Kiesha POV
"Alam ko, pero wala ka bang class ngayon?" tanong nito.
Ahh kaya naman pala, kala niya siguro estudyante ako dito, pero soon magiging estudyante ako dito.
"Well wala akong class ngayon dahil di naman ako estudyante dito pero soon isa na ako sa estudyante sa Sky High University," proud kung sabi sa kaniya na nakita kong ikagulat niya.
"Paano ka nakapasok sa school na ito kung di ka naman estudyante rito?" tanong nito. Ngumiti lang ako.
"Ako pa, si Kiesha kaya toh," pagmamalaki ko. "Well inaway ko lang si manong kalbong guard. Peace sa kaniya, di niya kasi ako papasukin ehh mag e-enroll kasi ako," pag sasabi ko sa kaniya ng totoo. Pero agad rin akong napausod naman ako ng kaunti palayo sa kaniya ng may maalala ako. "Teka, bakit ba ako nagkwento di naman tayo close ah."
Natawa naman siya sa sinabi ko. Bakit nga ba ako nagkwento, di naman kami close.
Nakita ko namang nilahad niya ang kamay niya at nagsalita.
"I'm Joshua Santiago, just call me Josh for short," pakilala niya pero tinignan ko lang ang kamay niya. Luhh feeling close? "Dika man lang ba magpakilala? Nanganganlay na ang kamay ko ohh."
"Sinabi ko bang magpakilala ka at may pa kamay-kamay pa? Luh shunga nito, well pretty naman ako. I'm Kiesha Gonzales just call me Kesh." At nakipagkamay, ay ang lambot ng kamay ni Josh.
"Okay kesh." Sabay bitaw ng kamay namin. "So nakapag pa enroll ka na ba?" tanong nito sakin. "I'm just curious, wag kang mag-isip ng iba hahaha."
Ang ganda niyang ngumiti at tumawa hehe, pero ma's maganda sakin chour.
"Yup, tapos na ako mag enroll bago pa lang. Naghihintay na lang ako ng tawag nila kung pasok ba ako sa entrance exam ko."
"Oh ganon ba, well di naman masama kung makipag friends ako sayo diba?" tanong nito na ikaisip ko.
Wala namang mawawala kung papayag ako na makipag friends siya sakin diba? At wala pa naman akong friends dito kaya okay lang.
But still I need to secure myself, I don't know the whole him.
Woah straight english Yun ah.
"Sure basta di ka lang manyak, kung hindi aba tapon na kita sa Mars kasama si manyakol at kalbong guard." Natawa naman siya sa sinabi ko.
May nakakatawa ba? Seryoso ako, ayaw ko ng minamanyak ako.
"Alam kung natawa ka dahil sa kalbong guard na yun pero na bwisit kaya ako kanina sa kaniya, napagsabihan pa ba naman ako ng pulubi tse," inis kung sabi.
"Hahaha okay lang yan, sadyang strict lang ang guard namin dito sa school," sabi niya na ikatango ko.
Masyado ata kong judgmental pero aba naiinis pa rin ako sa kaniya noh.
Pero teka bakit ba nandito tong gunggong nato? Diba class hour na?
"Wait, teka lang ah. Bakit ka ba nandito?" takang tanong ko sa kaniya.
"Ikaw nga nandito. Baka nakalimutan mo estudyante ako rito hahaha."
"What I mean is bakit nandito ka? Class time ngayon. Siguro nag cutting classes ka noh? Luh ka, masama kaya yun."
Ayaw ko talaga na nagka-cutting classes. Hindi ko pa nagawa yun simula tumuntong ako sa pag-aaral. Masyado akong mabait diba? Chour, suya ma deads hahaha.
"You're right nag cutting classes ako, ang boring kasi ng lesson."
"Kahit na noh, pumasok ka pa rin, gunggong ka rin." Sabay batok ko sa kaniya.
Tama lang yun sa kaniya noh, kung magka-cutting classes siya mabuti pang umabsent na lang siya keysa magpakita pa na di naman papasok. Gunggong toh talaga. As in.
"Ang sakit mong mangbatok ahh," reklamo niya pero ngumiti lang ako sa kaniya.
"Nababagay naman yun sayo eh peace tayo," sabi ko sabay peace sign.
"Ang cute mo talaga."
Ano naman kaya binubulong nito?
"May sinasabi ka? Bulong ng bulong ka dyan."
"Ang sabi ko bat ang gwapo ko," sabay pogi sign. Aba ang hangin ah.
"Woahh may bagyo ata."
"Totoo naman."
"Tse! Tigilan mo ako," saby flip hair. Pero tumawa lang ang loko.
Gusto ko makapaglibot sa school nato. Gusto ko ngayon na, kung hindi ako makapasa sa entrance exam ko di ko makita ang kabuuan ng school nato. Napatingin naman ako kay Josh na busy sa pagtitingin ng mga ibong lumilipad.
Biglang may pumasok sa isipan ko na ideya hahahha. Ang talino mo talaga Shasha, wag kayong ano tawag ni mama sakin yan. Diba ang ganda like me.
"Josh," tawag ko sa kapreng to I mean sa gwapong nilalang nato. Napatingin naman siya sa akin.
"What?" tanong nito na ikamangha ko. Bagay sa kaniya ang mag English speaking hehe. "Anong nginingiti mo dyan? Na gwapohan ka na sakin noh?" Sabay pogi sign na naman niya.
"Lol. Alam kung gwapo ka pero ilugar mo naman. Dahil nandito rin ang isang dyosa at nilugar ang kagandahan niya," saad ko at ngumiti ng matamis. Na imagine ko sarili ko para akong shunga haha.
"Dyosa? Kagandahan? Saan?" tanong niya at tinignan ang buong mukha ko na para bang may hinahanap.
Nabatukan ko naman siya dahil sa ginawa niya.
"Ito oh," turo ko sa mukha ko. "Yan ang isang dyosa," proud na sabi ko. Sabi kasi ni mama wag maliitin sarili. Alangan naman e down ko sarili ko. Hahaha.
Pero totoo talaga na maganda ako guys, 101% legit.
"Oh yan pala, wala kasi akong nakita haha." Tinigan ko na lang siya ng masama.
Bago ko pa makalimutan ang sasabihin ko ay nagtanong na ako baka kung saan pa mapadpad pinag usapan namin.
"Tumigil ka nga kapre." Sabay flip hair na naman. Ikiniganda ko yun noh charot lang. "Pwede pa favor kapre?" tanong ko sabay puppy eyes. Wala na talaga akong pakialam kung nagmumukha akong asong ulol dito. Lol. Haha.
"Haha LT yung mukha mo," sabay tawa niya.
Napangiwi naman ako, pasalamat siya kinausap ko siya. Di naman talaga ako makipag usap sa di ko kilala.
Napatigil naman siya sa pag tawa niya ng makitang wala talagang nakakatawa. "Ahm ano pala favor mo?"
"Ilibot mo ko sa school na to," nakangiti kung sabi. Excited na ako. Wahhhh.
"Yun lang? Sure."
Yesss! Let's go nahh.
"Let's goooo!" sigaw ko at tumayo na.
Nakita ko naman siyang nasa ilalim pa rin ng puno. Taka naman akong napatingin sa kaniya.
"Bat di ka pa tumayo? Tara na," yaya ko pero umiling lang siya. Bumalik naman ako at hinatak siya pero ang bigat niya. Di ko kaya.
"Mamaya pa ang recess, baka makita pa tayo ni President. Dentention na naman ako nito kung nagkakataon."
Wowww!! May ganito rin pala akala ko sa wattpad lang mangyayari.
"Ayy ganon ba kailan ba oras ng recess niyo?" tanong ko at bumalik sa inupuan ko kanina.
"45 minutes before mag recess," sabi niya sabay tingin sa mamahalin niyang relo. Sosyal naman ng kapreng toh.
SORRY FOR BEING LATE UPDATE MGA READERS
KEEP SUPPORTING MY STORY LOVE YOU 😘
![](https://img.wattpad.com/cover/182364939-288-k802833.jpg)