Keisha POV
Mas lalo ata akong nastress ngayon araw dahil sa pagsulpot ng lalaking ito at napagkamalan akong yaya ni Manyakol.
Mukha ba akong yaya sa manyak na yun at sa ganda kong to?
Nandito ako ngayon sa sofa nakaupo, kaharap ang matandang ito.
Hindi ako manghuhula, pero alam kung ang nakaharap ko ngayon ay ang papa ni Manyakol. Dahil kamukha niya talaga si Manyakol. Aaminin ko na gwapo si Manyakol at namana siya sa kaniyang papa at sa height rin na may katangkaran. Pero sa kaputian ng papa niya, hindi, baka morena mama ni Manyakol at doon siya namana.
"What is your name, dear? You're the nanny of my son right?"
Mas lalo kung napakuyom ang kamao ko at napatingin kay manyakol na nakangisi sa akin. Nasa likod siya ng papà niya kaya ganon na lang ang pag-asta niya.
Kapag nakaalis na talaga tong papa niya, basag yang pagmumukha niya!
Nagpakawala ako ng malalim ng buntong hininga at tumingin sa kaharap ko ngayon at nagpakawala ng isang malaking ngiti.
"I'm Keisha Gonzales and I'M NOT the nanny of your son po," diniinan ko talaga ang 'I'm not' para malaman niyang hindi ako yaya ni Manyakol.
"But my son told me that you're his nanny." Napahahilot ako sa ilong ko dahil manonosebleed na ako.
Akala ko kay Donnalyn lang ako ma nosebleed, pati pa ba naman sa kaharap ko ngayon. Jusko yarn.
"Well Sir, I bet he's just joking when he told you that I'm his nanny but I'm not Sir, I'm his roommate."
Napalabas ko tuloy ang tinatago kung english skill dahil dito.
"Karlheinz," tawag ng papa ni Manyakol sa kaniya.
Agad siyang napatuwid ng tayo.
"Yes dad?"
"Totoo ba na nagsinunggaling ka sakin?"
Marunong kanaman pala magtagalog Sir! Ba't pinapahirapan mo pa ako.
"Sorry, dad," nakakamot batok ni Manyakol.
Napahilot sa sintudo ang papa ni Manyakol at pinipigilang patayin and anak niya. Charot.
"Go to your room, mag-usap tayo mamaya," nagpipigil niyang ani.
Agad sumunod si Manyakol sa gusto ng papa niya. Aba, masunurin rin naman pala tong isa to!
Nang mawala na si Manyakol sa paningin namin, agad akong humarap sa papa niya.
'So ano na?'
"Sorry sa inaasal ng anak ko."
"Okay lang Sir," sagot ko kaagad.
Nagpakawala siya ng buntong hininga bago nagsalita ulit.
"My son want to be independent, kaya siya umupa ng apartment at ito iyon. But everytime our nanny get here, to visit and deliver some foods here, she always say that 'Hindi pa rin nagbabago ang anak niyo, Sir.' I know what she mean."
"Bakit niyo po sinabi nito sakin, Sir?" tanong ko dahil sa pagkwento niya.
Ano naman konek? Ano naman kung hindi pa rin nagbabago si Manyakol? Ang pagiging manyak niya nga hindi nagbago, siya pa kaya?
"I told you about this because frankly I want you to be the nanny of him."
Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako? Magiging yaya ni Manyakol? Ayaw ko, ayaw!
