CHAPTER 7

1K 16 0
                                        

Karlheinz POV

Pagkatapos kung maligo ay agad akong nagbihis para makapunta na sa school. Tsk ang gwapo mo talaga Karlheinz. Kaya ang daming nagkandarapa sayo.

Pagkatapos kung gawin ang lahat ay lumabas na ako. Masyadong tahimik. Nasan na ba ang halimaw na yun? Tsk bakit mo ba yun hinahanap psh.

Napatingin naman ako sa sala na may box na pizza. Di ba niya kinain yan? Psh pasalamat siya binilhan ko siya dahil di siya lumabas sa kwarto niya maghapon. I'm not concern.

Nahiya ata dahil nakita ang hubad kung katawan hahaha. Swerte siya dahil nakita niya ang naked body ni Karlheinz Anderson.

Kinuha ko ang box pero bakit ang gaan? Nang buksan ko ang box ay agad akong napailing. Ibang klase, isa ang tinira.

Umiling lang ako at kinuha iyon at kinain. Agad na akong pumunta sa parking lot at pinaandar ang kotse papuntang school.

Pagkatapos kung e-park ang kotse ko ay agad na akong lumabas.

"Karl," rinig kung sabi sa likuran ko.

Napatingin naman ako.

"Zupp?" sabay fist bump sa kaniya.

"Wala pa si nerdy boy?" tanong niya sakin.

"Kakakita mo lang na kakarating ko lang Denver."

Napatawa naman siya sa sagot ko. Hanapan ba ako ng walang tao. Tsk.

"Sorry naman bro, oyy ayun na pala," sabay turo niya sa lalaking na sa bench.

As usual nagbabasa na naman ng libro. Nerdy, bookworm as always.

"Nerdyyyyy!" sigaw ni Denver para makuha ang atensiyon ni nerdy at sinamaan na naman siya ng tingin nito.

"What?!" nakakunot noo niyang tanong.

Tinapik ko na lang siya sa balikat at umupo sa gilid niya sabay tingin sa relo. 30 minutes before the class started.

"Ka aga-aga nerdy, libro na naman. Ikaw na dakilang matalino," sabi ni Denver kay Nerdy slash Matt.

"So? What? Wag mo nga akong istorbohin. Kung wala kang magawa, wag kang epal. Hanapin mo si Josh at siya kausapin mo." At padabog na sinira ang libro.

"Relax man, chill lang haha."

"Pshh."

"Wait nasaan na ba si Joshua? Nanlandi na naman ba yun? Hanep talaga yung Joshua na yun," iling niyang sabi.

Sa pagkakaibigan namin si Denver ang palasalita, mukhang babae, mabunganga. Si Matt ay yung kaibigan kung nerdy style, mahilig sa book. Si Joshua ang may pagkababaero sa amin at last ako yung pinaka gwapo.

Speaking of Joshua, nakita ko siyang may ka akbay na babae at masaya na tumawa sa hallway. Womanizer as always.

"Oyy si Joshua ohh, may kalandi na naman. Ka aga-aga landi agad. Babaero talaga ang loko tsk tsk," turo ni Denver sa tinignan ko.

Napako ang tingin ko sa babaeng kasama niya na tumatawa pa.

"Okay ka lang Karl? ang sama ng tingin mo Kay Joshua ah?" Napatingin naman ako kay Matt na tinapik ang balikat ko.

Kebago-bago dito nanlandi agad. Kababaeng tao.

"Yeah, okay lang naman ako," sagot ko nito at binaling ang tingin sa babaeng naglalakad patungong locker.

"Joshua! Babae mo yun? Hanep ang ganda pre ahh."

Hindi ko namalayan na papunta na pala si Joshua dito pero di ko siya binalingan ng tingin. Nakinig lang ako.

Ang Roommate Kong ManyakStories to obsess over. Discover now