San kaya ako maka upa ng apartment dito?' tanong ng isipan ko dahil kanina pa ako naglalakad, naghahanap ng mauupahan ng apartment. Hayss mahahagard na facelack ko.
"Ate may alam ka ba na mauupahan na apartment dito?" tanong ko ng may nakasalubong akong isang ateng na nasa 30's na ata?
Infairness ang ganda niya mga teh. Talbog kagandahan ko, char.
"Naghahanap ka ba ng apartment eneng?" tanong nito na kinatango ko. "Tama may bakante pa," bulong nito na rinig ko naman.
"Ano pong bakante ate?"
"Ah may apartment kasi ako eneng."
Agad nagliwanag ang mukha ko sa narinig ko. Nawala ata lahat ng pagod ko dahil sa wakas makakapahinga na rin ako at medyo nagugutom na rin ako.
"Talaga po?" tumango naman siya. "Ako po ang uupa sa bakante ateng, kahit magkano ang bayad basta makapagpahinga na rin ako. Kanina pa kasi ako hanap ng hanap," sabi ko at parang nag exercise dahil sa sakit ng katawan ko.
"Oo naman eneng, pero," napakamot siya sa kaniyang batok at di makatingin sa akin.
"Anong pero? May multo ba don ateng?" Agad akong nanlamig. No no way." Ayy wag na lang pala baka multuhin pa ako. Baka ma heart attack pa ako salamat na lang ate."
Akmang lalagpasan kona siya ng pigilan niya ako.
"Hindi naman multo eneng, may makasama ka lang sa isang room."
Agad naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko may multo na.
"Kala ko multo eh hindi naman pala so let's go na ateng," sabay flip hair.
Agad akong napatigil sa paglalakad ng maalalang hindi ko pala alam kung saan ang apartment niya.
"Teka! Saan pala apartment mo dito, ateng?"
"Nagmamadali ka kasi dimo ko hinintay."
"Ayy sorna ateng excited na kasi akong magpahinga, nangangawit na kasi ako kanina pa kaya ako naghahanap ng mauupahan."
"Dito ang daanan eneng, Miranda Agoncillo pala," pakilala niya at sabay turo sa daan at lumiko kami.
"Keisha Gonzaga pala name ko ateng."
Tumango lang siya at agad naman akong sumunod sa kaniya dala ang isang maleta at isang bag. Why so bigat kasi, si mama ang may kasalanan nito.
Huminto kami sa medyo malaki-laking apartment.
Huwaw!
"Dito na eneng, at nasa 3rd floor pa ang kwarto mo, sumunod ka lang sakin." Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya.
Gusto kona talagang magpahinga, hagard na talaga face ko.
"5 thousand lang ang mababayaran mo eneng sa isang buwan, dahil libre na kasi lahat pwera na lang sa pagkain mo."
Agad naman akong napanganga sa sinabi niya.
"Wow as in lang? 5thousand lang? Ayy grabe ang mahal pala ateng," pagrereklamo ko. "Wala bang tawad dyan ateng? Hehe," sabay bunggo ng mahina sa balikat niya. "Kahit 4 thousand na lang, promise maging mabait akong manguupa di ako manggugulo hehe."
"Bakit? Dika ba mabait na tao at maggulo kang tao?"
Napa facepalm na lang ako sa sinabi niya.
"Ayy slow naman nito," bulong ko. "I mean ateng di ako magulo na tao, it means di ako mag-iingay sa apartment mo. Quiet lang talaga ako promise." Sabay taas pa ng kaliwa kung kamay, nagpapakitang tutupad ako sa sinabi ko.
Sige na please...
"Sige, 4,500 na lang." Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Kailangan ko nga talagang maghanap ng sideline or mag working student dito. Jusko.
Himinto na kami sa isang pinto na kulay ginto. Ay may ganon? Sosyal lang? Ang swerte ko pala ginto pa ang pintuan haha.
"Dito na ang kwarto mo, mag iingat ka," sabi niya at iniwan ako.
Aba iniwan ako! Amp.
Pumasok na ako at hinanap ang magiging kwarto ko, at napanganga na lang ako sa nakita ko.
Juice Colored!
Ang kalat! Parang dinaanan ng bagyong Yolanda.
Tao pa ba ang nakatira dito? Noooo parang halimaw ata.
"Ang kalat grabee," pagrereklamo ko.
Napailing na lang ako at pumasok sa isang kwarto na nakasara. Pagbukas ko ay may bumungad sa akin na malaki-laking kama.
Hay sa wakas makapagpahinga na rin. Thanks God.
Agad ko namang sinara ang pinto at nilagay ang maleta ko sa gilid at humilata agad sa kama.
I'm so tired talaga.
—————————————————
