CHAPTER 8

1K 19 7
                                        

Keisha POV

Agad akong napahawak sa pwetan ko ng bumagsak ako sa sahig. Ang sakit. Huhuhu.

Hindi ko naman alam na ang kintab pala ng tiles nila, yung tipong kapag clumsy ka patay ka. Char lang yung patay, yatap maganda.

"Arayy," daing ko at sinubukang tumayo.

Masyadong makintab ang tiles nila kaya na slide ako. Ako naman si tangang excited dali-dali namang pumasok. Ehh kasi naman excited ako ehh.

Nag angat ako ng tingin ng nararamdamang may maraming mata ang nakatingin sakin.

Kita ko sa mukha nila ang gulat at napanganga. Kahit ang sakit ng pwet ko ay naglalakad ako ng paika-ika at naghahanap ng mauupuan. Naiilang ako sa tingin nila kaya nagsalita na ako.

"Hehe baka mapasukan ng langaw ang mga bunganga niyo at wag nga kayong tumingin sakin ng ganiyan, nakakailang." At alam ko namang maganda ako.

Agad naman nilang naitikom ang bibig nila at bumalik sa mga ginawa nila. Buti na lang wala ng pumapansin sakin.

Hinihimas ko ang pwetan ko dahil masakit pa yun. Medyo malas first day of school ko huhu. Pero okay lang, atleast nakapasok ako sa paaralan na 'to.

"Transfere ka?" tanong ng isang babae sakin, nasa unahan ng upuan ko.

"Oo hehe." Tumango lang siya at ningitian ako.

Natigilan lahat ng mga tao sa room na to ng may pumasok. Siguro teacher namin siya.

"Okay class settle down," sambit ng guro daw namin. Siguro di ko alam ehh.

Agad naman naupo ang ibang mga kaklase ko at tahimik na nakatingin sa harapan. Kita ko isa sa kanila na napalunok.

"Good morning class."

Agad silang napatayo at tumayo na rin ako.

"Good morning maam," sabay naming sabi.

"Okay sit down." Agad naman akong umupo at tinignan ang guro namin.

Hmm parang nasa 40's na siya. Pero grabe ang ganda niya parin kahit katandaan na siya.

"Kiesha Gonzales" agad akong napatayo ng tinawag niya ang pangalan ko. "Introduce yourself."

Pumunta naman ako sa harapan nila at ngumiti ng matamis. Ang ganda kaya ng ngiti ko sabi ni Mama.

"Hi, I'm Keisha Gonzales. Nice to meet you all. I hope na makaibigan ko kayo, di naman ako snob."

Pinaupo naman ako pagkatapos kung magpakilala. Medyo strict siya, kaya pala takot ang mga estudyante sa kaniya. Hindi naman ako natatakot kasi mabait naman akong estudyante hindi pasaway. Charr. Totoo naman talaga eyyy.

May dinis-cuss siya at wait General Mathematics terror teacher siya. Sa math talaga ako naloloka. Pano ba kasi yan laging hinahanap si X ehh hindi na pwedeng hanapin si X kasi may iba na siya kaya move on kana okay.

Mabuti pa ako hindi prino-problema love life ko kasi loyal na ako kay baby taehyung at baekhyun ko kyahhh. Oh my gosh.

Mga asawa ko yan....

Hindi ko namalayan na tapos na pala siya mag discuss dahil laman ng isip ko ay mga asawa ko sa Korea busy sa darating na concert nila.

Hinanap ko agad ang room ng next subject ko at naloloka ako. Ang layo! Aabutin ako ng 5 minutes. Hagard na facelack ko!!!

Hingal akong dumating sa next subject ko dahil ayaw ko talaga ang ma late. Hate ko ang ma late. Sa school ko noon most punctual ako. Ohh diba.. Ako kasi pinaka una dumating sa room namin at ako pa ang taga dala ng susi namin kaya ganon. Bait ko kaya hindi katulad ni manyakol.

Ang Roommate Kong ManyakStories to obsess over. Discover now