CHAPTER 5

1K 18 0
                                    

Keisha POV

Nag-antay pa kami ng 45 minutes bago kami naglibot sa campus.

Ang bored Kona nga ehh, buti nlng natiis pa ng ganda ko. Chax.

"Wahhhh ang ganda kapre at ang laki pa," sigaw ko sabay turo sa malaking ground na may bleacher sa mga gilid at sa mga nagtataasang building.

Jusko. Kapag siguro may balak na magpakamatay ang isang tao at naisipan niyang tatalon sa building. Direct yataps (patay) talaga siya.

Pero joke-joke lang yun. Wag naman.

Dito talaga ako tatambay palagi at ang fresh pa ng air. Ang dami ko ng tambayanan. Wahhh di ako maka get over nito, sasabihin ko talaga kay mama ang nakikita ko. Siguro matutuwa yun sa sasabihin ko.

"Alam ko matagal na hahaha," agad ko na naman siyang nabutakan.

"Share ko lang gunggong to."

"Nakatatlo ka na ahh, pasalamat ka kaibigan kita."

Agad akong natigilan at napatingin sa kaniya.

'Pasalamat ka kaibigan kita.'

Hindi ko ma digest sa utak ko na kakapasok ko lang sa university na ito may kaibigan na akong gwapo na slow.

"Anong titig yan? Na in love ka na sakin noh? Okay lang yan handa naman akong saluin ka," sabi niya sabay smirk kaya tinignan ko siya ng masama. Sabay batok. Mahilig talaga ako mangbatok sa mga taong loko-loko.

"Spell Asa. Wala. Tigilan mo ako Jojo," natawa naman ako sa biglang pavtawag ko sa kaniya ng Jojo. Jojo? Bwhahaha.

Josh for short Jojo...Hahaha LT.

"Jojo?" takang tanong niya.

"Oo Jojo hahaha," agad naman siyang napatingin sakin ng masama at di makapaniwala.

Hala? Patay. Run for your life Kesh. Baka di ka sikatan ng araw. Kaya tumakbo na ako palayo sa kaniya at nag peace sign. Juice colored. Bukas na lang ako mag libot kung sakaling makapasa ako.

Sana po Lord huhuhu.

Pagdating ko sa gate ay nandon si Manong kalbo pero I just flip my hair. Charot strait English yun ah. Yan tuloy napa English ako ng wala sa oras. Wait ano na ba oras ngayon?

Dumaan na ako na di tinitignan si Manong guard insert kalbo. Basta naiinis pa rin ako sa kaniya. Ikaw pa ba naman insultuhin. Bahala siya. Basta maganda ako.

Pumunta ako sa mga street food malapit lang sa Sky High University at bumili ng kwek-kwek, sarap kaya nito, at bumili rin ng tempora. At pumunta sa bilihan ng juice.

"Kuya juice nga singko lang," sabi ko kay kuyang at tinuro ang nagustuhan kung juice flavor.

Binigay naman niya sakin at nagbayad na ako. Umupo ako sa upuan at kinain ang mga pinabili ko. Napako ang tingin ko sa isang estudyanteng lumabas sa gate. Binigyan ko siya ng masamang tingin kahit di niya nakita. Basta naiinis ako sa manyakona yan. Sarap itapon sa mars.

Tinapon kona ang stick at paper plate ng maubos ko na ito. Ngayon juice na lang. Ang sama talaga ng manyakol na yan, at nakakainis pa magka apartment pa kami. Bakit ba kasi siya pa? Pwede namang si Josh na lang. Kasi mabait siya kahit slow siya kesa naman makasama ang isang manyakol toh at mapang asar at bastos pa.

Hay nako jusko lord.

"Miss, wala ng laman juice mo," agad naman akong napatingin sa ininom kung juice, wala na nga. Pero paki niya ba? Yan tuloy nasungitan ko sa isipan ang isang to. Kasalan to ni manyakol.

Ang Roommate Kong ManyakWhere stories live. Discover now