawa ni Kyzer ee kinukulit naman nya ako sa kung ano anong bagay.

Ivan France dela Flores, anak ng tinapa este ng isa sa mga pinakasikat na car manufacturer sa ibat ibang bansa, meron rin silang ilang branch ng casino at ang ilan doon ay sya na mismo ang nagpapatakbo. Gwapo sya, yeah, bolero, babaero, charms? Marami sya nyan, pero sorry nalang sya dahil ako ang kaisaisahang babae na kailan ma'y hindi tatablan ng charms nya.

Santi Axillan Lim, anak ng isang napakagaling na chef na sikat na sa iba't ibang bansa (sa tingin ko namana nya yung galing ng daddy nya ang sarap magluto ee). Marami na silang branch ng restaurant pero may isang bar sya na pinagiipunan sa sarili nyang hirap, 'Xillan Bar' ewan ko ba sa pangalan ng bar nya, may pagkawierd din sya minsan ee. Pero sa kanilang lahat sya yung pinakanakakatakot. Bossy ee.

Oliver Sean Ford, anak ng matalik na kaibigan ni Papa na sya rin namang business partner namin. Mabait, matalino, tahimik, actually crush ko sya kasi hinahangaan ko sya sa katalinuhan nya isa pa ang galing din nyang kumanta and cute sya. Hehe, kaso lang di kami close, maysa snob sya ee.

Storm Angelo Folkner, sikat na model ang mga magulang nya nung kabataan nila na sa tingin ko naman ee nadala nya rin sa paglaki nya. Sikat syang modelo, at talagang mahihiya akong tumabi sa kanya kasi sobrang tangkad nya hanggang baba lang ako ng balikat nya ee. Mabait naman sya, magkasundong magkasundo sila ni Max dahil sa pagkain. Maingay, magulo, at kagaya nga ng sabi ko magkasundo sila ni Max dahil napakarami nilang Similarities na dalawa, aakalain mo lang na cool si Storm pero pag nakaoff na ang camera, hihilingin ko na sana ee hindi na natapos ang photoshoot nya.

Silang anim, sabay sabay nilang papasukin ang buhay ko. Akala nyo ba simpleng special bodyguard ko pang sila? Well dyan kayo nagkakamali, kung iniisip nyo na bodyguard lang sila, hindi lang yun.

Sila lang naman ang list of pagpipilian, pagpipilian for what? Pagpipilian para maging fiance ko, yeah right you read it right. Isa sa kanila ang magiging fiance ko sa oras na makapagdesisyon ang mga magulang ko. At ako naman, ang malas na wala manlang magawa sa kagustuhan nila. Anong magagawa ko? Kakikita ko lang sa mga tunay kong magulang at ayokong sumama agad ang loob nila sakin dahil labg aa pagtanggi ko sa pagkakasundo naya. At para magawa nila ang desisyon, kakaylanganin kong tumira sa isang malaking bahay kasama silang anim.

Author's Note: Ang istoryang ito ay nabuo lamang ng aking malikot na imahinasyon. (Dahil na rin sa sobrang pagaadmire ko sa EXO). Kung meron kayong nabasa na hindi nyo nagustuhan, please po, please lang 'Just keep that opinion in your own' lalo na kapag hindi ka fan ng EXO tittle palang naman kita mo na, 'Staring EXO' kaya kung ayaw mo sa EXO :) wag ka nang mag-abalang basahin pa ang susunod na page.

All characters appearing in this work is fictional , Any resemblance to real person living or dead is purely coindential .

Copyright © Onetwothreetotle | 2014 | All Rights Reserve.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon