Kiesha POV
Naglalakad na ako papunta sa next subject ko. Medyo malayo hays, buti pa sa aming probinsya hindi na kailangan mag 'go to there, go to here' ganon.
Sabagay malaking eskwelahan to kaya ganito. Hindi pa rin talaga ako makaget over na nakapasok ako dito. Kung may cell phone sana ako na touch screen, selfie here selfie there talaga ako at ipost pa sa facebook at itag pa yung mga tae kung classmate na pagtawanan lang ako keso daw hindi ako makapasok dito.
Ipagmumukha ko sa kanila na nakapasok ako dito at ipagmumukha na mas maganda pa ako sa eskwelahan na 'to. Charot.
Nang makarating ako sa room, agad kong nilabas ang notebook ko at nag study ng five minutes. Baka magpa surprise quiz si teacher. Doon naman sila magaling eh, ang mag surprise, at ending sa mga estudyanteng hindi nag study yataps ang grade. Mabuti ng handa para hindi bagsak.
Ilang minuto ring lumipas ng pumasok si teacher.
"Good morning class," bati niya sa amin. Agad naman kaming nag great back.
Hindi katulad ng isa dyan, hindi marunong magcrushback!
Char anong konek?
Nagsimula ng magdiscuss si ma'am. As usual General Mathematics ang first subject. That feeling na ang smooth pag pasok mo sa room pero sa paglabas mo hagard na face mo. Iba talaga ang Karisma ni math.
Maganda tumuro si ma'am kahit nakakatakot pagmumukha niya. She make a way na mapibilis ang pag gets namin about sa lesson namin and that's good. Char.
Suno-sunod na lumalabas english skill ko ah. Chax!
Kinalma ko na utak ko at nakinig na sa discussion baka kung saan-saan pa lumipad utak ko. Baka nga bigla na lang may lumipad na eraser sa pagmumukha Ko. Charot.
Pagkatapos ng unang subject ko agad akong pumunta sa next room ko for next subject. Wala ng katapusan ang pag hagard ng face ko. Shemay.
Pero bago pa man ako makapasok sa next room ko, napatigil ako qt nakita ang isang bulto ng lalaki na di kalayuan sa akin na nakasandal sa pader. Parang pamilyar siya sa akin.
Agad kumunot ang noo ko ng ngisihan niya ako. Agad tuloy akong nanlamig sa ginawa niya.
Ang creepy mo kuya meged.
Pumasok na lang ako sa room at inilabas ang notebook ko.
Sino ba yun? Kilala niya ba ako? Stalker ko na siya? Char, ang ganda ko naman kung ganon. Pero nakakaloka, kung makangisi akala mo close kami.
Pero yung ngisi niya parang Kay.... Manyakol!
Pero hindi naman si Manyakol yun. Aish nakakainis! Ginugulo mo isipan ko kuya. Hindi ka naman VIP sa utak ko. Balakadyan.
Nakinig na lang ako Kay ma'am baka mabaliw ako kakaisip sa taong yun.
Ang gwapo naman niya kung pinoproblema ko pa siya.
Pagkatapos ng klase, dumiretso agad ako sa garden. Wala akong balak mag recess kasi ang mahal ng paninda. Hindi pa naman ako nagugutom kasi medyo marami ang kinain ko kanina. At uwu excited na tuloy akong kumain ng lunch dahil sa binigay ni Aleng Cora na ulam. Rawr ang lakas ng Karisma mo Keisha. Hahaha.
Bago pa matapos ang recess time, nagtungo na ako sa next room ko. Habang naglalakad ako may iilan mapatingin sa akin.
'Nagandahan kayo sakin? Charot'
Binaliwala kona lang ang mga tingin nila. Siguro ganyan sila makatingin kasi bago lang ako. Bagong dyosa sa University na ito. Char.
Pagdating ko sa room, agad akong umupo sa pwesto ko, sa likuran. Eto talaga favourite spot ko lalo na't nasa tabi ng bintana. Ma fresh ang air. Hindi ka mahahagard as in.
