Kiesha POV
Maaga akong gumising para maka pag enroll sa school na papasukan ko. Mag ta-transfer kasi ako eh. Well di talaga ako taga rito sa Manila, galing talaga ako sa America charot sa probinsiya talaga.
Naligo na ako para maaga akong makarating sa new school ko. I'm so excited na talaga na makapasok sa pangarap kung skwelahan.
Pagkatapos kung maligo ay nagsuot na ako ng damit. As usual yung simple lang like jeans and t-shirt, aba paki ba nila ganito susuotin ko.
Isang lait isang sapak.
Lumabas na ako para maka pag almusal. Binuksan ko ang ref ni manyakol baka sakaling may pang breakfast na makain. Di ako magnanakaw ah.
Nakakakita ako ng isang tray ng itlog at dalawang pack na hotdog. Okay na to. Pumunta muna ako sa pintuan ni manyakol para magpaalam, magpaalam na hihingi ako ng pangbreakfast. Don't worry babayaran ko rin siya kapag may sideline na ako ganern.
Feeling close muna ako ngayon hehe, pakapalan ko muna face ko.
Huhu may kasalanan pa naman ako kahapon.
"Manyakol good morning," bati ko sabay katok ng malakas para gising talaga. Bait muna ako hehe.
Nakarinig naman ako ng mura ng isang manyakol, buti nagising siya.
"Ang aga aga ang ingay mo," busangot niya ng mabuksan niya ang pinto ng kwarto niya. "Ano bang kailangan mo?"
Oh my abs..
Naka boxer lang kasi siya at mabukol ang parteng ibaba. Oh my virgin eyes.
"Halimaw!" nagising naman ako ng sinigawan niya ako sa tenga. Bwisit ang sakit. "Free to touch my abs halimaw baka matunaw pero ang kapalit sa kama,"sabay wink na naman niya.
"Gusto mo talagang makuha mata mo e noh? At abs? San abs dyan? Puro naman bato nakikita ko siya tiyan mo, walang abs oyy!"
"Ikaw pa ang ma bwisit sa atin ako dapat, dahil ang aga mong nambubulabog, istorbo sa tulog. Ohh ano bang kailangan mo?" nakanguso niyang sabi, ay ang cute.
Cute lang walang malisya beshh.
"Ah hehe manghihingi lang sana ako ng pang-almusal. Pengeng itlog at hotdog sa ref, promise babayarin ko rin." Sabay puppy eyes, sana umepek.
Tinignan niya lang ako ng nagtataka na tingin, pero agad naman napalitan ng ngisi. Aba bipolar.
"Itlog at hotdog lang?" tumango naman ako. "Kainin mo ako, full order nah, may itlog at hotdog nahh may free pandesal pa oh ano? Diba full package na, kaya tara na hahaha."
Agad ko siyang nasuntok sa braso niya pero ako lang ang nasasakta, langya ang tigas ng muscle niya.
"Kahit kailan ang manyak mo talaga, halimaw na nga manyak pa tsee bahala ka nga magluluto na ako ng itlog at hotdog nagugutom na ako tse."
Bala ka dyan.
Naglalakad na ako sa kusina para magluto na, umagang-umaga ang manyak ng bunganga ng gunggung yun.
"Halimaw lutuan mo na rin ako," saad niya at pumasok na sa kaniyang kwarto.
Aba ginawa niya pa talaga akong alalay, buti na lang sayo tong grocery nato nako. Kung hindi patay ka gamit kamay ko charot. Killer lang ang peg.
Nang matapos na akong magluto at nakahain na ang lahat sakto naman na lumabas si manyakol sa kwarto niya.
"Marunong ka palang magluto halimaw."
"Anong akala mo hindi? Asa ka, kumain ka nga lang diyan daming satsat nito."
Umupo na rin ako para makakain na dahil gutom na rin ako.
Kahit di ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang titig niya sakin, pakingshit wag kang ganyan manyakol kung ayaw mong mabogbog.
"Anong tinitingin-tingin mo sa akin manyakol?" pagtataray ko rito.
Pero ngumisi lang ang loko at nagpatuloy sa pagkain.
"Ang pangit mo kasi, ang dami pang pimples, ano ba gamit mong sabon? Tide powder? Hahaha," tawa-tawa niyang sabi pagkatapos niyang kumain. Ang bilis ahh nilamon lang.
Marami akong pimples? Loko to ni isa nga wala ako non kagigil talaga tong manyakol.
"Hoy! Ang sabihin mo nagandahan ka lang sakin at wala akong pimples oy ni isa nga wala asa ka oyy! Bwisit tong lalaki toh," nanggigip na talaga ako sa manyakol nato sarap talaga itapon sa mars ehh kagigil.
"Hahaha aminin muna kasi dami mong pimples halimaw haha."
Feeling close ampts.
Basta ako di makapag pigil patay tong lalaking tohh arghhh.
"Isang satsat mo pa patay ka talaga sakin," pagbabanta ko sa kaniya. Lalaki ba talaga toh? Ang ingay ng manyakol nato ehh. Akala mo babae makapagsalita. Kaasar.
"Gwapo ko talaga," sabay wink tapos tumayo. Tapos na pala tong kumain. Tse bahala siya.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain para matapos na ako baka ma late pa ako magpa enroll. Pagkatapos ko ay hinugasan kona ang pinagkainan ko at ang loko hindi hinugasan pinggan niya nakakaloka. At mabait naman akong tao hinugasan kona rin ang pinagkainan niya.
Kinuha kona ang bag ko na naglalaman ng kinakailangan ko sa pag enroll. Excited na talaga akong makapasok sa pinapangarap kung skwelahan.
"Saan punta mo halimaw?" rinig kung tanong ni manyakol.
"Close tayo para sabihin ko kung saan ako pupunta? Pupunta ako kung saan kung wala ka, babush," sabay flip hair charot lang.
Lumabas na ako at dumiretso sa karinderya bibili ng coke dahil nauuhaw ako. Tubig kailangan pero coke ininom ko diba ang tanga well hala kayo haha. Eto gusto ko ehh bakit ba? Charot. Pagkatapos kung bumili ay pumunta na ako sa paradahan para sasakay ng jeep papunta sa University.
"Ohh isa na lang, sasakay ka miss?" tanong ng konduktor sakin.
Magaabang ba ako ng jeep kung di ako sasakay? Nakakalorka.
"Ayy hindi tatayo lang kuya, alangan naman kuya sasakay ako noh," pagpipilosopa ko tapos sumakay na sa jeep ang sikip. "Atras kaunti Kuya di ako makaupo ng maayos," sabi ko sa lalaking medyo malaki. Umusog naman siya at umupo na ako.
Umandar na ang sinakyan kung jeep at ilang sandali lang ay nakarating na ako sa destinasyon.
Pagbaba ko agad akong nagtalon-talon na parang bata.
Wahhhhh My dream! My dream!
"Sky High University! I'm here nahhh! Wahhh!" Sigaw ko, wala namang tao eh. "Ang ganda-ganda mo talaga Sky High University!"
Parang nagka harthart ang mata ko sa saya at excitement.
*Peeeeepppp*
"Ayy pusang gala!" gulat kung sabi at napatingin sa likod ng may bumisina. May kotseng itim, ang ganda.
Pumunta naman ako sa gilid para maka daan ang isang toh. Nagtataka ako ng huminto ito sa harapan ko at bumaba ang salamin nito yun bang nasa pintuan basta salamin siya kaloka.
"Wag kasing paharang-harang sa daan Miss, dadaan ang prinsipe." Nakangising sabi ng loko at may pa shade pa.
Si manyakol pala toh aba ang sosyal niya at ano? Prinsipe siya dito?
"Tse prinsipe mo mukha mo bakit palasyo ba toh? Ha? Utot mo manyakol. Makaalis na nga panira ka talaga."
At nilisan ko na ang lugar kung saan may manyakol.
Pero bakit siya nandito? Dito ba siya nag-aaral? Tengene leng schoolmate pa kami ng manyakol na yun arghh.
Basta gusto ko tahimik ang pag-aaral ko sa school nato at subukan niya lang paingayin ang buhay ko kung ayaw niya talaga makatikim ng isang kamao ko.
