Keisha POV
Nanlaki ang mata ko nang makitang si manyakol ang pinagtataguan ko.
Sa dinaraming estudyante sa skwelahan ba't siya pa? Nakakastress at nakakaloka.
"Hehehe Hi Manyakol?" bati ko rito at akmang tatakbo ako ng may humigit sa akin na isang lalaking - diko knows.
"Eto ba yung chicks ni Joshua?" tanong nito sa mga kasama niya.
Agad kung binawi ang kamay ko sa pagkahawak niya. Aba chansing ka pre, alam kong maganda ako pero no, it's a no no no to touch.
"Sorry," paghingi niya ng tawad.
"It's okay basta wag mo lang ulit akong biglang hawakan, di tayo close okay?" sabi ko at pasimpleng napa flip hair.
Hmp.
"Kesh," rinig kung tawag ni 'Joshie the beki'.
Agad akong napahalaklak sa naisip ko at pinigilang matawa sa harap ni Joshua na hindi maipinta ang mukha.
"Don't call me 'Joshi- fuck! Basta yun!" naiinis nitong sambit at lumapit sa akin.
Agad akong lumayo at nagtago uli sa likod ni Manyakol. I need you muna Manyakol hehe. Peace muna tayo.
"Manyakol oh, lalapitan ako ni 'Joshie the beki.'" Napakagat ako sa sariling labi at di mapasadya mapatingin sa lalaking seryosong nakatingin sakin. "Yes?" tanong ko na mas lalong nagpataas ng kilay niya.
Sa ginawa niya agad ring napataas ang kilay ko. Nagkarerehan pataasan ng kilay charot. Tinignan ko ang kabuuan niya, naka nerdy glass at may hawak na mga libro.
Gwapo pero masungit.
"Don't stare me like that will you?!" medyo galit niyang sabi at napa tsk.
Magsasalita sana ako ng may biglang tumawa ng malakas, yung humigit sakin.
"BWAHAHAHA!" sa ginawa niya, lahat ng estudyanteng dumaan napatingin sa kaniya.
Boang ba to? Takas ata to sa mental.
"Hindi ko pala alam na may baliw na nakapasok dito," bulong ko kay Manyakol na nakangisi.
Yan na naman siya sa pagngisi-ngisi niya. Hindi ba nanganganlay ang labi niya kakangisi? Para siyang si joker.
" 'Joshie the beki?' Taena pre? HAHAHA." At bumuhakhak na naman. "Ngayon ko lang nalaman na bakla ka pala pfft!"
Napatingin ako kay Joshie na namumula na ang mukha dahil sa hiya. Naaawa na tuloy ako sa kaniya.
"Shut up, Denver!" singhal ni Joshie.
Agad napatawa ang mga estudyante na napadaan.
"Joshie the beki ampts HAHAHA."
Dahil naaawa na talaga ako kay Joshie, na medyo naiiyak na, agad kung sinapak ang tinatawag niyang Denver. Agad siyang napamura sa ginawa ko.
"Tumahimik ka please? Nandiri ako sa buhakhak mong parang- never mind." Umalis ako sa likuran ni Manyakol at pumunta sa tabi ni Joshie.
"Wag kayong judger 'Joshie the beki' ang tawag ko sa kaniya dahil gusto ko. At ako lang ang dapat tatawag sa kaniya ng ganon, understanding?" tanong ko sa kanila.
Nakita ko si Manyakol na napa roll eyes, aba roll eyes ampts. Tusukin ko kaya mata niya. Nakita ko rin si Denver na pinigilan mapatawa. Yung naka nerdy glass naman napailing.
Ilang segundo pa ang lumipas ng magsitango ang tatlo.
'Good, masunurin naman pala tong mga to eh.'
